Chapter 33

724 17 17
                                    

CHAPTER 33
Tama ba?

BUONG gabi kong inisip ang nangyari sa loob ng Ferris wheel. Sa sobrang preoccupied ko nga ay 'di ko na matandaan kung paano kami nakauwi.

Napuno ng tanong ang isip ko. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano'ng ibig sabihin ni Ion sa mga sinabi niya sa 'kin at tinatanong ko rin ang sarili kung ano na nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Tingin ko, hindi na ito matatawag na ilegal, Kamahalan." Muli kong naalala ang ibinulong ni Ion matapos niya 'kong halikan.

Ilegal? Ba't naman—

Natigilan ako nang may maalala dahil sa salitang 'ilegal'.

"Ano ba'ng ginagawa nila, Kamahalan?" tanong ni Ion sa 'kin nang may nakita siyang naghahalikan na couple.

"N-naghahalikan sila," nahihiyang sagot ko naman.

"Bakit nila ginagawa iyon? Bakit tinakpan mo ang mata ko, Kamahalan? Masama ba iyon?"

"K-kaya ko tinakpan 'yung mata mo kasi... ilegal 'yon!"

"Bakit nila ginagawa iyon kanina kung ilegal iyon, Kamahalan? May mga pulis na umiikot parati rito. Baka mahuli sila!"

"I mean, ilegal 'yon kung 'di nila mahal 'yung isa't isa. Ilegal kapag pinilit mo ang isang tao na makipaghalikan sa 'yo."

"Kung ganoon ay puwedeng gawin iyon ng kung sino basta ay mahal nila ang isa't isa?"

Pinamuluhan ako ng pisngi matapos maalala ang maaaring dahilan kung ba't 'yon tinanong ni Ion sa 'kin noong nasa Ferris wheel kami.

Heck! Mukhang sa 'kin naman pala nanggaling ang natutuhan niya about sa pagiging ilegal ng paghalik!

Pero... k-kaya niya ba tinanong sa 'kin kung mahal ko siya kasi... heck! Tama ba 'yong naiisip ko?!

Mababaliw na 'ko kakasubok na intindihin ang lahat. Mabuti na lang at narinig ko ang pangalang Pygmalion na binanggit ng instructor namin kaya napabalik ako sa realidad. Kamuntik ko nang makalimutan na nasa school pala ako ngayon.

"Did you know, guys? There's a secret behind the statue of Pygmalion that went lost weeks ago." Napabalikwas ako ng tingin sa harapan nang marinig ang word na 'Pygmalion'.

Lahat ay nakatitig sa instructor namin dahil sa sinabi niya. Tuluyan niya na ring naagaw ang pansin ko.

Secret? Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa aming instructor.

"We all know that Miss Margoux Argoncillo designed that statue. But only few people know the reason why she designed it that way," umpisa ng instructor namin. Napatuwid tuloy ako ng upo at nakinig nang mabuti. "I want you guys to know it too because you're my students."

Nagsimula akong kabahan dahil sa mga narinig.

"There was a kid named Pygmalion too. He was Miss Argoncillo's older brother. Unfortunately, he met an accident and went lost. Hindi na siya nahanap pa," pagpapatuloy ng instructor namin dahilan para mahulog ang panga ko.

Napalunok ako nang wala sa wisyo.

may lalaki talagang nagngangalang 'Pygmalion'? Pero nawala? Kung titingnan ay parang ka-age ko lang si Margoux na siya palang nag-design ng statue. Ibig sabihin, kung buhay pa ang kapatid niya, mas matanda lang 'yon nang kaunti sa kanya. Parang... kasing itsura ni Ion ngayon!

"Margoux's imagination is wild that's why, she visualized the looks of her brother if he had a chance to live."

Ibig bang sabihin, 'yung itsura ni Ion... isinunod sa itsura dapat ng nakatatandang kapatid ni Margoux?

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now