Chapter 27

731 16 5
                                    

CHAPTER 27
Nakaw

"B-BAKIT ka nandito?!" gulantang na tanong ko sa kay Ion.

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan siya ngayon na mukhang wala ring alam sa mga nangyari. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa mga nangyari.

Heck! Pa'no nangyari 'to?! P'wede kaya 'to? Pa'no ako makakapag-focus sa mission ko kung gan'to?!

"Paumanhin pero hindi ko rin alam, Kamahalan." Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko sa sobrang laki ng problema ko ngayon.

Ano na nga ba'ng gagawin ko? Pa'no 'tong si Ion? For sure, wala akong ibang p'wedeng gawin kun'di ipaalam sa kanya kung ano'ng mayro'n ngayon!

Kailangan kong kumalma kasi baka hindi maging successful ang mission na 'to kung magpa-panic ako.

Una kong tiningnan kung anong oras at date ngayon. Pero no'ng iniangat ko ang kaliwang kamay ko ay ro'n ko lang napansin na hawak ko nga pala ang braso ni Ion.

Heck! Kaya siguro naisama ko siya rito! Ano ba namang katangahan 'yan, Thea?!

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon dahil wala na 'kong magagawa pa. Nandito na siya eh.

Tiningnan ko kung ano na ang date at oras gamit ang ibinigay sa aking relo ni Mikaia. Nangunot ang noo ko nang makita na ngayon ang araw na una akong pumasok sa Aistone University. Dahil do'n ay napalibot tuloy ako ng tingin.

Nasa hallway kami ngayon ng isang building dito sa University. Patay na ang ilaw at feeling ko, may makikita akong multo sa kabilang dulo ng hallway. Madilim pa ang langit dahil madaling araw pa lang.

Buti na lang din pala, kasama ko si Ion. Kun'di ay baka 'di ko rin magawang umpisahan ang mission ko ngayon dahil sa takot.

Sunod kong tiningnan ang pendant ng kwintas para tingnan kung sino ang kailangan kong ipag-match ngayon pero laking gulat ko nang walang inilabas na picture ang pendant.

What the?! Ano ba talaga ang nangyayari?! Bakit ganito?! Paano na?!

"Kamahalan..." Kung hindi pa 'ko kinalabit ni Ion, hindi ko pa mapapansin ang tinitingnan niya.

Sabay kaming napalingon sa may bandang harapan namin nang biglang may umilaw. Sunod no'n ay nakarinig kami ng footsteps.

Patay na! May tao yata! Kapag 'di kami umalis sa kung nasaan kami ngayon ni Ion, makikita kami!

"Halika na," bulong ko sa kanya at hinatak siya sa may pinakamalapit na pintuan sa 'min.

Sinubukan kong buksan ang pinto ng mga rooms pero lahat ay naka-lock. Isa lang ang bukas at 'yon ay ang comfort room. Mabilis kong hinatak sa loob si Ion para magtago.

"Nasa'n tayo, Kama—" Tinakpan ko ang bibig niya para pigilan siyang magsalita.

Ang lakas kasi ng boses niya!

"'Wag kang maingay. I-e-explain ko ang lahat sa 'yo kapag nakauwi na tayo sa bahay. Okay ba?" mahinang bulong ko sa kanya. Wala siyang nagawa kun'di tanguan na lang ako.

Tumahimik ako sandali para alalahanin ang mga sinabi sa 'kin ni Mikaia. Sure kasi ako na ito na ang tinutukoy niya.

"'Di ko nasabi sa 'yo na bukod sa tatlong mission, kailangan mo rin palang pigilan 'yung pagkabago ng kasalukuyan."

"Kailangan walang mabago sa kasalukuyan."

"Isipin mo, Thea. Kung wala 'yung matanda, 'di ko tatanggapin ang pagiging matchmaker. Mababago ang kasalukuyan. Pareho lang din ang kahihinatnan mo kapag nabago 'yon. 'Di mo rin matatapos ang buong mission at maglalaho ka rin sa dulo."

Ito siguro 'yon. Pero bakit dito? Ano'ng kailangan kong gawin?

Inalala ko nang mabuti kung ano nga ba'ng nangyari no'ng bago ako unang pumasok sa Aistone University.

"Kamahalan..." tawag muli sa 'kin ni Ion sa gilid ko.

Sasawayin ko na naman sana siya dahil sa ang lakas na naman ng boses niya pero bigla akong may naalala nang nilingon ko siya.

Tama! No'ng first day ko sa school, in-announce na nawawala ang statue ni Pygmalion! Then pagkauwi ko sa bahay, nando'n na siya sa kwarto ko!

"Gets ko na! Gets ko na, Ion—" Napatigil ako sa pagsasalita nang mabilis na tinakpan ni Ion ang bibig ko at ikinulong ako ng kanyang braso.

Nawala kaagad ang tuwang naramdaman ko at napalitan ng kaba nang may biglang kumatok sa pinto nitong comfort room kung nasaan kami.

"May tao ba r'yan?!" nakakatakot na tanong ng taga bantay siguro ng school.

Pansin na pansin ang ilaw ng flashlight niya sa labas dahil sobrang dilim dito sa loob.

"May narinig ka?" tanong ng isa pang tao sa labas.

Heck!

"Oo eh. Takbuhin mo nga 'yung susi nito do'n. Pasukin natin 'yung loob." Namutla ako dahil sa narinig na sabi ng isang lalaki sa labas.

Tae naman, oo!

Mabilis akong napaangat ng tingin sa kay Ion na hawak ang bibig ko ngayon. Dinig na rinig ko rin ang malakas na pintig ng puso niya dahil sa posisyon namin ngayon. Siguro ay kinakabahan din siya.

Pa'no na?!

Nakarinig kami ng pagtakbo palayo sa 'min, senyales na may kukuha na nga ng susi rito sa cr. Maingat naman akong binitawan ni Ion at naglibot ng tingin sa buong paligid.

Nanginginig na ang kamay ko sa sobrang kaba at 'di na talaga ako makapag-isip nang maayos. Gusto ko nang maiyak sa sitwasyon namin ngayon!

"Walang p'wedeng maraanan!" mahinang bulong sa 'kin ni Ion.

Pumikit ako nang mariin at sinubukang pakalmahin muna ang sarili.

Easy-han mo, Thea. Para makapag-isip ka nang maayos.

Napahawak ako sa may dibdib ko nang may maramdamang parang mainit na bagay. Kasabay no'n ang pagkarinig namin ng pagtakbo sa labas. Siguro ay nakabalik na ang kumuha ng susi.

Sa tagal kong hindi nakagagawa ng mission, nakalimutan ko na lahat ng technique.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ion at pumikit. Ang isang kamay ko naman ay hinawakan ang pendant.

Wala pang ilang segundo ay nagliwanag na nga ang buong paligid bago pa man tuluyang nabuksan ang pinto.

Mabilis akong dumilat nang nawala ang liwanag sa paligid. Bumungad ang statue ni Pygmalion sa harapan namin.

Napadpad kami sa kung saan talagang nakatago ang statue ni Pygmalion: sa room 305.

Inaasahan ko ang tanong na manggagaling kay Ion kung paano kami napunta rito pero walang salita ang lumabas sa bibig niya. Nilingon ko siya at nakitang hindi maalis ang tingin niya sa statue. Sa statue niya.

"Paanong..." Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin. Naintindihan ko naman kung ano ang gusto niyang malaman.

Wala na 'kong magagawa pa kun'di ang sabihin sa kanya ang katotohanan.

Napalunok ako sa naisip at napaiwas ng tingin. Sobrang tahimik ng paligid pero nakabibingi ang pintig ng puso ko.

"O-oo, ikaw 'yan. Napunta tayo sa araw na wala ka pa sa bahay namin." Nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang mga mata namin. "At kapag 'di natin nagawang ipunta 'yan sa kwarto ko, hindi tayo magkakakilala."

Mabilis na nagsalubong ang kanyang kilay. Bakas sa mga mata niya ang pagkagulat.

Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita.

"Ibig bang sabihin nito, hindi kayo ang totoong nagma-may-ari sa 'kin?"

Natahimik ako ro'n.

Dear Pygmalion,
I'm... sorry.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now