Chapter 6

943 49 10
                                    

CHAPTER 6
Dream come true

PAGKAUWING-PAGKAUWI ko ay mabilis akong nagtititili sa tuwa. Pero s'yempre, 'yung pigil at ako lang ang makakarinig. Baka kasi mamaya, tulog na pala sila Nanay. Tumalon din ako sa saya ang kaso ay napatigil din nang magsink-in sa utak ko na plywood lang pala 'tong taas namin. Baka lumusot ako sa baba namin kapag pinagpatuloy ko. 

Ang saya! Natapos ko na rin sa wakas ang first mission! Malaking himala man ang kakailanganin para mangyaring matupad nga ang isang kahilingan ko, wala na 'kong ibang choice kun'di ang magtiwala. Kailangang matanong ko na si Mikaia kung pa'no i-claim 'yung prize!

Bumuntong-hininga muna ako at pinagmasdan ang nagliliwanag na pendant. 'Di ko pala nabuksan ang ilaw kaya sobrang dilim ngayon sa kwarto ko. 'Yon din ang dahilan kung bakit sobrang pansin ang kagandahan ng kwintas ngayon.

Sana talaga legit 'to. Ito na lang kasi ang nag-iisang pag-asa ko para makapagpatuloy sa pag-aaral.

Kaya lang naman kasi ako nakapag-aral ng first year ay dahil sa scholarship ko. Ngyaong kinailangan na naming bumalik dito sa Maynila, kinailangan ko na rin ulit lumipat ng school. Kung p'wede nga sana, nagpaiwan ako sa dati naming bahay para hindi masayang ang scholarship ko kaso ay hindi pumayag si Tatay.

Ang ending, pati ang pag-aaral ko, hindi ko na rin sure kung maipapagpatuloy ko pa. Scholarship na lang talaga ang tangi kong pag-asa.

Hinawakan ko ang pendant at hinalikan habang umaasang totoo nga na p'wedeng matupad ang isang wish ko.

Pagkatapos, mabilis akong lumapit sa may gilid ng pintuan ng kwarto ko para isaksak ang ilaw at para na rin maayos kong makita kung nasaan ang phone ko. Gabi na kasi at madilim na nga.

Nang nakita ko na, mabilis akong pumunta sa website ng Cupid's Dating Agency. Gaya ng palaging nangyayari, nai-summon ko si Mikaia na ngayon ay mukhang hinugot pa sa kama.

"Ano na naman ang tanong mo at bakit mo 'ko tinawag nang ganitong oras." Bakas sa boses niya ang pagka-antok. Kinusot niya pa ang kanang mata para siguro makakita nang maayos.

Bakas ang gusot sa suot niyang pantulog na kulay baby blue. Ang buhok niya rin ay mukhang sinabunutan ng sampung aso. 'Di ko tuloy ma-imagine kung pa'no ba matulog ang isang 'to.

Napangisi na lang ako at hindi alam ang sasabihin kaya naman ipinakita ko na lang ang pendant ng kwintas. Mabilis na nagising ang diwa niya dahil dito.

"Tapos mo na?! Kaagad?!" gulat na tanong niya na ikinatango ko lang. "Woah! Grabe ka. Excited ka, huh?" panunuya niya na nginisian ko lang.

"Ang sabi ko nga sa 'yo, kailangang-kailangan ko ngayong matupad ang isang hiling ko. Kaya... sabihin mo na sa 'kin kung paano ko mai-c-claim ang premyo ko," mahinahong sabi ko. Napatango naman siya at napatuwid ng tayo.

"Hawakan mo ang pendant at pagkatapos, pumikit ka," utos niya na kaagad ko namang ginawa. Sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ngayon, pati pintig nito'y rinig ko na rin.

"Pagkatapos, itapat mo ang pendant sa bibig mo 'tsaka mo sabihin kung ano'ng kahilingan mo," dagdag niya pa na masigla ko namang ikinatango at ginawa.

"Sana... sana talaga makapasok ako sa Aistone University bukas!"

MABILIS akong napadilat nang marinig at maramdamang nag-vibrate ang phone ko. Halos hindi ko maayos na maimulat ang mata ko dahil sa antok at pagod pero excited akong makita kung sino ang tumatawag sa 'kin ngayon.

Napabangon ako nang makita ang unregistered number na tumatawag sa 'kin ngayon. Mukhang landline pa ang gamit. Napangiti naman ako nang malawak at iniayos muna ang sarili bago sinagot ang tawag.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now