Ika-dalawampu't Tatlong Sulyap

1.8K 35 0
                                    

Ika-dalawampu't Tatlong Sulyap

"You can't hide it from us. Matapos yung bakasyon nagkaganyan yung itsura mo? Sabihin mo nga Summer. Natutulog ka pa ba? E ni hindi ka na nga sumama sa ibang long ride travel namin e." Hindi na yata. Wala akong maalalang may isang gabi akong nakatulog ng maayos. Mas naging busy kasi ako sa company ni tatay. Lalo na't mas bumaba pa yung investments, I was assigned to the finance department kasi kaya no doubt na alam ko yung mga nangyayari.

"I know. I look like a panda." Pumalatak pa si Paulo saka niya sinunod-sunod 'yon. Pinaglaruan niya yung straw na nasa coffee jelly niya saka niya iniangat 'yon at sinipsip yung dulo.

"Hindi ka naman mukhang panda sistaret! Okay okay pa nga yung itsura mo e. Siguro panda nga." Kunot noo akong tumitig sa kanya saka niya cool na ibinagsak ulit yung straw sa iniinom niya. "..Panda, pandaewang. Ewan ko sa'yo Sunny Merrida!" binato ko siya ng isang piattos na kinakain ko saka ko siya inirapan.

"Sabi nang 'wag mo kong tawagin sa ganong pangalan e!" ngumuso siya saka niya rin ako inirapan. Nandito kami sa college caf ngayon. Actually, eto pa rin yung school namin. Ang kaibahan lang, malayo na kami sa highschool department building. Malaki kasi talaga 'tong school and you might wanna ride a jeep or bring a car.

"We're just a concerned citizen lang naman oh. Baka mamaya kapag may nangyari sa'yo masisi pa kami dahil sasabihin mong B.I. Kami sa'yo?" sabi ni Jennifer sabay subo ng fries niya saka niya sinubo yung index finger niya pati yung thumb niya para lang simutin yung naiwang cheese bits don.

"Guys, don't worry. Kapag may nangyari sa'kin. Hindi naman kayo sisisihin. Ipapapatay lang kayo ni Kuya Cabi-"

"Summer!" Hm. Speaking!

"Yes?" I posted a bright smile habang papalapit siya. Eto na naman sila Cabi with friends. Dinaig niya pa si Barney dahil sa dami lagi ng kasama niya. Araw-araw yata nadadagdagan. Akala mo isang batalyon sila na susugod ng susugod sa giyera.

"Do you want to come later?" Kunot noo akong napatitig sa kanya.

"Where?" balik na tanong ko.

"Sa bahay ni Erick. Today's his birthday." Napairap ako. Back to normal. Hindi niya ba naisip na meron pa kong sakit at kahit kailan hindi ko na magagawang alisin 'yon sa'kin. Mas gugustuhin ko nang tumandang dalaga kaysa makapag-asawa ng manloloko.

Magpaka-tomboy na lang kaya ako? At least bihira sa babae yung nagloloko. E kung ako kaya yung manloko? Huh. As if gagaya ako sa mga lalaking walang kwenta. Tsaka hindi ko pinangarap na pababain pa yung sarili ko.

"Jhustine will come. Kasama niya si Nico." Mapait akong napangiti saka ako iiling-iling na sinuklay yung buhok ko sa harap na tumatabing na sa mukha ko. He took his Mickey off. He's definitely a cocksure when it comes to me, when it comes to my wrong decisions. Maybe up until now he can't believe that I was again dumped by another man.

Sumimangot ako. "So? Don't worry. I'll go. Hindi naman na ko affected since ganito lang din naman yung nangyari sa'min ni Erick non. I'm used to it. Sasama ako, may pinagsamahan naman kami ni Erick at ayokong maging forever bitter naman sa kanila. Hindi ko paga-aksayahan ng panahon na magngitngit ako, ngayon pang busy na rin ako sa kompanya." Kahit gusto kong manaksak ng mga tao ngayon na sinaktan ako. Hindi ko gagawin. I want to live normal after everything.

Hindi na siya sumagot. Nagpakawala lang siya ng seryosong mukha saka siya tumalikod. Hindi ko na siya pinansin. Eto namang nasa tabi ko akala mo tinubuan ng puso sa mata at isama na yung mga stars dahil sa pagtitig niya kay Kuya Cabi.

"Grabe! Yung biceps niya~" Hinampas ko naman siya ng notebook na hawak ko kaya bumalik siya sa katinuan.

"Ang perv mo! 'wag mo ngang pagnasaan si Kuya! Nandidiri ako! Isa pa hindi ako fan ng love team niyo. Nakakasuka!" sabi ko pa saka ko inilagay sa balikat ko yung strap ng backpack ko saka ako nagyaya na.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now