Chapter 20

775 24 1
                                    

CHAPTER 20
Alalay

NANLALAMIG ako habang iniisip kung ano na lang ang iisipin ni Nanay kapag na-ikuwento na sa kanya ni Tita 'yung nakita niya kanina. 'Yung tita ko pa naman na 'yon, lahat ay ikinu-kuwento kay Nanay. Minsan, may pasobra pa. Kahit wala naman sa nakita niya, dadagdagan niya. Baka isipin ni Nanay, kami talaga ni Ion. Baka ipagtabuyan siya sa bahay!

"Ayos ka lang ba, Kamahalan? May nararamdaman ka pa bang iba?" tanong ng hatak kong si Ion gamit ang nag-aalala niyang boses.

Isa pa 'tong statue na 'to. Sa susunod nga, sasabihan ko siya na 'wag masyadong caring. Nakakaano eh!

Basta, kailangan kong maunahan si Tita na makauwi sa bahay. Kasi for sure, didiretso 'yon sa bahay o kaya sa palengke. Naku! Ano'ng gagawin ko?!

Noong nakasakay na kami sa jeep, lahat na naman ng mga mata ay nasa kay Ion. Pero hindi ko na pinansin 'yon dahil busy akong magplano para mamaya. Mabuti na lang at hindi traffic at mabilis kaming nakarating sa bahay.

Pagkarating ko ay nagpalit kaagad ako ng damit para makapaglinis ng bahay. Kilala ko si Nanay. Kapag galit 'yon tapos may nakitang kalat, hugasan ng pinggan or kung ano, mas lalo siyang magagalit. As of now, wala pa rin akong naiisip kung ano ang idadahilan ko. Pero, I'm sure makatutulong ang paglilinis ko ng bahay para 'di na madagdagan ang galit niya.

Nilabhan ko ang mga damit namin kahit bukas pa talaga ang schedule ng paglalaba ko. Naghugas din ako at nagsaing na. Sumaglit pa ko sa may kanto para bumili ng paboritong ulam ni Nanay na lechong paksiw. Nagwalis din ako sa loob at labas ng bahay. Pati si Candy ay pinaliguan ko rin.

Grabe ang kaba ko buong tanghali. Buti si Ion, kahit naguguluhan kung bakit ko minamadaling mag-ayos ay tumutulong pa rin. Well, para naman sa kanya 'to kaya dapat lang na tumulong siya.

Mag-aalas sais na ng gabi nang ibinaba ko ang iba sa mga libro ko sa school at nagkunwaring nagbabasa ng lessons habang hinihintay ang pagdating ni Nanay. Kahit sa totoo lang, wala talagang pumapasok sa isip ko. Katabi ko naman si Ion na nakaupo sa sofa habang binabasa ang isa kong libro. Hindi ko lang alam kung naiintindihan niya.

Kumalabog ang puso ko nang marahas na nagbukas ang pinto.

Heck! Nand'yan na siya!

Tama ang hinala ko. Mukhang naikuwento na yata ni Tita sa kanya 'yung tungkol sa kanina!

"Thea!" tawag ni Nanay sa 'kin, pagkapasok niya pa lang ng bahay.

"P-po?" kinakabahang tugon ko.

Paktay talaga ako nito!

Pumuwesto si Nanay sa harap namin ni Ion habang nakapamaywang at matalim na nakatingin sa 'kin.

"Ano 'tong narinig ko sa tita mo na nakita raw niya sa may kainan do'n sa may plaza?" Nahirapan akong lumunok dahil sa tanong ni Nanay.

Isip, Thea! Mag-isip ka ng idadahilan mo!

"A-ano lang 'yon, 'Nay. Wala po 'yon—" Napapikit na lang ako nang sigawan ako ni Nanay.

"Anong wala?! Ang sabihin mo, pinagsasamantalahan mo lang 'tong si Ion!" Dahan-dahan akong dumilat habang nagulat sa sinabi ni Nanay. Napakurap pa 'ko para i-process ang ibig sabihin ng sinabi niya.

H-huh? 'Yon lang ang naisip ni Nanay?

"Nagpasubo ka pa ng pagkain? Huh? Hindi porque walang maalala 'yang isang 'yan, aalilain mo na!" dugtong pa ni Nanay dahilan para gusto kong tumalon sa tuwa. Napakagat na lang ako ng labi habang pinipigilan ang pagngiti.

'Yon nga lang ang nasa isip niya! Mabuti naman!

"S-sorry, 'Nay," Yumuko ako para kunwari ay nagso-sorry talaga pero ang totoo ay 'di ko na napigilang mapangiti.

Dear PygmalionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon