Ika-labing Anim na Sulyap

1.9K 31 0
                                    

Ika-labing Anim na Sulyap

"Stay with me Summer. Be my girlfriend." At ako'y nagising mula sa isang malalim na pagkakatulog. Buti sana kung natutulog lang ako. Para akong timang na nakatulala sa sinabi niya. Hindi ko alam yung isasagot ko dahil nakatulala ako sa labi niyang nanga-akit. Umiling-iling ako. The hell!

"G-girlfriend?" ulit ko pa sa huling salita na sinabi niya. Kapansin-pansin namang agad na natahimik sa loob ng classroom. Hindi pa ko mapakaling tumingin kina Paulo na nakatakip ang bibig at pareho pa silang nakanganga ni Jennifer.

Hindi. Ayoko. Kapag sinagot ko siya ibig sabihin. Halos ilang buwan pa lang kaming magkakilala tapos magiging kami na agad? Baka isipin pa ng mga kaklase ko ang easy to get ko. At siguro nga marami nang nangyari sa panahon na 'yon. Kaya lang sa tingin ko at pakiramdam ko. Hindi pa sapat 'yon.

"Please Summer." Umiling ako. Kung magiging kami. Baka masaktan siya ulit. Ipabubugbog siya ni Erick. And I know Erick, kaya niyang gawin lahat basta gusto niya yung isang bagay. I hate it. Why am I trapped between these two guys?

"Nico..."

"Say yes and you're dead." Sabay pa kaming napatingin sa pintuan kung saan nakaharap sa'min si Kuya Cabi. Nakalagay pa sa bulsa niya yung mga kamay niya habang salubong ang kilay na nakatingin sa'min. Humarap ako sa kanya. Hinarangan ko agad si Nico para hindi na siya madamay sakali mang magkasagutan kami.

"What are you doing here?" tanong ko pa. Hindi siya dapat nandito dahil highschool building 'to. College students are not allowed to trespass here. Maliban na lang kung uwian at free time, but classes are about to start here. Kaya mabuti pang bumalik na lang siya sa lungga niya.

"Checking on you obviously." Lumipat ang tingin niya kay Nico, "Good thing I did that." Seryoso niya pa ring sinabi. Sumimangot ako.

"Now that you did. Pwede ba umalis ka na?" sabi ko pa sa kanya. Iiling-iling siyang iritadong tumawa saka siya lumapit sa'kin at hinila yung kamay ko. Hihilahin niya pa ko palabas pero mabilis na may pumigil doon.

Si Nico.

"Let her go." Nakatingin lang siya sa kamay ni Kuya Cabi na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Who gave you the right to command me?!" feeling ko nagha-hyperventilate ako. Hiningal kasi ako bigla na akala mo tumakbo ako ng ilang lap sa isang racing field. Dala na rin siguro 'to ng pagpa-panic ko kanina pati na rin ngayon. Hinila ko naman yung kamay ko mula sa kanya saka ako bumalik kay Nico.

"Kuya Cabi ano ba—"

"Sige Summer! Kampihan mo yang Nico na 'yan! Alam mo ba kung bakit ako pumunta rito?! Nasa ospital si Papa!" Galit na galit na sabi niya. Hindi ko naman alam kung anong ire-react ko dahil sa pagkabigla ko. Ang aga niyang umalis kanina sa bahay kaya hindi ko na siya inabutan tapos ngayon mababalitaan kong nasa ospital siya?

"Ngayon, kalmado akong pumunta rito para lang hindi ka mag-panic at mag-react ng sobra. Kaya lang eto pang eksenang 'to yung dadatnan ko?! Please Summer, just this time, makinig ka naman sa'kin. Bilang kapatid mo, bilang kuya mo." Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa kanya at nahawakan ulit yung kamay niya. Kitang-kita ko kasi yung frustration sa mukha niya. Pakiramdam ko, naging matigas ako kaya siya naging ganito. Pero naging matigas din naman siya sa'kin. Naging matigas siya sa nararamdaman ko. Wala siyang pakialam. Wala siyang pinakikialaman kundi yung sarili niya lang.

Pero para akong batong pinagpatong-patong ngayon na biglang gumuho.

Si tatay.

"Halika na, Kuya Cabi." Humarap ako saglit kay Nico saka ako nagpaalam saglit.

"I'm sorry. Tatay needs me." 'yun lang saka ko naramdaman na yung paghila sa'kin ni Kuya Cabi. Dali-dali kaming tumakbo sa parking lot saka siya nag-drive papunta sa ospital kung saan naka-admit si Tatay.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now