Ika-apatnapu't Isang Sulyap

1.5K 38 2
                                    

Ika-apatnapu't Isang Sulyap

"Hoy!" Tamad na tamad akong tumingin sa kanya. Halos napipikit na rin yung mata ko at gusto ko nang matulog pero wala pa rin siyang ginagawa kundi ang magkwento ng kung anong nakakainis na bagay sa'kin. Halos ikwento niya na pati paggagawa nila noon ng baby ni Kuya Cabi. Kundi lang ako naglagay ng earphone sa tainga kanina itutuloy niya pa 'yon.

Eto kasing si Paulo na hashtag dakilang tsimosa, ayon. Naikwento na pala rito kay Jennifer yung nakita niya sa office. Sino ba naman kasing matinong kaibigan ang gagawa non? Sabagay, kailan ba sila naging matino pagdating sa mga chika sa'kin? Never pa yata.

Kapag nakita ko talaga siya. Uubusin ko lahat ng buhok niya malaman niya lang kung anong ginawa niya sa'kin. Baka mamaya maikwento pa ni Jennifer kay Kuya Cabi 'yon eh 'di mas mananagot ako?

"Nakikinig ka pa ba?" inis kong tinanggal yung earphone na nasa tainga ko saka ko siya tinitigan.

"Alam mo. Kung nakikinig ako, hindi ko maririnig na kumakanta yung Maroon 5 sa earphones ko. Obviously, I am not listening Jenny. Ganitong oras? At day off ko. Siguro dapat nagpapahinga na ko e. Pero nakapagpahinga naman na ako. Hapon na e. Pahinga na yung makinig sa'yo." Sarcastic ko pang sabi. Kinuha ko naman yung magazine na nasa ilalim ng centre table saka ko 'yon inilipat-lipat sa kung saan.

"Nakakainis ka naman e." Huh. Ako pa talagang nakakainis.

"Ah. Do you want to go out shopping?" This is the first time I offered her to go shopping. At baka mas magulat siyang ililibre ko siya. Para lang matahimk siya dahil alam kong iyon yung distraction niya. Pasalamat nga akong habang pinagbubuntis niya yung magiging pamangkin ko ni minsan hindi siya nagtangkang pumunta sa club. Unlike before.

Updated naman ako ni Kuya Cabi about her nung nasa US pa ko. Kaya kahit nandon ako. Alam ko kung anong pinaggagagawa niya.

"Shit. Really?!" sumimangot naman ako saka ko pinitik yung pisngi niya.

"Ouch!" sabi niya bago napahawak don.

"Nakakainis ka! Kapag yang pinagsasasabi mo narinig ng pamangkin ko at gayahin niya paglabas niya. Mapapatay talaga kita!" sabi ko na lang.

"OA ah!" ngumiwi naman ako saka kami nagpaunahang pumanik. Saglit lang akong nag-shower at nagbihis na. Paglabas ko naman ng banyo. Nakaabang na sa akin ang buntis na naka-maternity dress na. Inaayos niya pa yung kama kong pinaghigaan ko kanina kaya napasandal ako saglit sa pintuan habang tinititigan siya.

She's really ready to be a mom. Alam niya na kung paano mag-alaga. And I'm starting to admire her for that.

"Hey, saan mo gustong mag-shop?" saglit siyang tumigil saka niya ko tinitigan.

"Ahm. Sa mall? Dun yata." Sarcastic niyang sabi kaya tumayo na ko ng maayos at lumapit sa kanya.

"Lets go." Sabay naman kaming bumaba. Since wala si Kuya Cabi. Freeng-free siya na lumabas. Kasama naman ako kaya hindi na siguro maga-alala si Kuya Cabi kapag nalaman niyang kasama ko si Jennifer sa mall. Isa pa gusto ko ring bigyan ng regalo si Kuya Cabi malapit na kasi yung 26th birthday niya.

"Anong balak mo sa birthday ni Kuya Cabi?" tanong ko habang nakatuon sa daan yung mata ko. Medyo traffic pa ngayon dahil rush hour na. Uwian na ng mga galing sa trabaho. Buti ako hindi ko inaabutan yung mga ganito kasi usually, dahil sa dami ng trabaho ngayon sa company umuuwi ako mga past twelve na. Minsan inaabot pa ko ng one am.

"I want to surprise him sana. Pero gusto ko yung kaming dalawa lang." Hm. Umiiral talaga yung pagiging makasarili niya pagdating kay Kuya Cabi. Hindi pa ba sapat sa kanya na siya na yung pinakasalan? Kung tutuusin siya lang talaga yung sineryoso ni Kuya Cabi. Yung iba kasi non. Fling lang. May pagka-playboy 'yon e.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now