Huling Sulyap

2K 33 0
                                    

Huling Sulyap

"I'm getting married." Lahat sila napabulalas nang sabihin ko yung katangi-tanging balitang gusto kong sabihin sa kanila kanina pa. Hindi kasi ako makasingit paano puro sila daldalan. Inayos ko pa yung buhok kong nakaladlad sa likuran ko saka ako nag-de quarto. Wala silang imik. Halos lahat sila walang sinasabi o anumang pinapakitang reaksiyon. Hanggang sa lumapit sa akin si Paulo at nagtatalong yumakap sa'kin.

"Oh my Gosh! Sinasabi na nga ba! Kanina ko pa tinitignan yung diamond ring na nasa kamay mo! Hindi ko kaya. Wait. Naiiyak ako, Summer!" kunwari pa siyang pinapaypayan yung sarili nang makalayo sa'kin. Umiiling naman akong sumipsip sa milk shake na nasa kamay ko.

"Bakit hindi ka yata natutuwa sistaret?" baling niya pa kay Jennifer na kain ng kain ng nachos na nasa plato ko. I frowned a little saka ko hinampas yung kamay niya. Narinig ko pa yung pagtikhim ni Erick. Kasama niya si Yannah na halos wala ring masabi tungkol sa ibinalita ko. Even si Yannah wala pa rin siyang alam tungkol dito. We decided to keep it hidden. Kahit na nung nasa party nag-propose si Nico non. Pinili naming manahimik muna. Gusto ko kasing ang unang makaalam ay si Kuya Cabi. Now na alam na ni Kuya Cabi. Sila naman yung tinipon ko just to give them the news.

"Alam ko na 'yan. Kagabi pa. Nung sinabi niya kay Cabi. Hay, the perks of being Cabi's wife nga naman. Mas mauuna kong malaman lahat nang nangyayari kay Summer bago sa'yo." Tumawa naman siya na parang kontrabida saka kumuwit ng nacho cheese na nasa gilid ng plato ko. Umiling ako. Paano ba naman nagsimula na namang mag-away silang dalawa. Hindi na talaga sila magsasawa.

"Congratulations, Summer. I'm happy for you and Kuya." Sabi pa ni Yannah. Ngumuso ako ng bahagya saka ko sinimulang i-admire na naman yung mukha niya. She really looks like an angel. Hindi ko ma-describe e. Ang amo ng mukha niya pati ba naman yung pagsasalita niya? Para siyang walang kamuwang-muwang sa mundo pero patay na patay siya kay Erick.

Inilipat ko yung tingin ko ron sa huli.

I can't find any reaction to his face. Ang tanging alam ko lang ay matiim siyang nakatingin sa'kin. Sinikap kong ngumiti sa kanya. Pero nung mabigo akong pangitiin din siya tumayo ako at humarap kay Yannah.

"Yannah. Can I steal him for a while? May kailangan lang akong sabihin. If it's okay with you?" ngiti at tango lang yung sinagot sa'kin ni Yannah. Pagkatapos non hinawakan ko si Erick sa braso at hinila siya patayo. I know. This is the saddest part of his life. Me getting married with another man. Ano bang magagawa ko? This is life. Ang tanging magagawa ko lang ay pagaanin yung loob niya ngayon.

Hindi naman sa naga-assume pa kong ako pa rin yung laman ng puso niya. Pero never naman siyang naglihim nang nararamdaman niya patungkol sa'kin e. He's always open. Nasasaktan man siya, masaya man siya, o nalulungkot siya. Alam ko 'yon dahil lagi niyang sinasabi sa'kin.

Kahit papano. Him leaving me gave me a lesson at ipinagpapasalamat ko pa rin sa kanya 'yon. Now, all I want him to do is to take care of himself. Yung hindi na ko yung iniisip niya. Yung hindi na ko yung pinoprotektahan niya at lalong hindi niya isinisiksik yung sarili niya sa'kin.

Ah! That's lavish Summer! Sira ka talaga!

"Three minutes lang Erick." Sabi ko pa nang makita kong aangal siya. Para siyang batang kailangan pang utuin. Ayaw niya pang magpahila sa'kin. Kaya halos gamitin ko lahat ng pwersa ko para lang maipasama siya sa akin.

"Fine! Fine! I'll go!" sabi pa niya at kusang loob na bumitaw at sumunod sa'kin. Napadpad kami sa may railings kung saan malapit lang yung kinakainan namin. Since Nico told me na kailangan na naming mag-ayos para sa kasal pinamalita ko na agad ang big announcement na 'to.

"Bakit ba kasi? Ano bang gagawin natin at isinama mo pa ko rito? Susuko ka na ba kay Nico? Wag mong sabihin na hindi mo na itutuloy yung kasal dahil ako pa rin yung mahal--aray!" hindi niya na naituloy 'yon nang sipain ko yung binti niya. He bent his right leg para lang abutin yung sinpa kong 'yon. Grabe talaga. Ang lakas talaga ng kumpiyansa niya sa sarili niya.

Sa Isang SulyapWhere stories live. Discover now