Chapter 13

793 27 4
                                    

CHAPTER 13
Check

KABADO ako habang nagdadalawang isip na lumapit man lang sa bahay ng isang tanyag na isang sirena na sinasabi ni Sireah ay makatutulong sa amin.

Narito kami ngayon sa madilim at malalim na parte ng karagatan. Ang mga coral reefs ay makukulay at buhay na buhay ngunit sa bahay ng sirenang sinasabi ni Sireah ay naiiba. Kulay lila ang mga nakapaligid na corals sa bahay nitong sirang barko.

Parang familiar ang lugar sa 'kin. Feeling ko, nakita ko na ang ganitong klase ng parte ng karagatan sa isang Disney movie.

Mula rito sa kinaroroonan namin ay kapansin-pansin ang dilim ng loob at sa palagay ko'y nakakatakot talaga. Feeling ko ay may mga kaluluwa pang nando'n.

"Halika na, Clarissa. Kanina ay ikaw ang pa ang halos nagmamadali 'di ba?" Naisip kong sarkastiko ang sinabi ni Sireah pero noong tiningnan ko naman ang itsura niya ay parang nagtataka lang siya.

Napairap na lang ako para sa sarili ko.

Pati 'tong si Sireah, pag-iisipan ko pa ng masama. Ang sama ko.

Lumunok muna ako bago kinalaban ang karuwagan ko.

"Sigurado kang dito 'yon, Sireah? May nakatira ba talaga rito?" tanong ko habang 'di pinaparamdam ang namumuong takot sa 'kin.

"Oo, sigurado akong dito nakatira ang tanyag na si Amphitrite. Siya ang mga gumagawa ng mga potion para sa kahit ano. Sa katunayan ay bawal pumunta rito ang mga gaya natin, pero dahil gusto kong maging lubusang maging masaya si Icarus, handa akong lumabag," puno ng damdaming sambit ni Sireah habang nakatitig lang din sa madilim na lumubog na barko sa harapan namin.

Nakaramdam ako ng kaunting pagkirot sa puso ko.

Magagawa ko rin kaya ang bagay na 'yan sa oras na maranasan ko nang magmahal? Ang pagsugal at pagtaya ng sariling kaligtasan para taong mahal? Ang cheesy pero... nakacu-curious kung kaya ko nga ba.

Nasa punto kasi ako ngayon ng buhay ko na... corny para sa 'kin ang makarinig ng line na 'I love you' o 'mahal kita' lalo pa sa mga kabataan. Feeling ko... nakakadiri? Feeling ko ay masyado pang maaga para makaramdam no'n kahit na 20 years old naman na 'ko. Ewan. Feelingera kasi talaga ako.

Pero alam ko rin naman na someday, makakaya kong sabihin 'yon sa isang lalaki kapag naramdaman ko na nga ang sinasabi nilang 'love'.

"Kung gano'n, tayo na," ani ko para pigilan ang sariling malunod sa sariling isipan. Kaagad naman akong nilingon ni Sireah at pursigidong tumango.

Pinasok na nga namin ang lumubog na barko. Gaya ng inasahan ko ay madilim sa loob. Pero ang nagsilbing gabay namin para matunton ang kinaroroonan ni Amphitrite ay ang dilaw na liwanag na siyang tingin namin ay ilaw ni Amphitrite.

Nakakatakot ang lugar at sirang-sira na talaga ang barko. Ang tanging inisip ko na lang habang pinapasok namin ang barko ay kung gaano mas nakatatakot na mapagbintangan kaming kumuha ng mamahaling statue kapag 'di pa 'ko nakauwi kaagad.

Pakatok na sana kami sa isang pinto ngunit kusa na itong bumukas para sa 'min nang nasa tapat na kami nito. Nakagawa ng isang bula ang pagbukas nito at bumungad din namin sa amin ni Sireah ang isa pang sirena na nakatuon lang ang pansin sa bolang kristal na siyang nagliliwanag.

"Nagagalak akong naparito ang isang matchmaker sa aming lugar at mundo. Ano'ng maitutulong ko sa 'yo?" sambit ng babaeng sirena na sa tingin ko ay si Amphitrite. Nanlamig at natigilan ako sa sinabi niya.

Alam ko. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.

Lalo pa 'kong nakaramdam ng kaba nang tumitig siya mismo sa mga mata ko dahilan kaya napatingin din sa direksyon ko si Sireah. Nanlaki ang mga mata ko dahil do'n.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now