Ikalawang Sulyap

5.6K 100 0
                                    

Ikalawang Sulyap

Maingay sa loob ng bar na ‘to. Kabi-kabila rin yung sayawan ng mga nandoon at wala na kong alam na gawin pa kundi ang mairita sa mga nakikita’t naririnig ko. First time ko ‘tong pumasok sa isang club. Patunay lang na hindi ako isang party girl.

“Happy birthday, Jenny!” sabi ng mga bumabati kay Jenny. Kilala rin naman kasi si Jenny. Kilala siya bilang party girl siyempre kapag may Jenny na party girl. Kasunod naman non yung pangalan ni Pau. Napaka-perfect combination nilang dalawa kaya madalas akong magtaka kung bakit sila yung naging kaibigan ko.

Dumiretso kami sa VIP room nung club kung saan pina-reserve ko para lang sa aming tatlo. Ayoko nang nakikihalubilo sa maraming plastic na tao. Gusto ko kapag kami lang ng mga kaibigan ko kami lang. Tsaka mainam na rin ‘to para makaiwas ako sakali mang dumating si Erick. Sa ngayon, wala pa naman akong nakikitang gago sa paligid.

Binati ako ng ibang tao nakakakilala sa akin. Habang yung iba ay bumabati after giving me a head to toe look.

“My gosh! Ganun ka ba ka-famous Summer na ultimo ibang tao sa bar na ‘to na hindi namin kakilala at kasama sa party eh pinagu-usapan ka at pinagtitinginan?!” maarteng sabi ni Pau. Hinubad ko naman yung heels na pinasuot nila sa’kin kanina. Ayoko nang nagsusuot ng ganito. Mabilis akong mangawit at masaktan.

“Hindi ko alam. Hindi ko naman sila kilala kaya hindi ko na pinapansin.” Sabi ko pa sabay upo sa sofa. Dim lang yung lighting effect sa loob ng VIP room na ‘yon kaya medyo madilim ang dating. Hindi rin kasi ako sanay sa suot kong contact lenses kaya napipikit-pikit ko paminsan-minsan.

Si Jenny naman text ng text don at minsan-minsan lumalabas ng kwarto hanggang sa pagbalik niya may kasama na siyang iba. Si Kuya at yung kabarkada niya. Great. Practice pala ha. Nagulat pa siya nang magkatinginan kami kaya napangiti ako.

“Akala ko ba may practice game ka?”  sarcastic ko pang tanong.

“tss. Umaano ka rito? ‘diba dapat nasa bahay ka? Nagre-review? Pinagpaalam mo ba ko kay Papa?” kahit na nasa harapan niya pa ko dinaanan niya lang ako. Siyempre kasunod niya pa rin yung mga kurimaw niya. Sa kinamalas-malasan ko muntik pa kong mapataob pero may mabilis na sumalo sa’kin.

Amoy pa lang kilala ko na kaya walang dudang siya yung may hawak sa’kin ngayon. Agad ko namang inayos yung sarili ko at lumayo sa kanya.

“Ayos ka lang, Summer?” tanong niya sabay ngiwi ko. Hinawi ko pa yung buhok ko at umupo sa gitna ni Pau at Jenny na parehong ngiting-ngiti. Kung sila kinikilig sa nangyari pwes ako hindi. Dahil nandidiri akong nahawakan pa ko ng gagong ‘yan.

“Ayos na sana. Kaso nagpakita ka pa. Ayan bumalik tuloy yung sama ng araw ko.” Sabi ko pa. sumeryoso naman bigla yung ekspresiyon ng mukha niya saka tuluyan ng pumasok sa loob ng VIP room. Sinadya niya pa talagang umupo sa harap ko.

“Kamusta na?” tanong niya pa ulit. Ngumiti naman ako saka ako kumuha ng isang basong may laman. Hindi ko alam kung anung laman non dahil nilagok ko na lang lahat. Pake ko ba kung alak ‘yon?

“We’re here for Jenny’s birthday. Hindi para sa mga usapang wala namang kapupuntahan. Please Erick. Enjoy the party without interrupting me.” Ngumti ako sabay irap. Natuon naman yung pansin ko kay Kuya na iiling-iling sa mga pinaggagagawa ko. Malamang pati siya kampi kay Erick ngayon.

Isa rin kasi siya sa namimilit na makipagbalikan ako kay Erick kahit na ayaw ko na.

“Bakit ba ang sungit mo Summer? Hindi ka naman dating ganyan.” Singit pa ni Kuya Cabi na hindi naman sa’kin nakatingin. Ang galing naman. Hindi ako dating ganito. Paano kung ako yung bumira sa kanya ngayon. May maisasagot kaya siya?

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now