Ika-dalawampu't Dalawang Sulyap

1.7K 36 0
                                    

Ika-dalawampu't Dalawang Sulyap

"Wala kang kwenta Nico! Ni hindi mo man lang ako pinuntahan?! Ni hindi ka man lang tumawag o nag-text?! Ni hindi ka na nagparamdam?! Wala kang kwenta! Damn you! Gago ka! Sira ulo! Hindi mo ba alam na mahal pa rin kita?! At ang sakit-sakit ng panlolokong ginawa mo sa'kin! Gago ka!" hinihingal-hingal ako pagkatapos kong sabihin 'yon. Ilang oras din bago kami nakarating dito. Ilang oras ang biyahe mula sa amin. This is insane. Kahit papano gumagaan yung pakiramdam ko.

"Akala ko mahal mo ko! Pero isa ka lang pa lang sunud-sunuran ni Satanas! Isa ka lang ahas na kanang kamay ng satanas na 'yan! I hate you both! I hate you and that bitch!" wala akong pakialam kung nasa likuran ko sila Paulo. I went here just to burst this out kasi kung hindi ko gagawin 'to? I'm going to die because of suffocation. Suffocation of these words that are coming out from my mouth right now.

"Walangya ka Nico! Mamamatay ka sa oras na maisumpa kita! Gagapang ka na parang ahas! Hihirap ka pa sa daga! At magiging panget na higit pa sa kapangitan ni Bakekang!" napatingin ako sa tabi ko. Si Paulo yung sumigaw non. Bahagya pang nakakunot yung noo niya dahil tumatama sa kanya yung sinag ng araw.

"I will hate you for the rest of my life, Nico! Dapat nung una pa lang hindi na ko nagtiwala sa'yo! Kaya pala ang sama ng kutob namin ni Pau sa'yo! Wag kang magpapakita sa'kin! Papatayin kita! Papakainin kita ng patay na daga! Isusupalpal ko sa'yo yung nguso ni Diego! At isusumpa kong magiging kamukha ka ni Bakekang! Kamukha lang! Kasi di ako kasing sama ni Pau! Pero ganon na rin 'yon!" Sigaw naman ni Jennifer while me and Pau were both looking at her. Matapos noon ay ibinaling ko ang atensiyon ko sa magandang tanawin na nasa harapan namin. We're at the peak of something. Kaya kitang-kita lahat mula rito.

"Will I ever learn to forget him? To forgive him?" balik na sa normal yung boses ko. Napangiti nila ako sa ginawa nila. They're the definition of genuine and sincere friends. Alam kong may pagka-sintu-sinto sila pero what they feel is genuine, unlike those evil creatures.

"Summer, it's not up to us. It's up to you. You know, hindi naman kasi kami ang ginago nung ex-boyfriend mo. If you still love him pero galit ka sa kanya, pahupain mo muna then talk to him. Tanong mo kung bakit niya nagawa 'yon. Kasi alam mo na? May closure?" Sarcastic akong napangiti saka iiling-iling.

"Closure is not important. Sapat na yung nawala na lang siya na parang bula. It has been three weeks since I saw them and since I discovered what they were doing. And in that way, mas mabuti na talagang hindi kami magkita. I can recover faster. I can heal myself faster. With the help of my family, and with the help of the both of you." Huminga ako nang malalim. I'm roaming my eyes around the loveliness of this place. Naiiyak ako sa sobrang ganda nito.

Tama, 'yon lang yung dahilan.

Medyo kumulimlim nang abutin kami ng hapon sa daan. Feeling ko bigat na bigat na yung ulap dahil sa dala-dala nila.

"Mang Gilbert. Mukhang aabutin pa tayo ng ulan a." Nangangamba namang sabi ni Jennifer. Sinuot niya na rin yung jacket niya dahil sinabayan nang malamig na temperature sa labas yung lamig ng aircon dito sa loob.

"Gah! I think I'm going to catch a cold." Maarteng sabi naman ni Paulo.

"Ang balita kasi sa radyo talagang ngayon ang dating ng bagyo. Tinutumbok nito yung Northern Luzon. Kung ngayon ang dating at nandito pa tayo dahil sa traffic. Mukhang kakailanganin nating magpatila hanggang bukas dito sa Sagada." Hanggang bukas? But I need to help my father with his work. Kasalukuyan kasing nag-down yung sales ng company namin and some stockholders were pulling out their stocks from us. All in all, that's the main reason why tatay's experiencing some health failure. Only my brother and I knew about that. Hindi ko sinasabi kina Paulo dahil ayokong kaawaan nila ako. Kawawa na nga ako dahil kay Nico, kawawa pa ko dahil sa unti-unting pagbagsak ng company namin.

Sa Isang SulyapNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ