Chapter 37

660 13 1
                                    

CHAPTER 37
Kalimutan

BUONG araw sa school ay hindi kami nagpansinan ni Shana. Magso-sorry ako sa kanya pero hindi muna sa ngayon. Hindi muna hangga't ganito pa 'ko kasira. Nagpatong-patong ang mga problema ko. Problema ko sa last mission, sa grades at pati na rin sa kaibigan ko. Wala man lang patawad. Pinagsabay-sabay talaga.

"Sir, 'di na po ba 'ko p'wedeng makapag-re-take ng test? May reason naman po ako e," pakiusap ko kay Sir Landagan dito sa kanyang cubicle sa loob ng faculty nila.

"Sorry, Miss Arteza, pero nai-record ko na ang scores d'yan," sagot naman ni Sir.

"Kahit special project na lang po, Sir. Please po. Sorry po talaga at hindi ako nakapasok sa time niyo," pagmamakaawa ko. Saglit naman siyang napatitig sa 'kin bago bumuntong-hininga.

"Hindi talaga puwede. Bawi ka na lang sa susunod."

Wala na 'kong nagawa pa roon. Noong nag-uwian naman, nagmamadali akong lumabas ng gate para 'di maabutan si Ion kung susunduin niya man ako ngayon. Ayaw ko na munang makita ang mukha nilang dalawa ni Shana. Sobra-sobra na ang problemang natanggap ko ngayong araw. Maski si Lyon, hindi ko muna rin pinayagang makisabay sa 'kin.

Pag-uwi ko naman, galit na si Nanay ang bumungad sa 'kin.

"Ano 'to, Thea?" Hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan sa loob ng bahay, hinarang na kaagad ako ni Nanay.

Galit siyang nakatingin sa 'kin habang pinakikita sa'kin ang test paper na dala ni Shana kanina. Naalala kong nahulog 'yon kung saan kanina at hindi ko dinampot.

"Ba't ganito ang score mo? Hindi ka nagsagot o nag-cutting ka?!" tanong ulit ni Nanay, hindi pa man ako nakakasagot.

Nice. Hindi pa yata kuntento si God sa problema ko ngayong araw. Dinagdagan na naman. Bakit Niyo po ba ginagawa 'to? Ano po ba'ng nagawa ko?

"Nay, pagpahingahin niyo po muna ako. Pagod po ako—" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang sigawan ako ni Nanay.

"At ano'ng tingin mo sa 'min?! Pagod din kami! Tapos ito pa ang bubungad sa 'min?! Alam mo ba kung gaano kami nagpapakahirap para lang pag-aralin ka tapos ganito pa?!" sunod-sunod na sigaw niya sa 'kin. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya na mas lalong ikinadurog ng puso ko.

"Alam ko 'yon, Nay! S'yempre, alam ko 'yon! Pero napapagod din ako—" Hindi ko inasahan ang paglapat ng palad ni Nanay sa pisngi ko. Napalingon ako sa kanan ko dahil sa lakas ng sampal niya. Kasabay no'n ang pagtulo ng mga luhang pinipigilan ko.

"Theng! Tama na 'yan!" awat ni Tatay kay Nanay.

Noong nag-angat ako ng tingin, nakita ko ang konsiyensya sa mata ni Nanay. Hahawakan niya pa sana ako para mag-sorry yata pero tumakbo na lang ako papunta sa itaas.

Hindi ko na talaga kayang pigilan 'to.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, kaagad kong niyakap ang una kong nahawakang unan at humagulhol. Kailangan kong iiyak na 'to lahat para sa susunod, wala na. Sa susunod, hindi na dapat.

Ba't ba nagkaganito ang lahat? May nagawa ba 'kong sobrang sama para parusahan nang ganito? Kasi hindi ko maintindihan!

Pinagsusuntok ko ang unan para ilabas ang galit sa lahat. Pero hindi pa man ako nakukuntento, may pumigil na sa 'kin at hinawakan ang braso ko. Haplos pa lamang, alam ko na kung sino 'yon. Tangkang kakalasin ko ang hawak niya pero niyakap niya na 'ko.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko kay Ion pero hinigpitan niya lang ang yakap niya sa 'kin.

Gaya ng madalas kong maramdaman sa tuwing nariyan siya, nagwala ang puso ko.

Dear PygmalionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz