Ika-labing Walong Sulyap

1.9K 33 0
                                    

Ika-labing Walong Sulyap

"So Miss Song. Kailan mo balak sabihin sa mga kaibigan mo, na mga supporters ko, na akin ka na?" hindi na nga ako mapakali sa upuan ko. Paano kanina niya pa ko binubulungan sa tainga at hinahapit sa baywang with our teacher teaching in front. Sinong hindi mapapakali? Kanina pa rin kami tinititigan ng dalawang tsismosa sa gilid ko.

"I told you we'll get there. Just not now Nico! Hindi ako makapagfocus." Narinig kong bahagya siyang natawa. Mas hinapit niya naman yung baywang ko kaya mas napaurong ako sa tabi niya. Mabuti na lang at tinakip ko lang yung bag ko sa gilid ko para hindi makita nung dalawa.

"Focus on me. Fo-fo-focus on me." Hindi ko mapigilang hindi humagikgik. Seriously? Kapag hindi siya tumigil wala akong maisasagot bukas sa periodical test!

"I said stop it Nico!" mariin kong sabi kahit na natatawa-tawa pa ko sa kinanta niya. Damn!

"Why would I? kung napapasaya kita. Bakit ako titigil?" pigilan mong ngumiti Summer. 'wag kang maglandi. Honestly, I can compare ourselves to a buzzing bee. Kanina pa kami nagbubulungan. Mabuti nga hindi kami nahahalata ng teacher namin na kanina pa rin napapadako ng tingin sa amin.

"Nico please?" sabi ko nang harapin ko siya bago ako lumabi. Ngumisi naman siya saka niya ilang beses na pinabalik-balik yung tingin niya sa labi at mata ko.

"Can I have a payment? You want me to stop right? Pay me." Sumimangot ako saka ko siya inirapan. I know what he wants. And at some point it's not best for me to allow it.

"Valentines bukas. Bukas na lang." sabi ko pa sabay balik sa pagsusulat at pakikinig.

"Tss." 'yun lang saka na siya lumayo sa'kin. Nagtampo pa yata. Hindi ko alam kung tatawanan ko siya o hahayaan na lang. I never imagined that he could be this clingy. Childish.

"Kiddo." Parinig ko pa.

"What?" rinig kong tanong niya pero nagkibit balikat ako. Patapos na yung lecture pero hindi niya na ko kinausap pa ulit. Isip bata talaga. Kundi ko pa sadyang ilaglag yung bag ko hindi niya pa ko papansinin at titignan. Inabot niya sa'kin 'yon. Pinipigilan ko namang mangiti. May sasabihin dapat siya kaya lang may isang magaling na sumingit. Ayon. He was taken aback tuloy!

"Summer let's go na?" yaya sa'kin ng kalalapit na si Paulo. Pasimple ko pang tinitigan si Nico. Titignan ko lang sana kung anong magiging reaksiyon niya. Tama ako. Childish siya. Sumimangot ba naman at parang batang magta-tantrums pa. Wala sa loob tuloy akong napangiti.

"Ah-e. may pupuntahan pa ko e." sabi ko habang naririnig kong may ina-announce yung teacher namin sa harap. Hindi ko na masyadong inintindi dahil alam ko namang about 'yon sa periodical test bukas. Ang hassle nga e. Tomorrow's my first valentine with Nico tapos tatambakan ka ng sandamakmak ng exams.

"Wow! Talaga?! Talagang mag-gagala ka?!" OA na reaksiyon ni Paulo.

"Why? Wala ba kong karapatang mapag-isa?" sabi ko pa.

"Take note ha..mag-isa?! As in?! Alone?! Oh jeez! Magpapamisa ako!" kung OA na yung kay Paulo mas OA pa yung kay Jennifer. Ngumiwi ako saka ko inayos yung bag ko.

"Ano bang masama? As if namang sasamahan niyo ko sa bookstore. Isang paa niyo nga lang yung tumapak don para na kayong sinisilihan at gusto niyo na agad umuwi. Hello. Bookstores can't kill you." Sabi ko sabay irap. Nagtaka naman ako nang malaman kong hindi nila ako pinakikinggan at nanliliit yung mga mata nilang nakatingin kay Nico na nasa likuran ko.

"Hoy lalaki! Akala mo ba makakalusot ka?!" ano?!

"Kitang-kita namin kung paano mo hinaharass si Summer! Walangya ka!" segunda ni Jennifer sa unang sinabi ni Paulo. Sinenyasan ko pa si Nico na 'wag na silang pansinin. Humarap naman ako sa dalawa. Magsasalita pa sana ako pero daig pa nila yung may bipolar sa bilis magbago ng mood.

"Anyways, wear white tomorrow ha?" kumunot pa yung noo ko sa sinabi ni Jennifer.

"Did you just sleep habang ina-announce 'to ni sir kahapon? He said may mga color coding tomorrow." Ngumuso ako saka ako umiling.

"Wala ako kahapon remember? I went to the hospital with Kuya Cabi." Sabi ko. Napaigtad ako nang maramdaman ko yung paghawak ni Nico sa kamay ko. Mabilis kong inilagay sa likod ko 'yon para hindi na makita pa nung dalawa. Damn! Simple gesture from him can make me feel like this. Pakiramdam ko kinukuryente ako!

"Hm. Oo nga pala. Anyways, the color coding goes like this. If you're in the "aral muna zone" wear white. Black naman kapag broken hearted. Wear red if you're in love. Wear violet kung friendzoned and wear blue kung in a relationship ka." Saglit akong natigilan. Wala silang kaalam-alam na iniwanan ko na yung pagiging single at hater ng mga lalaki.

"So white tayo bukas Summer?" nakangiting sabi ni Paulo. Hindi ako nakasagot. Ilang segundo rin silang nakatitig hanggang sa makaisip ako ng ibang topic. I can't think of anything basta ang alam ko hindi pa panahon para sabihin ko sa kanilang kami na ni Nico. I'm sure na pagtatawanan na nila ako dahil kinain ko yung sinabi kong hindi na ko mai-in love ulit.

"Duh! Para namang naga-aral kayo." Ngumuso naman sila. Narinig ko pang natawa si Nico na nasa likod ko kaya sinamaan siya ng tingin nila Paulo.

"Tawa ka pa diyan! I'm sure mava-violet ka or black ka bukas. Dahil alam mo na. Bigo kang mapasagot yung friendship namin." Bigla na lang bumunghalit ng tawa si Nico. Gah! Nagpapahalata pa siya e!

"Tss. Psycho!" 'yun lang saka bumaling sila ulit sa'kin.

"So paano? White tayo bukas since it's our friendship anniversary naman. Grabe! Three years na tayong magkakaibigan at siyempre magkakasama." Excited na sabi ni Paulo habang nagt-twinkle pa yung mata.

"Three years of suffering because of your ugliness." Sabi pa ni Jennifer. Sabay naman namin siyang binatukan ni Paulo.

"Wow! Ganda mo a! Ikaw may eden risipi ka ba? Sheyr mo naman! Parang ganon ang peg namin sa'yo. Hiyang-hiya kasi kami sa kagandahan mo!" tatawa-tawa naman ako sa sinabi ni Paulo.

"O siya. We need to go na. Ingat ka a. Ikamusta mo na lang kami kay Uncle Rod. Hindi namin siya mapuntahan gawa na rin ng busy sched natin e." tumango ako saka sila nagpaalam na sa'kin. Sabay pa silang lumabas at nang masigurado kong nakaalis na sila, dun ko na hinarap si Nico. Ubos na rin yung mga kaklase namin dito at talagang kaming dalawa na lang yung natira.

"You're going to wear white for tomorrow?" nag-pout ako saka ako marahang tumango at nakatitig pa sa kanya. Natatawa pa siyang pinindot-pindot yung ilong ko saka siya pumantay sa'kin.

"Then I'll wear white too. Tamang-tama lang yung pinagawa kong t-shirt para sa'ting dalawa." He patted my head pagkatapos hinila niya na ko palabas.

"T-shirt? Anong t-shirt?" ngumiti naman siya pero diretso yung tingin niya.

"Nung nag-announce kahapon si sir tungkol sa color coding, nagpa-rush na agad ako ng isusuot nating dalawa. Naisip kong mangyayari 'to, na aangal yung mga kaibigan mo kapag hindi ka nagputi. One more reason, blue is not my color." Kunot noo akong huminto. Diretso lang ang tingin at hindi siya tinitignan.

"Nagpagawa ka kahapon? You mean you really secured that thing? Paano mo naman napagawa 'yon? Ngayon lang naging tayo a." natatawa siyang pinindot ulit yung ilong ko saka siya nagsalita.

"I'm good at predicting things, baby." Sabay kindat niya. At grabe! Did my panty just fell off? Grabeng kindat! Para akong pinatay at hinubaran ng paulit-ulit! At baby?! Baby?! Kahit na ayaw ko ng ganung tawagan, kapag siya na yung tumawag sa'kin non ang smooth? Para akong kinikiliti sa puso!

Inilipat niya naman yung bag niya sa harap saka siya may kinuha ron. It's a not-so-white-shirt. Creamy white maybe? Inabot niya sa'kin 'yon saka niya nilagay sa likod yung bag niya bago niya hinawakan sa magkabilang balikat ko.

"Wear that tomorrow. Susunduin kita." Umiling ako. Hindi niya pa ko pwedeng sunduin kaya!

"Mainit pa ulo ni Kuya Cabi sa'yo for sure. Kaya okay lang kahit hindi mo na ko sunduin. Don't worry I'll wear this tomorrow. Kapag...nagustuhan ko yung design." Panga-asar ko pa. sumimangot na naman siya. Tumingkayad pa ko para lang takpan yung bibig niya saka ako ngumiti.

"Haha. Kidding. Don't worry. I'll wear this." Ngumiti rin siya sa'kin bago niya ko hinawakan sa pisngi.

"I need to go now." Sabi ko pa. Tumango naman siya.

"Okay..." hinalikan niya naman ako sa noo. "...take care."

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now