Ika-anim na Sulyap

3.6K 72 1
                                    

Ika-anim na Sulyap

"Good afternoon Tatay." Salubong ko sa kanya saka ako humalik sa pisngi niya. He's currently writing something at may ibang papeles din siyang pinipirmahan dito sa living room. Which is new kasi usually he's doing his office works sa personal office niya sa taas. Idagdag pa yung mukha niyang seryoso. He's a happy person. Alam ko 'yon. Kahit ano pa mang gawain sa office iyon ngingitian niya lang 'yan at makikita mong tapos na agad siya.

"Tay, is there something wrong?" Hindi siya sumagot. Patuloy siya sa pagbasa sa papel na hawak niya. Kunot noo ko siyang pinagmasdan mabuti. He doesn't even notice na nandito na ko at kinakausap siya. Confirmation strikes. May problema. I need to know.

"Tay.." tawag ko sa kanya pero para akong nagsasalita sa hangin dahil sa hindi niya pagpansin sa'kin. Niyugyog ko na yung balikat niya at para siyang nakakita ng multo dahil sa gulat sa mukha niya. Mabilis niyang itiniklop yung folder na hawak niya saka siya tumayo para yakapin ako.

"Kanina ka pa ba diyan?" hello! Ibig niyang sabihin kanina pa ko tawag ng tawag ni isa don wala siyang narinig? At ni hindi niya naramdaman yung paghalik ko sa pisngi niya? Obviously hindi nga. Yumakap ako sa kanya pabalik saka ko siya tinanong.

"Tinatanong kita Tay kung may problema ka po. Meron po ba kong dapat ipag-alala?" tanong ko sa kanya. Lumayo siya sa'kin saka niya ko nginitian at umiling.

"Masyado lang maraming ginagawa sa kompanya kaya minsan natutulala na ko sa mga pumapasok na pera. Alam mo 'yon princess? Fulfilment. Ang tagal kong pangarap 'to. Kahit nung nabubuhay pa ang nanay mo." Nakahinga ako ng maluwag. Busy talaga siya. Kaya minsan hindi niya na kami nahaharap. Kaya masama loob sa kanya ni Kuya Cabi. Pero ako naiintindihan ko siya dahil alam kong nagpupursige siya para sa'min. Hindi lang maintindihan ni Cabi 'yon. Nakakainis talaga! Bakit ko pa kasi naging kuya 'yon wala namang kwenta.

"Hmm. Drama 101 na naman ba Tay?" tumawa ako saka ko inayos yung nalaglag kong bag sa braso ko pabalik sa balikat ko.

"I need to rest now Tatay. Pagod po kasi ako. Alam niyo na. Na-stress na naman po sa school." Ngumiti naman siya sa'kin at tumango. Ako naman halos gumapang na papanik. Ang hagdan patungo sa langit. "stairway to heaven" kung tawagin nila Paulo. Sino ba namang hindi manlalambot at gagapang sa pagpanik dito eh ang daming steps. Walangya naman kasi yung nag-design nito. Malaman ko lang kung sinong Architect nito malilintikan sa'kin eh.

Pagdating ko inilapag ko agad sa gilid ng study table ko yung bag ko saka ako humiga. Pabiling-biling pa nga ako dahil lang sa hindi ako mapakali.

I just can't..resist you, Summer

I just want her to be my friend.

Marahas akong napaupo at ginulo yung buhok ko.

What's happening Summer? Bakit ba sobra kang affected sa mga sinabi niyang 'yon? Ugh! Hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko nitong mga nakaraang araw simula nang makilala ko yung Nico na 'yan. Dapat galit-galitan at sungit-sungitan ang peg ko kaya lang kapag nandiyan na siya at malapit na sa'kin hindi na ko mapakali at parang sinisilihan yung pwet ko dahil sa presence niya. What did I ever do to him to make me feel this terrible things inside me? Para siyang linta na nadikit na sa isipan ko.

"Jusko! Kailangan ko yatang budburan ng asin yung ulo ko para mawala yung leech na 'yon sa utak ko." Saglit kong isinantabi yung nasa isip ko. I need to confirm everything by myself. Kung talagang ganon yung affection niya sa'kin. Kailangan ko pa ng mas mahaba-habang process para lang masigurado 'yon.

Tama yung home review. Papayag ako ron.

Hindi naman siguro ako mahahalata. Ayokong magpahalata na para akong miyembro ng fans club niya. Hindi naman talaga dahil wala akong pakialam sa kanya. Wala talaga as in! Tama I just need to prove it to myself na wala talaga.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now