Wakas

3.3K 74 12
                                    

Wakas

"I need to pee!" bulalas ko. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam kung bakit nginig na nginig yung buong katawan ko. Dapat kasi hindi ko na lang tinanggap yung proposal ni Nico e. Nagkakaganito tuloy ako. Talaga yatang ganito kapag ikakasal. Nakasasakal na nga yung pakiramdam pati rin ba yung damit na suot ko?!

"Summer naman! The ceremony's going to start any minute from now. Bakit ba hindi ka na lang manahimik diyan para naman you're confidently beautiful later kapag nagsimula na yung entourage." Sabi pa sa'kin ni Paulo na inaayos yung belo ko. Really. This is really starting! Bakit ba kasi nagkaganito ako ngayon?!

"Wedding jitters kasi 'yan. Ganyan din ako nung ikasal kami ni Cabi. Ang dami kong thoughts about being married. Pero nung makasanayan ko na. Eto." Hinimas niya pa yung tiyan niya na ngayon ay kabuwanan na. Yes, after long months natapos kami sa preparation ng wedding. At yung bahay nila ni Kuya Cabi. Patapos na rin.

Samantalang yung bahay ko. Na magiging bahay na namin ni Nico ay under renovation. Maarte kasi si Kuya Cabi. Siya na raw gumastos para naman mag-level up yung itsura ng bahay. Hello! Ang ganda na kaya't ang laki non. May igaganda pa ba 'yon?!

"Oh damn. Bakit ba kasi nandito kayong dalawa?!" tanong ko pa sa kanila. Nagtawanan naman silang dalawa ni Paulo at nag-high five pa sa harap ko as if may nakita silang katawa-tawa sa'kin? I get it. Nakakatawa yung itsura ko ngayon. Malamang mukha na kong natataeng ewan nito. Nakakainis naman kasi. Bakit ngayon pa ko nagkaganito?

Paano kung kinasal na kami ilang buwan lang o ilang linggo lang magsawa siya? Paano kung maghanap siya ng iba? Or worst hanapin niya si Jhustine at makipagbalikan? O kaya man kapag nag-away kami maghanap siya ng ibang babaeng magpapasaya sa kanya. Teka nga! Ganon din 'yun e!

"Alam mo sa lahat ng babaeng nakita kong ikakasal. Ikaw lang yata yung masungit at nakasimangot." Sabi sa'kin ni Paul saka siya dumikit pa sa gilid ko. Si Jennifer naman lumapit sa'kin at hinawakan yung isang kamay ko. Habang yung isa hawak yung bouquet na dala ko.

"Summer. Pangarap mo 'to. Eto na 'yon oh. Maaabot mo na. Akala ko ba you will fight for Nico kahit na anong mangyari ulit? Tapos sa simpleng confusion lang halos gusto mo nang umurong. Remember bestfriend. Nico have no limitations. Ibig sabihin, kaya ka niyang sundan kahit saan ka pa mapunta ulit. Si Nico 'yan e. Ang Mister Suave ng buhay namin at ang Nico ng buhay mo." Bahagya niya pang pinisil yung kamay ko.

"Okay. Kailangan nang pumunta sa harap ng bride's maid mo. Bye. See ya later." 'yun lang saka niya na ko iniwan.

"Alam mo sistaret. Tama naman si Jennifer. Isa pang advice, magpakasal ka sa kanya dahil mahal mo siya at gusto mo siyang makasama. Hindi mo 'yon lalagyan ng bahid ng pagdududa o anuman. Alam mo? Kinakabahan ka lang dahil mae-expose ka na naman sa maraming tao e. Sus. Kilala kita Sunny Merrida Song. Chill lang kasi. May hinanda pa naman kami ni Jenny para sa honeymoon niyo." Pinanlakihan ko naman siya ng mata bago siya natatawa-tawang umalis na sa tabi ko.

Mariin akong napapikit saka ako sunud-sunod na lumunok. You can do this Summer. Ang tagal mong hinintay 'to oh. Ilang years mo ring pinaghintay yung lalaki na yon at pag-uwi mo kung anu-ano pang pinaggagawa mo. Bumawi ka ngayon. Make him the happiest man alive today, tomorrow, at hanggang sa nabubuhay ka.

Kailangan wala kang hesitations. Dahil alam mong siya lang at siya lang ulit ang mamahalin mo. Yung lalaking walang ginawa kundi ang mahalin ka at alagaan ka. Pinahalagahan ka niya Summer kahit na ginawan mo siya ng masama.

Unti-unti. Para akong tangang naliliwanagan. Maliwanag na rin sa'kin kung bakit ako pumayag na makasal sa kanya. At kung bakit ko piniling magpakasal sa kanya. Isa lang naman ang dahilan at iisa lang din ang magiging dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now