Chapter 8

876 37 11
                                    

CHAPTER 8
Pygmalion

NAMAYANI ang kaba sa dibdib ko. For the second time, mukhang pe-perwisyuhin ako ng statue ni Pygmalion!

Pa'no ba naman ako hindi kakabahan sa mga nangyayari ngayong nawawala ang statue kung gano'n ang nangyari noong unang beses ko 'yong makita? Kamuntikan na 'kong makulong nang dahil do'n, 'no!

Abot-tahip ang kaba ko lalo pa sa titig noong Miss Margoux daw kaya naman napasinghap ako nang tapikin ako ni Shana.

"Sayang 'no? Nawala. I wonder kung pa'no 'yan nanakaw," komento ni Shana. Para hindi niya mapansin ang tunay na nararamdaman ko ngayon ay ngumisi na lang ako. 

"Oo nga eh," dugtong ko para 'di naman niya mahalatang may kung ano'ng bumabagabag sa 'kin.

"Bagay pa naman kayo ng statue," biro niya na ikinakunot ng noo ko.

Alam din kaya ni Shana ang tungkol sa una naming pagkikita nitong nawawalang statue?

"H-huh? Bakit?" kinakabahang tanong ko habang kumukurap-kurap.

"Thea, si Pygmalion 'yon," pagpo-point out niya na hindi ko naman nakuha.

"Oo nga. Alam ko. 'Yan oh. Nakasulat," sabi ko sabay turo sa baba ng picture ng statue sa hawak ng nasa mid 50s na lalaki kung saan nakasulat ang 'Pygmalion.'

Bumuntong hininga si Shana.

"I mean, sina Galatea and Pygmalion. 'yung sa Greek mythology!" pagpipilit niyang ipaintindi sa 'kin ang sinasabi niya.

Napa 'huh?' na lang ako nang walang tunog.

Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niyang talaga. Pero at least, hindi naman patungkol sa nangyari no'ng sa so-called panaginip ang alam niya.

"Alam mo ba talaga ang history ng pangalan mo? Ano'ng sinulat mo sa bible project natin no'ng grade 10 tayo?" tanong niya dahilan para maalala ko 'yung sagot ni Nanay nang tinanong ko siya about sa history ng name ko.

No'ng grade 10 kasi kami, nagpa-project ang teacher ko sa English na kung tawagin ay 'Bible.' May part do'n na kailangang isulat kung paano nabuo ang pangalan namin kaya naman tinanong ko si Nanay.

Muli kong pinagmasdan ang picture ng statue na nagngangalang Pygmalion. Sa hindi malamang dahilan, biglang tumalon ang puso ko.

"Nay, bakit 'Galathea' ang pinangalan mo sa 'kin? Sa'n mo nakuha 'yon?" tanong ko kay Nanay nang minsan ay sumama ako sa kanya sa palengke para magbantay ng tinitinda naming gulay.

Sinamaan niya 'ko ng tingin kaya naman napanguso na lang ako. 'Di na umaasang sasagutin niya ang tanong ko. Well, ayos lang din naman na 'di niya na sagutin. P'wede ko naman kasing gawan na lang ng sariling history ang pangalan ko. 'Di rin naman kasi binabasa ng teacher namin. Kunwari lang binabasa niya pero ang totoo ay niche-check-an niya lang. Tsk.

"Sa basurahan. Nabasa ko," sagot pa rin ni Nanay.

'Di ko alam kung matutuwa ba 'ko dahil sinagot niya 'yung tanong ko or dapat, 'di niya na lang sinagot kasi useless din.

Tapos ngayon... malalaman ko na connected pala talaga kami nitong guwapong statue?

Dear Pygmalion,
Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may kinalaman ang kwintas sa pagkawala mo.

"Uy! Ano? Alam mo ba talaga?" biglang tanong ni Shana dahilan para mapabalik ako sa wisyo.

"'Yung sinulat ko ba sa bible no'ng grade 10? Hinulaan ko lang 'yon eh," natatawang pag-amin 'ko.

"Sayang. Pero sa Greek mythology, siya ang partner mo," nakangising pang-aasar niya sabay bahagyang pagsundot sa tagiliran ko. Nagpanggap na lang ako na kunwari ay naaasar.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now