Ika-tatlongpung Sulyap

1.5K 38 1
                                    

Ika-tatlongpung Sulyap

"I am, miss. I am the new owner of this company." Pinipilit pa nila akong mukhaan. Napakilos naman yung dalawang matanda at lumapit sa'kin. Seryoso yung tingin nila sa'kin bago nila ako kinausap.

"And who are you?!—" Hmm. Matapang pa rin.

"Jhustine! Stop okay? Kami ang makikipag-usap."

"Uh. Miss—" I butt in.

"President. Mister and Madame. Call me President." Sunud-sunod naman yung naging paglunok nila. Hinawi ko sila dahil hindi muna sila ang gusto kong makausap. Si Jhustine ang gusto kong makausap. Ibinaling ko sa kanya yung tingin ko. Nanlilisik yung mata niya sa'kin at halatang galit na galit.

I smirked. As if I will be taken aback by that look?

Ibinaling ko naman yung tingin ko sa lalaking nakaalalay sa kanya. No other than my ex-boyfriend.

They are fucking awesome together.

Nagsimulang manginig yung kamay ko. Ganito ako kapag pinipigilan ko yung galit ko at pinipigilan ko pang manakit. I am here to be decent. I will finish this decently and innocently. Para saan pa't naging matalino ako kundi ko naman laging gagamitin.

Napansin ko pang ang tagal nang pagkakatitig sa'kin ni Nico. Nawala yung ngiti ko at unti-unti akong natuod sa kinatatayuan ko. Damn it Summer! This is not the right time!

Pinagmasdan ko yung buong katauhan niya. He's still the Nico I used to know. A bit matured dahil na rin siguro sa stress. Pero anong pakialam ko? Hindi dapat ako naaapektuhan ng presence niya. Damn it!

"How are you? The both of you." Nawala naman yung pagta-taray sa mukha ni Jhustine. Mukhang nakilala na nila kung sino ako. Ngumisi ako saka ko tinanggal yung shades ko. I'm ready to rise now and get what's mine. I won't regret this day.

"Acting CEO of Song Group of Companies and the new President of this company. Nice to meet the both of you." Inilahad ko yung kamay ko sa kanilang dalawa. Parehas nilang hindi tinanggap 'yon. I faked a sadness on my face saka ako umalis sa harap nila. In-on ko yung Bluetooth earphone ko saka ko pinapasok na sila Mico.

"Pasok." Nakatingin silang lahat sa'kin at mukhang naguguluhan pa sa nangyari. Katulad nang ginawa ko kahapon. Umupo ako sa harap ng table na naroon saka ko sinalubong yung mga tingin nila. Ilang saglit pa'y pumasok na sila Mico kasama niya pa rin si Erick.

"The money?" tanong ko kay Mico. Ipinakita niya naman sa'kin yung case na dala niya. I signaled Erick to come near me saka ko kinuha yung folder na dala niya. Inabot ko sa kanya yung flashdrive na dinala niya. Alam naman na niya kung anong gagawin don.

"Dinagdagan ko na 'yan Mister and Madame. I guess five million is enough for your start up?"

"Can we at least talk about this? Nangangako naman kaming mababayaran namin 'yon Miss—"

"Erick. Now." Utos ko kay Erick para lang pigilan yung pakikiusap nung lalaking Montero. Inayos niya pa yung pagkakatapat nung projector sa pader kung saan nagpe-play yung CCTV footage na sinasabi ni Erick. This is my first time to watch it too. Nang mamatay si tatay. Hindi ko na tinignan pa yung footage na 'to. The video started to play.

"Pero Mister Montero. Hindi pwedeng mawala sa account niyo 'yon. Hindi ko kayo ninanakawan!" halata sa boses ni tatay na hindi niya na gusto yung nangyayari. Nilapitan siya nung dalawang bodyguard ni Mister Montero nang tangkain ni tatay na lapitan yung matanda.

"Take it or leave it. Mister Song. Kailangan naming i-pull out ang aming investments dahil iyon ay napagdesisyunan na rin ng board." Napansin kong napahawak na si tatay sa dibdib niya nang sabihin 'yon ni Mister Montero.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon