Chapter 15

798 25 13
                                    

CHAPTER 15
Ion

NAKANGANGA lang ako hanggang sa makalipat sa kabilang bahay ang dalawang pulis na naghahanap ng statue ni Pygmalion. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa isip ko kung bakit hindi ako isinumbong ng guwapong pulis.

Ang hiling ko kanina ay sana hindi makita ng pulis ang statue ni Pygmalion. Hindi nga yata niya nakita. Pero ang tanong, saan napunta ang statue ni Pygmalion?

Bigla tuloy akong napatingin sa pendant ng suot kong kwintas. Napatalon ang puso ko nang wala na 'yong pink na liquid. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Natupad na ang hiling ko!

Hindi pa 'ko makaakyat ulit sa kwarto ko dahil ngayon hindi pa 'ko handang makita kung ano na nga bang nangyari sa statue.

"Baka gusto mong tumulong maghanap ng droga sa bahay, Thea? Kaysa nakatayo ka lang dyan. Baka mamaya, may inilagay na rito 'yung mga pulis na 'yon," utos ni Nanay dahilan para mabalik ako sa wisyo.

"'Nay naman. Masyadong malawak 'yang imahenasyon mo eh," sita ko sa kanya.

"Tigilan mo 'ko, Thea. Akala mo hindi ko napansin na kaya mo pinapasok 'yung mga pulis kanina kasi guwapo 'yung isa. Naku, Thea, style mo, gamit na gamit ko na dati," biglang sabi ni Nanay dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Gamit na gamit niya na raw 'yung style na 'yon dati? Para na ring inamin ni Nanay na mahilig siya sa guwapo rati. Tsk.

Dahil tuloy sa sinabi ni Nanay napabaling si Tatay sa kanya.

"Kung anu-ano na naman ang iniisip mo, Theng. Ikaw, Thea. Bakit ka ba biglang umuwi? Nag-cutting ka ba?" seryosong tanong sa 'kin ni Tatay kaya napalunok ako.

"A-ahm... may... may nakalimutan lang po akong dalhin kanina kaya umuwi ako. Nakalimutan ko po 'yung ini-paint ko kagabi," palusot ko sabay pilit na tumawa.

"Oh? Ano pa'ng hinihintay mo? Nasiyahan ka na rito sa bahay at ayaw mo nang bumalik sa school? Kunin mo na 'yung project mo at bumalik ka na. Tsk," utos sa akin ni Nanay kaya wala na akong nagawa kun'di umakyat sa kwarto.

Habang papaakyat ako ay titig na titig ako sa may pintuan ng kwarto ko. Muli kong naramdaman ang kaba. Kaba sa kung ano ang makikita ko sa kwarto ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at doon kumuha ng lakas ng loob para pumasok sa loob.

Tumigil ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko at ini-kondisyon muna ang sarili bago hinawakan ang doorknob ng pinto ng kwarto ko.

Feeling ko ay napakamakasarili kong tao dahil sa hiniling ko. Mas pinili kong mawala sa bahay namin ang statue para lang maligtas kami pero hindi ko man lang inisip kung saan maaaring napunta ang statue. Baka napunta na 'yon sa masamang kamay!

Nahabag ako dahil sa naisip. Pikit-mata ko na lang tuloy binuksan ang pinto.

Sana pala, ang hiniling ko na lang ay mabalik ang statue sa dati nitong lagayan. Tsk. Why so tanga talaga, Thea?

Pagkabukas ko ay naramdaman ko ang malamig na simoy na galing sa loob ng kwarto ko. Isinara ko ang pinto nang tuluyan na nga akong nakapasok. Pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Napasinghap ako at nahulog ang panga sa bumungad sa akin. Buong lakas kong pinigilan ang tiling gustong kumawala sa bibig ko dahil baka marinig nila Nanay sa baba.

Sinubukan ko pang kusutin ang mga mata para tingnan kung namamalik-mata lang ba 'ko pero hindi. Totoo siya! Heck!

Mukhang mas lalong lumaki ang problema ko!

Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa pinto. Hindi ko 'yon ininda at tinakpan na lamang ang mga mata ko ulit. Kahit gano'n ay sinubukan ko pa rin siyang tingnan sa pagitan ng mga daliri ko.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now