Ika-tatlongpu't Anim na Sulyap

1.6K 31 0
                                    

Ika-tatlongpu't Anim na Sulyap

My hands are shaking. And I'm feeling a bit odd about this. It's already 5PM and until now, wala pa kong nakikitang Nico. Okay, Summer. Another five minutes. If he didn't show up 'wag mo na siyang pagbigyan.

I rubbed both my palm. Saka ko 'yon hinipan. It's cold here. Ang lamig kasi ng hangin na nagmumula sa dagat.

"What the hell Gil! Ano bang gagawin ko rito? If you want to go out with me sana sinabi mo na nung una!" kumunot yung noo ko. Boses ni Nico 'yon ah! Kunot noo akong sumilip sa likuran ng kotse ko. Nakita ko pa yung tatawa-tawang si Erick habang tinutulak-tulak niya si Nico palapit sa'kin.

Akala ko ba makikipag-usap sa'kin yung lalaking 'yan? At bakit mukhang umaayaw ngayon at ayaw pa yatang pumunta rito? He made wait me for an hour tapos, tapos eto lang? Eto lang yung makikita ko? Para pa siyang napipilitan na pumunta rito at kailangan siyang itulak pa ni Erick papunta rito?

Sa sobrang inis ko lumabas ako at humarap sa kanila. Parehas naman silang natigilan nang makita ako. Lalong-lalo na si Nico na mukhang nag-seryoso pa. Nahagip ko yung pagpipigil ng tawa ni Erick.

Damn. Kaya naman pala e.

"You two. Take care okay? Make sure you'll get home that it's just the two of you. Not three or four." Ngumusu-nguso pa ko saka ko siya nilapitan at tinapakan sa paa.

"How dare you do this to me Erick Joseph Gil! How?! Naghintay ako ng isang oras and then this? It's all just a set up? No. Wala na kong gana. Gusto ko nang umuwi." Pinapunta ako rito para sa isang setup lang? Damn it! Summer! Nakakainis ka! Baka isipin pa nung Nico na 'yan gusto mo rin siyang makausap. What the hell! Ang dami ng trabaho sa opisina pati ba naman 'to ta-trabahuhin ko pa?

Mabilis akong bumalik sa sasakyan ko.

"Summer teka lang—"

"No Erick. Uuwi na ko. Whether you like it or not—"

"No. You are not going anywhere woman. You and I still need to talk about things. These things that changed you. Now get off that car." Nalaglag yung panga ko. Inuutusan niya ko?! Marahas akong bumaba saka ko dinabog yung pintuan ko. Nakapamaywang akong humarap sa kanya saka ako sumimangot.

"Who gave you the rights para utusan ako?!" mariin kong sabi. Hinintay ko siyang sumagot saka siya umiling. Hinila niya naman yung kamay ko palayo sa kotse ko saka niya ko dali-daling dinala palapit sa pampang.

"What was that for?!" sabi ko sabay hinila ko yung kamay ko mula sa kanya. Nagtagis yung bagang ko bago ko hinimas-himas 'yon. Kahit hindi masakit kailangan kong gawin 'yon. Hindi na naman ako mapakali. Nahawakan niya na naman ako! Lintik na buhay 'to oh!

"Okay. To be honest. I came here not knowing that this is a setup President Song. But when I saw you? I thought that maybe this is the right time to talk to you. I thought you asked Erick to do this. And then I saw Cabi inside Erick's car." Si Kuya? Si Kuya yung may pakana nito.

"He forced me to go here. I'm sorry. I didn't know you're here..If I do.." hinawakan niya pa yung magkabilang balikat ko saka niya pinagpatuloy yung sinabi niya. "..I would still come here to tell you this.." Iniiwas ko yung tingin ko sa kanya. Yung inis na nararamdaman ko kanina. Nawala na 'yon e. Napalitan ng bwisit na pangamba.

He wants me to fall again. Hindi na. Kahit may nararamdaman pa ko para sa kanya. Hindi na talaga. I don't want to be head over heels in love with him again. Makaka-move on na ko. At itatanim ko sa isip kong malapit na 'yon.

"I miss you Summer. Everything in you." bahagya ko siyang itinulak palayo sa'kin saka ko pinilit na ngumiti.

"You miss making fun of me? You miss how you play with me? I know Nico. You love Jhustine and I'm sorry kung nagawa kong sirain yung engagement niyo. I just want you—"

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now