Ika-apatnapu't Apat na Sulyap

1.6K 32 1
                                    

Ika-apatnapu't Apat na Sulyap

Kinakabahan ako. Hindi ko gusto yung tingin ni Kuya Cabi ngayon sa'kin. Nangingiti naman si Jennifer habang nakatingin sa'kin. Ako naman talagang hindi mapakali. Hawak-hawak pa ni Nico yung kamay ko. Bakit ba kasi ngayon pa ko natakot sa kanya? Hindi naman dapat ako natatakot ng ganito. Kinakayan-kayanan ko lang si Kuya Cabi non e!

"You two are getting married?" ulit pa niyang tanong.

"Ano ba? Bingi ka ba or what? Sabi ng dakilang si Nico. Magpapakasal sila. Kailangan mo pa bang ulitin?" nakasimangot na sabi sa kanya ni Jennifer. Hinihimas niya yung tiyan niya ngayon na malaki na rin. Malapit na siyang manganak so that's why. Nangingiti naman ako sa kanilang dalawa.

"I just can't believe it. Na papayag si Summer na-"

"Ano ba? Papayag ka ba o hindi? Blessing mo na lang yung hinihingi o? Tsaka para namang makikinig sa'yo yang kapatid mo oras na tanggihan mo yung desisyon nila?" I knew it. Jennifer's helping me. Alam niya kasing magbe-beastmode na naman si Kuya Cabi. Ako rin e. Kita ko na dahil na rin sa reaksiyon niya kanina.

"Can you leave us alone?" sabi ko kay Nico. Tumango naman siya't humalik sa noo ko.

"I'll stay outside just in case you need m-"

"No. Sige na. Pakialalayan mo muna si Jennifer palabas." Tinitigan ko naman si Jennifer saka ako tumango sa kanya. Hinintay ko lang na makalabas yung dalawa saka ako umupo na ulit sa inuupuan ko. Para pa ring hindi makapaniwala si Kuya Cabi dahil sa ilang beses niyang paghaplos sa mukha niya at pag-iling niya.

"Kuya." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Kumuha naman ako ng throw pillow saka ko 'yon pinatong sa lap ko.

"Kuya naman." Tinitigan niya ko nang nakakunot yung noo niya. Sinikap kong ngumiti sa kanya para na rin mapagaan ko yung atmosphere sa paligid. Bumibigat na kasi dahil sa kanya. Hindi niya ba nahahalata 'yon? Kahit kailan talaga.

"Hindi mo alam kung anong pinapasok mo Summer." Sabi pa niya. Umismid ako saka ako nag-slouch sa couch na inuupuan ko. Ilang beses akong pumalatak para lang ibigay niya yung atensiyon niya sa'kin. Hanggang sa hindi siya makatiis at umupo rin sa tabi ko. Bahagya pa kong natawa.

"Summer listen. Nang mawala si papa ipinangako ko sa kanya non na hindi kita pababayaan. Hinding-hindi ako papayag sa bagay na ikasasakit mo--"

"And you also promised him na susuportahan mo ko sa anumang bagay na ikasasaya ko." Sabi ko pa sa kanya. Ngumiti ako saka ako sumandal sa balikat niya at sumibi-sibi na parang bata.

"I'm happy kuya. Sa naging desisyon ko na 'to. Sa desisyon kong pakasalan yung taong alam kong makapagpapasaya sa'kin. I want you to be happy for me too Kuya. Hindi naman ako masasaktan e. Alam ko 'yon. Masaktan man ako alam ko na kung paano iha-handle. I am all grown up now. And thanks to you dahil naging parte ka non." Napapangiti pa ko habang iniisip ko yung mga pagtutol na ginagawa ni Kuya Cabi kay Nico non. Na halos pati ako ipagtabuyan niya na.

Alam ko namang naging pasaway ako sa kanya. Hindi naman maiiwasan 'yon. Bunso ako, malas niya nagpatiuna siyang lumabas. Masaya naman ako kasi siya yung naging kapatid ko. Oo madalas akong makapagsalita ng masakit ukol sa kanya. Pero bandang huli sa kanya pa rin naman ako tatakbo. At the end of the storm he's always been my rainbow.

"Are you sure you'll be happy with him?" tanong niya pa. Inangat ko yung ulo ko saka ko siya tinitigan. Nawala na yung kunot sa noo niya at para na siyang batang nagtatanong ngayon. Para rin siyang si tatay na nagtatanong kung magiging masaya ba ko o kung okay na ba ko.

Hindi ko tuloy mapigilang umiyak. Nakakainis naman kasi. Ang daya naman kasi ni tatay e. Hindi man lang hinintay na makasal ako. Nagpatiuna agad.

"Why are you crying?" pinahiran ko naman na parang bata yung luha ko saka ako natatawang yumakap sa kanya.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now