Ika-tatlongpu't Isang Sulyap

1.6K 31 0
                                    

Ika-tatlongpu't Isang Sulyap

"Is everything ready for tomorrow?" tanong ko ron sa tatlong kausap ko. Nagkita-kita kami rito sa office ko. Nagpunta sila to get the second payment. Idinaan ko na lang sa cheque 'yon para hindi na ko mag-withdraw pa. This is my personal money I'm using at hindi ako kumukuha sa company. Bawal kasi 'yon. Hindi ako marunong mangurakot.

"Yes Miss Song." They said in chorus na parang mga elementary students. Umiling ako saka pinaga-abot sa kanila yung bayad ko. Tumayo ako para lapitan sila sa receiving area kung saan sila nagsi-upo.

"Sinong designer sa inyo? Or may kilala ba kayong designer?" tanong ko sa kanila. Nagtaas naman ng kamay si Victor—yung baklang kausap ko. Nginitian niya ko bago siya nagsalita.

"Anong klaseng—"

"I need a black elegant dress for tomorrow. Hindi gown-type. Pwede na yung fitted dress or something. Ikaw ng bahala sa design. Kung may gawa na, iyon na lang yung bibilin ko. But I don't like the second time wear since my skin is sensitive." Tumango-tango naman siya habang nagsusulat sa papel na nasa clipboard na dala niya.

"Okay. I'm sorry busy ako ngayon. Pwede na kayong umalis. See you tomorrow." 'yun lang at sabay-sabay na silang umalis at bumalik ako sa trabaho ko. Maya-maya lang nag-ring yung telepono ko. Mabilis ko naman 'yon na sinagot.

"Yes?"

"President Song nandito po si Mister—"

"Ah, yeah. I was expecting him. Let him in." Salamat. Pagkatapos nito makakauwi na ko. Erick told me he'll pick me up today. Para naman may excuse ako. Tsaka patapos na rin halos lahat ng ginagawa ko kaya pwede ko na rin munang iwan. Gusto ko na ring ipahinga yung katawan ko. Kanina pa kong umaga rito. Napaaga nga yung pasok ko dahil sa kaiisip ko tungkol sa sinabi ni Nico.

I miss you

Damn it Summer! Don't tell me you're believing it. Tuso si Nico. Alam mong kapag ganon yung ginagawa niya. Pinapahulog ka lang niya ulit. Tapos kapag nagtagumpay siya iiwan ka lang niyang nasasaktan. Damn him! I want him to get out of my life! Iuntog mo nga yung sarili mo! Nawawala ka sa bagong ikaw, Sunny Merrida!

Tinuloy ko yung pagsusulat ko sa mga magiging bagong rules and regulations ng company. The board member of this Montero Company didn't object na ako na yung maging bagong President. Dahil na rin sa pasok na yung edad ko. And no wonder na talagang papayag sila dahil napanuod nila yung copy nung footage.

Narinig kong may yabag na papalapit sa'kin saka ako nagpaskil ng ngiti sa mukha ko.

"Eric—" natigil ako. I am expecting Erick. Not him. Binalik ko ulit sa ginagawa ko yung pansin ko.

"What can I do for you, Mister Alvarez?" I formally asked him.

"Can we talk?"

"What do you think we're doing now?" sagot ko pa. Ibinaba ko yung ballpen na pinansusulat ko saka ako tumingala sa kanya. Pinagsalikop ko naman yung mga daliri ko. Para lang panatagin yung loob ko.

"Mister Alvarez. If you're going to waste my time. Don't bother. Kailangan ko ng pahinga ngayon dahil marami pa kong iniintindi." Sabi ko saka ako iiling-iling na nag-ayos na. Dadating na si Erick maya-maya lang. At sana nga mapaaga para tigilan na muna akong ng bwisit na 'to.

"Do you want to go out?" Saglit akong nahinto. Pilit akong ngumiti saka ko isinukbit na sa balikat ko yung bag ko saka ako tumayo na. Oh Erick where are you when I need you the most?

"Summ—"

"President Song, Mister Alvarez. You're not even close to me. So first name basis is kind of out of line." Wag niyang asahan na sumama ako sa kanya.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon