Ika-labing Siyam na Sulyap

1.9K 37 0
                                    

Ika-labing Siyam na Sulyap

"I'm so excited! And I just can't hide it!" para akong timang at naka-droga habang nakatingin sa salamin at kumakanta-kanta pa. Suot ko na yung t-shirt na bigay ni Nico. Ilang minuto yata akong nakatitig sa salamin para lang katitigan yung nakalagay doon.

Four symbols 'yon but very meaningful para sa'kin. It goes this way, the first symbol is number "2", the second one is the sign of infinity. Third one is ampersand and the last one is an arrow pointing to the right. (2∞&→)

"Do you want to break the glass Summer?" Napalingon ako sa pinto. Nang makita ko kung sino 'yon para akong bata na nagtatatalon.

"Tay!" sabay talon ko at yakap sa kanya.

"Akala ko tulog ka pa. Ako na sana ang gigising sa'yo." Lumayo pa ko saka ako sumagot.

"Tay naman e! Kailan ka pa nakalabas? 'diba sabi ng doctor dun ka muna magpahinga sa hospital? Ba't nakalabas ka po agad?" pumasok naman siya sa pinto ko para siguro mas makausap niya ko ng maayos.

"I'm totally okay, Princess. You don't need to worry about me. Magpapahinga na lang ako rito sa bahay for at least a week or two." Tumango ako. Parehas kaming umupo sa dulo ng kama ko bago ako humilig sa balikat niya.

"'wag ka na ulit maglilihim tay ah? Kapag may problema sabihin mo sa'kin. Magagalit na ko sa'yo niyan." Nakalabi kong sabi. I feel him vibrating dahil lang sa pagtawa niya.

"Opo." Nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Very good! Para hindi na po ako naga-alala sa inyo." Ngumiti pa siya saka siya tumangu-tango.

"Osiya, you should go now, princess. Baka ma-late ka." Tumingin ako sa wristwatch ko.

"Okay tatay. I need to go na." sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Take care okay?" rinig kong pahabol na sabi niya ng nasa labas na ko ng pinto.

"Okay! I will! You too!" sabi ko na lang saka ako dali-daling pumunta sa garahe. Tulad nang nakagawian, binati ako ni Mang Gilbert saka niya ko pinasakay na sa loob ng kotse.

"Thank you po Mang Gilbert!" sabi ko pa nang makababa ako ng kotse. Hindi na ko magtataka kung bakit maraming naglipana sa paligid na mga naka-itim, they considered themselves broken hearted, bakit? Sus! At our generation hindi ka lang tignan ng crush mo, broken hearted ka na agad. Hindi ka lang ma-notice ng mahal mo broken hearted ka na agad. That's how it goes.

Patuloy akong naglalakad. Marami rin namang naka-red at pati na rin yung nakaputi. Pero majority talaga yung naka-itim. Madalang naman yung naka-blue at violet.

Habang naglalakad ako. Bigla namang nag-vibrate yung cellphone ko. Galing kay Paulo yung text.

-Where on earth are you? Kanina pa kami rito sa room. Okay lang ba OOTD mo?-

Napairap ako sa kawalan. Sa lahat nang itatanong yung porma ko pa talaga yung itatanong niya. I never failed them when it comes to my outfit. Saglit ko pa ring chineck yung sarili ko.

Tee na bigay ng boyfriend ko—gah! This is exag! Sabihin ko pa lang na boyfriend ko para na kong dinadarang sa apoy! Okay. Check na 'yon. Stan smith na plain white with black logo ng Adidas sa likod. Check. Fitted ripped jeans. Check. Overall? I think this is cool.

Hindi ko na nireplyan. Dumiretso na ko sa room kaya lang natigilan ako nang makita kong magka-usap si Jhustine at Erick. Natawa pa ko nang makita ko silang parehong naka-itim.

"Erick I told you! Wala akong ginagawang masa—"

"I know you Jhustine! Tigilan mo na 'tong ginagawa mo! Oras na malaman ko kung ano talagang balak niyong dalawa. Parehas ko kayong mapapatay! Mark my word!" iyon lang yung nakita ko. Kakamot-kamot pang napa-walkout si Erick dahil na rin siguro sa inis. Nagkibit balikat ako saka ako iiling-iling na papasok ng room.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon