Ika-dalawampu't Apat na Sulyap

1.5K 36 2
                                    

Ika-dalawampu't Apat na Sulyap

"Why are you crying?" tutok sa'kin ng lasing na si Jhustine. Hinawakan niya pa yung pisngi ko saka niya 'yon marahas na pinahid. Nakaupo ako sa may balcony ngayon at wala akong kasama kundi ang anino ko at ang sarili ko.

"Jhustin—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla siyang malakas na tumawa.

"Kamusta ka na? Dakilang manga-agaw?" Damn. Hanggang ngayon ba naman! Hindi niya ko tatantanan? Ang hilig niyang ipataw sa'kin yung title na para naman sa kanya. I don't know what did I do. Wala akong idea kung bakit niya nagawa sa'kin lahat nang ginawa niya.

Yeah, it's a job well done. Ang galing kasi nilang umarte ni Nico. Bentang-benta sa'kin.

"I'm okay as hell." Ngumiti siya na para pang nanga-asar. Just one more and I'll make sure na mamamatay siya ngayong gabi. Ihuhulog ko siya mula rito! Hindi naman ako nakikipaglokohan sa kanya. Isa pa wala akong pakialam kung anong sabihin niya ngayon.

Hindi naman na ko maaapektuhan!

"I'm pretty sure your company's falling down. You know? It's like a London Bridge which fell down. Nakakaawa ka ngayon, hindi ba?" nangunot yung noo ko. Tumayo pa ko para lang tapatan siya. Pagewang-gewang naman yung pagtayo niya.

"Alam mo ba kung anong ginawa sa'yo ni Nico?" isa pang tawa yung pinakawalan niya saka siya ulit tumingin sa'kin. Inilapag niya pa yung wine glass sa coffee table na nasa harapan ko saka niya ko bahagyang nilapitan.

"Alam ko." Ngumisi pa siya saka niya dinuru-duro yung noo ko. I quickly get rid of it saka ako lumayo pa sa kanya. I hate it. I hate being treated like this. Na hindi man lang ako makalaban. And this is a catastrophe! Lahat ng nangyari sa'kin sa buhay ko, it's a catastrophe!

"Pwede ba Jhustine?!"

"Uh uh. I'm not done. Nauna ka ng nasaktan dahil sa boyfriend ko. Natatandaan mo pa ba si Nico? The man who made you fall for him?" tumawa na naman siya saka niya ko hinawakan sa magkabilang balikat. "Nakakatawa. Ang bilis mong kumagat. I'm pretty sure na proud ka pa ng mga oras na 'yon. I'm not done anyways. May mga bagay pa kong tinatapos. Aaah! It's already done na nga pala..Your father's company Summer. Watch for it, then..." Pinitik niya pa yung dalawang daliri niya sa ere habang hindi pa rin nawawala yung ngiti niya. Saka siya nagsalita.

"Boom!" sabay sinundan niya ng tawa at iiling-iling na umalis. Unti-unting naglandas yung luha sa mata ko.

Gusto ko siyang sundan at tanungin kung bakit niya sinasabi 'yon. Yung sa kumpanya. Ano bang gusto niyang iparating don?!

Kaya lang kung papatulan ko siya. Wala ring mangyayari.

"Hey." Nakita ko namang lumabas si Erick. Gulat pa siyang napatingin sa'kin.

"A-are you okay?" Siguro nagulat dahil nakita niya kong umiiyak. May dala siyang canned softdrinks saka niya iniabot sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya. Saka marahan kong pinunasan yung luha ko.

"Salamat." Umupo siya sa tapat ko bago ko narinig yung pagtakas ng spirit mula sa softdrinks niya. Iyon yung iniabot niya sa'kin saka niya kinuha naman yung hawak ko.

"I saw Jhustine. Inaway ka ba niya?" tanong niya sabay lagok sa softdrinks. Umiling ako saka ko ininuman din yung akin. This is great. Maayos kaming magu-usap. Maka-survive kaya ako?

"Hindi. Wala 'to. Ang lakas kasi ng hangin dito mukhang uulan pa." sinipat niya naman yung kalangitan. Saka siya nagkibit balikat.

"Maybe. Walang bituin sa langit e." ngumiti ako saka ako pumikit at dinama yung hangin na dumadampi sa balat ko. Mabuti na lang at mahaba yung manggas ng uniform namin. Hindi gaanong malamig. Nakadagdag pa yung medyo close neck dahil mahilig kong isara lahat ng butones ng uniform ko saka ko ilalagay yung neck tie.

Sa Isang SulyapDonde viven las historias. Descúbrelo ahora