Ika-tatlongpu't Dalawang Sulyap

1.6K 31 0
                                    

Ika-tatlongpu't Dalawang Sulyap

"Sira ulo ka talaga!" sabi ko sabay tawa ng tawa sa sinabi ni Erick. At mukhang nagbibiro rin siya kaya siya tumawa. Ang nakakainis lang talaga sa lalaking 'to masyadong malakas humagod ng mga salita. Masyadong magaling magpa-fall. Mabuti na lang at sanay na ko sa mga pa-ganon-ganon niya.

"Eh 'di napatawa rin kita." Sabi niya. Kahit na napansin kong halos ipinipilit niya na lang yung ibang tawa niya. Hindi ko na pinansin 'yon at ibinaling na lang sa labas. Ilang minuto lang saka kami nakarating na sa tapat ng bahay.

"Hindi ka na papasok?" tanong ko pa bago ako bumaba.

"Hindi na. Baka mabugbog na ko ni Cabi. He doesn't want me hanging around with you so much now. Pinagbawalan niya na ko." Aba! Talaga lang ah. As in, si Kuya Cabi pa talaga? Samantalang dati kung ipagtulakan niya ko kay Erick kulang na lang ikulong niya kami sa iisang kwarto para makapag-usap.

"Why would he do that?" tanong ko naman. Wala lang talaga akong idea kung bakit. Basta ang hula ko. May dahilan yung maturity niya. Matanda na siya para sa mga immature na bagay na dati niyang ginagawa. He's a married man now. Kaya baka nagsawa na rin siya sa pangingialam sa buhay ko.

"Maybe he's tired? And he mentioned that he doesn't want to see you cry and suffer again. Pakiramdam niya raw sinasaktan din siya ng mga taong nananakit sa'yo." Natigilan ako. Wala rin ako sa sarili ko na napangiting mag-isa. Nalaman ko na lang 'yon nang magpitik ng kamay si Erick sa harap ko.

"Surprised? You know, even if Cabi's a strict brother back then. It's still your reputation he's thinking about. He's maybe the "unsweetened" one. But believe me, he's suffering too when he knows you're hurting." Ngumiti ako sa kanya.

Nakakainis. Nakakainis talaga si Kuya Cabi! Wala siyang kwenta! Paiiyakin niya ba ko rito?!

"You should go now Summer." Tumango ako sa kanya saka ako bumaba na ng kotse. Marahan pa kong naglakad papunta sa pinto. Napatayo pa ko nang makita ko si Kuya Cabi sa harap ng pinto. Masama ang titig niya sa'kin at parang tatay na naghihintay sa anak niya na umuwi dahil ginabi na.

"Where have you been?" tanong niya at hindi nawawala yung titig niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit para akong timang na napangiti at tumalon para yakapin siya.

"Summer!" he shrieked. Pero hindi ako nagpatinag. Mas hinigpitan ko pa yung yakap ko. Ang tagal ko kasing hinanap yung ganito sa kanya. Hindi niya ba alam 'yon. I want a brother who'll save my day. Think about my feelings and never be scared na harapin yung mga nananakit sa'kin.

"Why the fuck are you acting like that?!" he said with annoyance. Itinulak niya pa ko palayo sa kanya saka niya ko hinarap. Iniharang niya pa nga yung braso niya at pinag-ekis 'yon sa harap niya para lang magkaron siya ng panangga laban sa'kin.

Ngumiti ako. Saka ako umiling.

"Wala naman. I'm just wondering kung gusto mong bumisita sa company ko? Specifically, in my new office." Unti-unti namang nawala yung kunot ng noo niya at sumeryoso yung mukha niya saka niya ibinaba yung kamay niya.

"I heard what happened. Are you okay?" Pfft. Tagal na non. Almost two weeks na tapos ngayon lang siya magtatanong. Well, tanggap ko naman na ganon siya anyway. Wala rin akong balak na magtampo because of those revelations from Erick.

"Hm. Yes I am. I just need to move them a little para kahit konti magkaron sila ng chance na tumabi. So, Kuya Cabi. I need to rest. Napagod ako e." Lumakad na ko papasok. Narinig ko pa nga yung huli niyang sinabi.

"Still the little kid I used to know."

Ang dami ng tao. Ilang matataas na tao na rin yung nakikita kong dumadating. Siguro, yung mga loyal pa rin sa mga Montero. Sa pagkakaalam ko kasi yung iba bumaliktad na. It's either kumampi sila sa'kin o humanap sila ng ibang mapapasukan.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now