Chapter 23

736 20 13
                                    

CHAPTER 23
Minsan din pala

PAGKATAPOS magpalit ni Ion ng damit ay naglakad na kami patungo sa gawaan ng mga kakanin para maglako. Bale dalawang bilao ng kakanin ang kinuha namin. Tig-isang bilao kami ng ibebenta pero siya ang nagbubuhat no'ng dalawa. Gusto niya 'yon kaya hinayaan ko na.

Naisip ko, okay lang pala na tanghaliin kami ng pagtitinda nito. For sure, marami pa ring bibili sa 'min dahil sa kaguwapuhan ng kasama ko.

Tumama naman ang hinala ko dahil 'di pa man kami nagsisimulang pumunta sa maraming tao, marami na kaagad ang lumapit sa amin para bumili. Nangalahati na 'yung sa kanya nang nakarating kami sa parte ng bayan na maraming tao.

Para kaming nagbebenta ng limited edition na gamit dahil sa rami ng nakapila. 'Yung iba, ang dami pa ng binili para lang makapagpa-picture kay Ion. Akala mo talaga, artista. Tsk.

"Ang guwapo mo naman, ijo. Sa'n ka nakatira?" tanong ng isang bakla sa kanya.

"Sa bahay po nila Thea," sagot naman ng statue habang nakangiting ibinigay ang binili no'ng bakla. Sabay kaming napatawa dahil sa sinagot ni Ion.

Dear Pygmalion,
Baliw ka, boy?

Ako na lang ang naging tagahiwa ng kakanin at tagasukli habang si Ion ang taga-abot at tagatanggap ng mga bayad.

Marami pa ang itinanong at inalok sa kanya gaya ng pagiging macho dancer, model, at artista. Tinanong din kung ano'ng pangalan niya sa Facebook, kung may Instagram ba siya or Twitter.

Mabuti na lang at marunong kumunsulta si Ion sa 'kin bago siya sumagot sa mga tinatanong sa kanya. Manager ang peg ko rito.

"Kuya, magkano ka? Charot! Magkano 'yang sapin-sapin?" Nagulat ako nang makilala ang isang bumibili sa 'min.

Si Frances na kaklase ko sa isang subject. Kasama niya ang iba niyang kaibigan na mukhang may gusto rin kay Ion.

"Limang piso lang ang isa," sagot naman ni Ion habang may palakaibigang ngiti sa kanyang mukha.

"Limang piso lang daw siya, besh," pabirong sabi ng isang kasama ni Frances at pagkatapos ay naghagikhikan sila.

"Bilhin mo na," natatawang sabi pa ng isang kaibigan niya.

Maganda si Frances. Mahaba ang buhok at matangkad. Maganda rin manamit. Tingin ko, may gusto siya kay Ion.

"Loko kayo. Sorry, kuya, ah? Bilhin ko na lahat 'yan," nahihiyang sabi niya na hindi naman pinansin ni Ion.

Hindi ba 'ko napapansin ng kaklase kong 'to? Hello! Katabi ko lang kaya si Ion!

Binalot ko ang anim na piraso ng kakanin na natitira at iniabot kay Ion. Dahil sa ginawa ko ay ro'n lang ako napansin ni Frances.

"T-Thea, nand'yan ka pala." Mas lalo siyang nahiya no'ng nakita niya 'ko. Nginitian ko na lang siya bilang pagbati pabalik.

"Kilala mo?" tanong naman ni Ion sa 'kin. Tinanguan ko lang siya.

"Nagbe-benta ka pala ng kakanin?" tanong ulit sa 'kin ng kaklase ko.

"Minsan lang," sagot ko.

Iniabot sa 'kin ni Ion ang buong ibinayad ni Frances kaya naman nagbilang ako ng isusukli sa kanya.

"Ahh. Buti hindi ka nahihiya? I mean, ang dami kasing tao." Natigilan ako sa pagbibilang ng sukli dahil sa sinabi niya. Nakaramdam tuloy ako bigla ng hiya. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Pati kung magkano na ba 'yung nadadampot kong pera panukli.

Alam kong hindi ako dapat ikahiya ang ginagawa ko ngayon dahil sa marangal naman 'to at wala naman kaming tinatapakan na tao. Kaso... minsan talaga, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng gano'n. Lalo pa't kung ang kaharap kong mga tao ay mababa ang tingin sa mga nagtitinda gaya ko.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now