Ika-apatnapu't Dalawang Sulyap

1.4K 36 0
                                    

Ika-apatnapu't Dalawang Sulyap

"Yannah." Hindi ko na kailangang lumingon pa. Kilala ko naman na kung kaninong boses 'yon. Wala rin akong pakialam kung kilala niya yung Yannah na 'to o hindi. Mas mabuti pang umalis na ko rito.

"Kuya--"

"Ah. I think I need to go. Nice meeting you, Yannah." Sabi ko saka ako tuluyan nang umalis. Inilabas ko naman agad yung cellphone ko saka ko tinawagan si Kuya Cabi.

"Kuya, still busy?"

"No. Nasa bahay na ko. I'm actually going to call you. Where the hell did you go?! And where's Jennifer?!" bumuntong hininga ako as I reached my destination. Nasa parking na ko at handa na sanang buksan yung pinto ng kotse pero pinigilan ako ni Nico. Seryoso yung mukha niyang nakatingin sa'kin. At wala siyang karapatan don.

"Hello Summer?!"

"Nasa mall kami. The usual. Puntahan mo na lang siya rito." Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya ulit agad kong pinatay 'yon at binaba. Tinignan ko naman ng matiim si Nico. Hindi ko 'to babawiin hangga't hindi siya yung nagbabawi.

"Anong ginagawa mo rito?" I said coldly. Sa sobrang lamig non pati tuhod ko nanginginig na.

"Summer. Let me explain-"

"Explain what?" ganon pa rin yung pagkakasalita ko. Ayoko siyang bigyan ng hint na maaayos pa namin 'to. I am so tired. Pagod na kong umiyak, masaktan at magmukhang tanga. Sana naman mapagod na rin siyang paiyakin ako, saktan ako at pagmukhain akong tanga. I hate this damn relationship! Hindi na maubusan ng problema.

"I went here because Jhustine wants to apologize. And she also promised that she'll do everything to take away your hatred for her. Believe me Summer. That's all she wants. Wala sa plano niyang sirain ulit tayo." Matamlay akong ngumiti't napailing. Saglit ko siyang tinitigan saka ko siya bahagyang tinulak. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon na makapasok sa sasakyan ko.

There's no way I am going to believe him again. No way. Kung akala niyang mapapaikot niya pa ko ulit tama na. Quotang-quota na ko.

Inilabas ko sa parking space yung kotse pero ang lintik na lalaking 'to. Talagang bu-bwisitin ang buong buhay ko! Ang dali-dali niyang mambwisit! Bwisit talaga!

Binusinahan ko siya ng ilang beses pero hindi siya matinag. Damn it! May kotse pa sa likuran kong naghihintay na makalabas ako at bumubusina na rin. Ang galing. Galing niya talagang gumawa ng eksena. I am so proud. Napaka-well trained niya! Well-trained by whom? By Jhustine? Tama. Bagay sila.

Nico and I? We are just so not-meant-to-be.

Ilang beses pang bumusina yung sasakyan na nasa likuran ko kaya wala akong nagawa kundi ang bumaba at harapin si Nico.

"What the hell do you want to happen?!" sigaw ko sa kanya. Isang busina pa yung ginawa nung sasakyan na naghihintay. Shit! Naiirita na ko!

"Summer--" hindi na niya naituloy pa yung sasabihin niya nang bumusina ulit yung sasakyan sa likod ng sasakyan ko. Nilapitan ko naman 'yon saka ko kinatok.

"Knock it off! Maghintay ka pwede?!" sabi ko ron sa mukhang teenager pa lang na lalaki. Natahimik naman siya't nanghingi ng pasensiya kaya bumalik ako sa harapan ni Nico. Nag-cross arms pa ko saka ko siya tinitigan ng matiim.

"Now. Kung hindi ka aalis-"

"I'm not going anywhere until you listen to me. Seriously, Summer. Did you really believe what you just saw? Babalik na naman ba tayo sa ganito? Sa hindi magkakilala. Sa galit sa isa't isa?! Kasi kung ako lang Summer? Hindi ako nagalit sa'yo. Kahit kailan wala akong ginawa kundi ang ituon sa'yo lahat ng pagmamahal at atensiyon ko. Then what are you doing? It looks like you're ready to dump everything, anytime, nang dahil lang sa nakita mo. I hate this fucking life!" natahimik ako. Ilang beses ko rin siyang nakitang frustrated na bumuntong hininga't umiling.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now