Chapter 21

754 23 14
                                    

CHAPTER 21
Baliw

NATARANTA ako noong tuluyan nang nakalapit sa 'min ni Lyon si Ion. Ni paglunok, nahirapan pa 'kong gawin.

Ano'ng ginagawa ng statue na 'to rito? Naligaw ba siya? O... sinundo niya talaga ako?

Namula ang pisngi ko sa naisip.

Kung ano man ang dahilan, wala na 'kong panahon pa para isipin 'yon.

"Kamahalan," bati sa 'kin ni Ion na mas lalong nagpadagdag sa kahihiyan ko.

Nakakaagaw siya ngayon ng maraming atensyon dahil sa ang guwapo niya talaga. Kaya naman mas lalong nakakahiya ang ginawa niyang pagtawag sa 'kin ng 'kamahalan' dahil for sure, kahit hindi ko lingunin ang paligid ay maraming nakarinig no'n.

Heck naman, Ion!

"Maybe I should go?" biglang tanong naman ng katabi ko.

Mabuti na lang talaga, marunong makaramdam 'tong si Lyon!

"A-ay sige. Bukas na lang. Agahan na lang natin pumasok," nahihiyang paalam ko. Tinanguan naman kami ni Lyon bago siya naunang maglakad.

Hinintay ko muna siyang makalayo bago ko kinaladkad si Ion patungo sa sulok. Nakakahiya kasi talaga ang inabot ko sa kanya!

"Sino iyon, Kamahalan?" tanong naman ni Ion, hindi alintana ang paghatak ko sa kanya.

Nang makalayo na sa maraming tao, 'tsaka ko lang siya sinagot.

"Ion, 'di ba ang sabi ko, 'wag mo na 'kong tatawaging 'kamahalan'? Lalo na sa harap ng maraming tao!" mahinang singhal ko sa kanya. Panigurado na ring namumula na ang mukha ko.

"Sino iyong kasama mo kaninang lalaki?" tanong niya naman na ikinakunot ng noo ko.

Ba't ba mukhang mas mahalaga pa rito kay Ion si Lyon kaysa sa sinasabi ko? Baliw talaga.

"Kaklase ko 'yon." Naguguluhan man, sinagot ko pa rin siya. "Ano? Malinaw ba sa 'yo ang sinabi ko?"

Imbis na sagutin din ang tanong ko, kinuha niya lang ang bitbit kong bag. Nahulog ang panga ko dahil do'n.

What the heck, Ion?

Nagwala ang traydor kong puso, lalo pa noong napatitig ako sa berde niyang mga mata.

Kalma, Thea. Ginagawa niya lang ang lahat ng 'to dahil naniniwala siyang ikaw ang kamahalan niya. Walang ibang meaning 'to. 'Wag hopia.

"Tara na at umuwi," utas ni Ion gamit ang makisig na boses at pinangunahan na ang paglalakad patungo sa sakayan ng bus. Sandali ko naman muna siyang tinitigan.

Kahit nakatalikod, agaw pansin pa rin siya. Matangkad kasi. Height pa lang, panalo na. Pati ang kulay ng buhok niya, nakaw tingin din. Simple lang ang suot niya ngayon na oversized shirt at shorts pero ang guwapo talaga niya, walang halong charot.

Nang siguro'y mapansin niyang wala pa 'ko sa tabi niya'y nilingon niya 'ko. 'Yon na ang ginamit kong cue para maglakad palapit sa kanya.

"Pa'no ka nga pala nakapunta rito? Ikaw lang mag-isa?" tanong ko kay Ion.

"Nagtanong-tanong ako, Kamahalan."

Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa tinawag niya ulit sa 'kin.

'Tong statue na 'to, ayaw talagang tumigil sa pagtawag sa 'kin nang gano'n!

Sisinghalan ko sana siya ulit kaso mayro'n nang dumating na bus. Hinawakan niya ang likod ko para paunahin akong umakyat. Sa kalagitnaan naman ng pag-akyat ko sa bus, muli siyang nagsalita na siyang ikinasamid ko sa sarili kong laway.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now