Ika-dalawampu't Pitong Sulyap

1.5K 34 0
                                    

Ika-dalawampu't Pitong Sulyap

Nakakainis!

Philippine traffic is unbelievable. Kanina pa kami hindi umuusad. Sinabi ko naman kasing sa tricycle na lang ako pero makulit 'tong bago naming driver. Ewan ko ba kung bakit siya yung kinuha ni Kuya Cabi. Si Mang Gilbert kasi matagal nang nag-resign. After my father's death kinailangan niya nang mag-resign at maghanap ng ibang trabaho. We agreed with him because he needed to find another job to provide for his family. Hindi pa kasi kami nakababangon noon mula sa malaking pagkakautang ng kompanya.

I was crying that time dahil parang tatay na rin yung turing ko sa kanya. Para akong pinatay din non dahil dalawang tao na tatay ko yung nawala sa'kin.

Hindi ko maisip kung gaano ako kawasak nung mga panahon na 'yon. Si Kuya Cabi lang at sila Jennifer yung nandon para sa'kin. Ganon na rin si Pau at Erick na hindi ako iniwan until I fixed everything. And to be honest, I really did try to love Erick again. Pero tanga talaga yung mga taong katulad ko. Dahil kung sino pa yung totoo at hindi ako iniwan nung panahong lugmok ako siya pang hindi ko magawang mahalin. Well, ganon naman talaga ang buhay. Kung saan ka mapapasama dun ka pupunta.

God! Why am I saying these things?

"Hey, Mister—"

"Mico Richard Vergara po ma'am, at your service." Umirap ako.

"Okay whatever. Pwede bang iuwi mo na lang 'tong wheels? I'm going to take a cab na lang. Baka kasi ma-late ako." Pero ang kulit lang talaga niya. Pinagbilin kasi ako sa kanya ni Kuya Cabi. Naiinis nga ako dahil para akong bata kung ituring pa ng isan iyon. Palibhasa magkaka-anak na. Pinagpa-praktisan pa yata ako.

"Ma'am hindi po pwede." Mangani-ngani ko siyang ambaan. Kaya lang pinigilan ko yung sarili ko. Hindi niya ba alam? Amo niya rin ako! Gosh! Nakaka-bwisit siya! Hindi ko na siya pinansin. Mabuti na lang at ilang minuto lang ang itinagal namin bago lumuwag-luwag yung daan. At mabuti na lang nakarating kami ng tama sa oras dito sa mga ka-meeting ko.

Who else? Eh 'di yung mga party planner nina Nico at Jhustine. Ikinabit ko yung Bluetooth earphone sa tainga ko saka ako na-connect kay Paulo.

"Hey Pau." Mahina ko lang sabi habang patuloy yung paglalakad ko. Nginingitian ko naman yung mga taong titig na titig sa'kin. Binabati nila ako eh 'di tatango ako sa kanila. I am dressed formally for this special day. Kailangan kasi mukha akong kagalang-galang.

"On mo na yung recorder. Kailangan may pam-blackmail tayo in case na mag-back out sila. Pero I'm hundred percent sure na tapalan mo lang ng pera sa mukha yang mga 'yan papayag na." sinipat ko naman yung dala kong attache case. Saka ko diniretso ulit yung tingin ko.

"Argh!" sabi ko nang mairita ako sa black heels na suot ko.

"Is there a problem?" tanong naman ni Paulo sa kabilang linya. Sumimangot ako saka ko tiniis yung naiirita kong paa.

"I hate these heels! Why did you make me wear these bitch-please type heels?! Jeez!" narinig ko namang tumawa siya. Nakarating naman ako sa meeting place. Sa lounge ng hotel. Natanaw ko naman yung tatlong taong kakausapin ko ngayon saka ko agad in-on yung recorder na dala ko.

"Hi." Bati ko sa kanila at sabay-sabay pa silang napatingin na tatlo. Umupo ako sa bakanteng upuan saka ko inayos yung Bluetooth earphone ko para mas marinig ni Paulo sa kabilang linya lahat ng mapagu-usapan dito.

"I'm Summer Song. Sunny Merrida Song is my real name but I'll only allow you to call me Summer. Mas maikli." Nginitian naman nila ako. Mukhang wala silang idea kung anong pakay ko sa kanila. Nasa mukha naman nila kaya hindi na ko magtataka kung bakit sila nagu-usap gamit yung mga mata nila.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now