Chapter 3

1.4K 53 30
                                    

CHAPTER 3
Nakakahiya

PAGKADILAT na pagkadilat ko, napadpad ako sa lugar kung nasaan ako kanina, sa tapat ng Aistone University. Mabilis akong lumingon sa palingid kung may p'wedeng nakakita sa biglaan kong pagsulpot. Mabuti at wala naman.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang wala pa palang sampung minuto simula nang inumpisahan ko ang unang misyon ko.

Bago sa 'kin ang lahat. Never akong naka-experience ng ganitong kababalaghan sa buhay ko kaya 'di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Pero hindi 'yon ang dapat kong isipin ngayon. Kailangan kong malaman kung paano na ulit ako makakapunta sa sunod na parte ng first mission ko.

Kailangan kong puntahan ang website na sinasabi ni Mikaia: ang CupidsDatingAgency.com.

Kaya naman hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong sumakay ng bus para makauwi at mapuntahan na kaagad ang website.

Sobrang bagal talaga ng oras kapag hinihintay mo. Kaya naman inip na inip ako sa loob ng bus. Traffic pa. Tsk.

Pagkarating ko naman sa may eskinita sa 'min, naabutan ko si Nanay na may kargang isang plangganang maruming damit. Siguro ay maglalabada siya ngayon.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso habang tinitingnan siya.

Hindi lahat ng tao, pinagpala. Gaya namin. Kapos kami sa pera kaya kailangan talagang kumayod. Kapos kami sa pera kaya kailangang makapagtapos ng pag-aaral.

"Bakit ang bilis mo naman, Thea? Ano'ng nangyari?" takang tanong niya nang tuluyan na 'kong nakalapit sa pintuan.

Inalalayan kong panandalian ang bitbit niyang planggana para kuhain ang kamay niya at makapagmano. Kinundisyon ko rin muna ang boses ko para maiwasang mautal.

"Nakapag test na po ako, Nay," pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka? E ang sabi ni Nica, sa lunes na raw 'yung pasukan sa Aistone University?" kunot-noong tanong niya dahilan para kabahan ako.

H-hindi ko inasahan 'to! Ano'ng sasabihin ko?

"'D-di ko po alam. Basta, pinayagan akong mag-test. Akyat na 'ko, Nay. Ingat ka," nagmamadaling sambit ko bago dumiretso na papuntang bahay.

Kaagad akong umakyat na sa taas. Nadaanan ko na nga lang din si Candy na alaga naming aso na kaladasang una kong kinu-kumusta kahit saan ako galing. Hindi ko talaga maiwasang hindi malito at makalimot kapag nagsisinungaling ako!

Napailing na lang ako at pasimpleng binatukan ang sarili.

Isinara ko na lang kaagad ang pinto ng kwarto pagkapasok ko. Pagkatapos ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa may drawer. Io-open ko pa lang ang data connection ko nang maalala kong wala nga pala akong load.

Hindi bale.

Mabilis akong lumapit sa malaking bintana ng maliit kong kwarto at binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang halos isang dipa lang na agwat ng taas nila Aling Jhelyn. Kaagad ko ring nakita kung paano maghalikan ang anak niya kasama ang bagong boyfriend nito.

Nice sight!

Nang siguro ay narinig nila ang pagbubukas ko ng bintana, kaagad silang napatingin sa 'kin habang nanglalaki ang mata. Gano'n din naman ako.

Ngayon ko lang naman kasi binuksan ang bintana ng kwarto ko. Sa side lang na 'to. Kasi nga masyadong katapat ng bintana ng kwarto nila. At ayaw ko ring may nakakapansin sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit.

May isa pa namang bintana ang kwarto ko. Katapat naman no'n ang tulay. 'Yon ang parati kong binubuksan. I mean nakabukas 'yon pero may nakatabon pa ring kurtina. Para lang magliwanag naman kahit kaunti ang kwarto ko.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now