Chapter 2

1.5K 57 35
                                    

CHAPTER 2
Wave

"THEA, ano ba?! Tanghali na! Akala ko ba may pupuntahan ka ngayon?!" Mabilis akong napabangon dahil sa malakas na sigaw ng nanay ko.

Sigaw ni Nanay?!

Napalingon ako sa paligid at nakita ang pamilyar na lugar. Gawa sa yerong pader at plywoods na sahig? Paniguradong nandito ako ngayon sa kwarto ko!

Panaginip lang ba talaga 'yong kanina? Bakit parang totoo?

"Hello, Thea!" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis akong napalingon sa sulok ng aking kwarto at doon ay nakita ko ang nakangiting si Mikaia.

Gaya ng nasa panaginip ko, nakasuot siya ng dress na kulay pula.

No way! Paano—

"Niloko mo 'ko?! Panaginip lang talaga ang lahat?!" galit na tanong ko sa kanya gamit ang mahinang boses. Kahit na gusto ko siyang mabingi sa sigaw ko, hindi ako p'wedeng marinig ni Nanay.

"My gosh! Hindi 'no! Ginawa ko lang panaginip ang nangyari bilang pagtupad sa napag-usapan natin," sagot niya.

Ano ba talaga siya? Pa'no niya nagawang gawing isang panaginip ang lahat?

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Kung gano'n, ayaw ko na. Umulit lang pala ang lahat. Ibig sabihin, hindi ko pa tinatanggap—" sabi ko na kaagad niyang pinigil gamit na ang kanyang seryosong boses.

"'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Hindi isang biro ang pagiging isang matchmaker na tatanggapin mo kung kailan mo gusto at aayawan mo nang basta-basta," seryosong sambit niya dahilan para mapalunok ako. "Tumupad ka sa napag-usapan dahil tumupad ako."

Hindi naman ako makaimik dahil sa totoo naman ang sinabi niya at tumupad nga naman siya sa usapan.

"Oo, hindi kapani-paniwala ang tungkol sa matchmaker pero totoo 'yan. Ang pagre-recruit ng matchmaker ang paraan ni Eros para maipag-match ang mga kailangan niyang ipag-match. Sa rami ba naman ng tao sa mundo, ang iba ay nakakaligtaan niya na." Nag-umpisa siyang magpaliwanag at wala akong ginawa kun'di makinig.

"Three couples for three wishes. 'Yan ang tagline ng Cupid's Dating Agency. Ang pendant ng kwintas na suot mo ang magpapakita sa 'yo kung sino ba ang dapat mong ipag-match," aniya at tinuro ang dibdib ko. Mabilis naman akong napalingon do'n dahil sa sinabi niya. Do'n ay nakita kong suot ko na nga ang kwintas na sinasabi niya.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita siyang muli.

"Manu-mano ang paraan ng pagma-match sa dalawang tao, nang walang gamit na bow and arrows. Mahirap pero priceless naman kapag natupad na ang hiling mo," sabi niya pa habang nakangiti sa kawalan. Bakas sa mukha niya kung gaano siya kasaya ngayon.

"Ang pendant ng kwintas ay unti-unting magkakaroon ng pink na liquid sa loob kapag naumpisahan mo na ang mission. Sa pink liquid mo rin malalaman kung malapit mo na bang matapos ang mission. At kapag napuno mo na nga ang bow pendant ng pink na liquid ay 'tsaka ka pa lang maaaring mag-wish ng kahit ano. Kahit pa biglang pagyaman, love life or kung ano pa man," nakangiting sabi niya dahilan para mamangha ako.

Aaminin ko, unti-unti na 'kong naniniwala.

"Ang kwintas din ang magliligtas sa 'yo kung sakaling maipit ka sa isang sitwasyon. Kapag suot mo ang kwintas, p'wede kang magpalit ng anyo kung kinakailangan para mapangalagaan mo ang pangalan mo. Ang kwintas din ang magdadala sa 'yo kung saang oras at lugar ka nararapat na mapunta. Pero kung masanay ka na, p'wedeng ikaw na mismo ang mag-decide kung saang lugar, ano'ng oras at ano'ng gusto mong maging anyo." Napatango na lamang ako. Naiintindihan ko na.

Dear PygmalionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon