Ika-labing Isang Sulyap

2.4K 50 0
                                    

Ika-labing Isang Sulyap

"I heard what happened. Are you okay now princess?" tanong sa'kin ni Tatay nang pumasok siya sa kwarto. Nakatulala ako at nakaupo ako sa harap ng study table ko. Pero ayokong isipin niya 'yon kaya ngumiti na ko't tumango.

"Oo naman tay! Ako pa! wala naman sa'kin 'yon. Ang ganda ko kasi kaya ang daming nai-inggit." Sabi ko na lang para naman gumaan-gaan yung pakiramdam niya. Nilapitan niya naman ako't niyakap yung ulo ko saka niya hinalikan yung noo ko.

"You want us to file an action." Natawa ako saglit saka ko siya tinitigan nang nakakunot yung noo.

"OA naman tay! Iyon lang naman yung ginawa niya. I told you it's fine with me. Wala naman sa'kin 'yon. At least nakaligo ako. Tsaka isa pa, I understand naman kung bakit nagawa 'yon ng babaeng 'yon. She's just too desperate to get the guy she loves. Kaso wala, ako yung gusto. 'yaan mo na 'yun tay. Okay lang talaga ako." Paliwanag ko sakanya. Alangan naman siyang ngumiti.

"Alam mo namang ayokong may umaaway sa'yo princess." My lips pouted pagkatapos para akong bata na nagdarag ng paa sa flooring.

"Tatay naman eh! Hindi princess yung pangalan ko. Summer po, Sum-mer." Natatawa naman siyang hinaplos yung buhok ko.

"Whatever, you're still my princess." 'yun lang saka niya ko iniwan na. Dumukdok ako sa table ko. Nagi-isip ng magandang gawin. Dapat ko bang ipagpasalamat ngayon yung pag-ring ng cellphone ko? Tinignan ko kung sino 'yon.

Unregistered number...

Kunot noo kong sinagot 'yon.

"Hello? Summer Song speaking."

-I know, it's your voice I'm hearing.-

Nico...

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti. Usually kapag may tumatawag sa'kin it's either wala kong ganang sagutin o pinagsusungitan ko. Let me choose. Ano ba ang dapat kong gawin? Magsusungit ba ko? O magkukunwaring walang gana kahit na nagpa-palpitate na naman yung puso ko? Konti na lang magha-hyperventilate na ko.

"Nico? How did you get my number?" pormal kong tanong. Flat reaction lang. dapat yung hindi niya mahahalatang napangiti na naman ako ng boses niya.

-I got it from Pau. You're not in the mood for talking a while ago so I didn't bother to do it.- Tumangu-tango ako. Kailangan bang magpasalamat ako kay Paulo? Nico lighten up my mood.

"S-sorry. M-may nangyari lang ka-"

-I know. The news was fast, it spreads throughout the campus this afternoon.- Kinagat ko yung ilalim ng labi ko saka ko pinahid-pahid ng daliri ko 'yon. Hindi na naman ako mapakali. Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Na pagdating sa ganong bagay? Wala ako? Lampa ako? Iyakin ako?

"Nico..can we go outside? Gusto kong mamasyal." Sabi ko pa. Kusa na lang iyon na lumabas sa bibig ko. Bakit? Wala rin naman akong magawa. Isa pa, gusto kong mawala sa isip ko yung panghihina ko sa ginawa ni Jhustine. Para akong mababaliw kung hindi mawawaglit 'yon. Imagine, no one helped me. Yung mga kaibigan ko para lang silang pulis sa Filipino movies na huli nang dumating. Tapos na yung krimen, nangyari na lahat, saka lang sila dadating.

-Are you sure you want to go? It's not you Summer.- mapait akong ngumiti saka ko tinagilid yung ulo ko habang nakapatong 'yon sa braso ko.

"Ang sabi mo pumupunta ka sa kung saan para lang takasan yung mga problema o taong humahabol sa'yo. Now, I want to run from all of these. I'm getting tired." Sabi ko saka ako bumuntong hininga. Ilang saglit din siyang natahimik saka siya sumagot.

-I'll be there within 20 minutes. Wait for me.- 'yun lang saka siya nawala na sa kabilang linya. Binaba ko pa 'yon sa study table ko. Hindi ko na tinangkang basahin yung mga notifications na nagpa-pop up sa cellphone ko. Wala namang kwenta 'yon. Marami lang nagta-tag sa'kin ng mga pangyayari kanina.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon