Chapter 34

683 15 29
                                    

CHAPTER 34
Pa'no na?

LUMIPAS ang dalawang linggo, naging maganda naman ang resulta ng ginawa ko. Sa dalawang linggo na 'yon, walang araw na hindi bumisita si Ion sa bahay. Sabi rin niya, tuwang-tuwa raw sa kanya ang 'Dad' niya at lahat ng gusto niya, ibinibigay.

Naging okay na rin naman kina Nanay at Tatay ang lahat dahil nga madalas namang dumalaw si Ion. Ang seste pa, sinusundo pa rin niya na 'ko sa school. Pero kahit na maraming kotse ang pamilya niya ngayon, mas pinipili niyang sumabay sa 'kin sa pag-commute sa tuwing hinahatid niya 'ko sa bahay.

"May idea ka na kung ano ang ipipinta mo sa final project natin this first quarter?" tanong ng kasabay ko ngayong maglakad na si Lyon.

After ng scene sa amusement park, hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa 'kin kahit pansin niya ang nararamdaman ko para kay Ion. Aniya, okay lang din naman daw 'yon sa kanya. Kahit kaibigan lang daw, ayos na siya.

Kaya ito at magkasabay pa rin kami sa paglabas sa gate ng Aistone.

"Wala pa nga eh—" Natigil ako sa pagsagot kay Lyon nang may lumapit sa kanyang isang professor.

"Sandali lang, Thea. Maiwan na muna kita," pagpapaalam niya at pagkatapos ay sumama na sa prof.

Sanay naman na 'ko ro'n. Magaling kasi talaga si Lyon at talagang nag-e-excell siya sa klase namin. Kaya naman ay madalas, pinapatawag siya ng mga prof at minsan pa nga ay ng Dean namin mismo.

Tangkang paalis naman na 'ko ng building namin, may lumapit sa 'kin at pumalit sa puwesto ni Lyon kanina. Paglingon ko ay si Frances 'yon.

"Hi!" bati niya sa 'kin. Hindi ko naman alam kung babatiin ko siya pabalik. Sa pagkakaalam ko kasi, 'di ko naman siya ka-close. Medyo naiirita na rin ako sa kanya dahil sa pagpapapansin niya kay Ion. S'yempre ngayon ay sure na 'ko sa nararamdaman ko para sa former statue na 'yon, mas may lakas na 'ko ng loob para bakuran siya.

"Hello." Sa huli, binati ko rin siya pabalik. Hindi naman kasi ako gano'n kasalbahe at isnabera.

"Boyfriend mo si Lyon Visalde?" tanong niya ulit at nginitian ako nang matamis.

Ba't niya natanong?

Hindi pa man ako nakakasagot ay muli ulit siyang nagtanong.

"Kaanu-ano mo si Ion kung gano'n?" Sa itinanong niya ay kaagad na tumalim ang tingin ko. "Two timer."

Nahulog ang panga ko sa huli niyang sinabi.

Aba! Ayos ah! Parang awtomatikong kumulo ang dugo ko dahil do'n.

Humalukipkip ako at halos magkasalubong ang kilay habang tinitingnan siya nang diretso sa kanyang mga mata. Hindi naman kasi ako papayag na masabihan ng gano'n lalo pa't kung 'di naman totoo.

"For your information, hindi kami ni Lyon para sabihan mo 'ko ng 'two timer'," pagmamataray ko. "Kung hindi ka sanay makakita ng babae't lalaki na magkaibigan, 'wag mo 'kong kausapin."

Umiral na naman ang pagkamahadera ko. Mukha namang natakot ko siya sa pinakita kong side ko sa kanya. Okay na rin 'yon para hindi na niya 'ko kayan-kayanin pa.

Natigil lang ang pagtititigan namin ni Frances nang may mapansing lalaki na naglalakad palapit sa 'min. Sabay naming nilingon 'yon at sabay ring nahulog ang panga namin.

Paano ba naman kasi, sobrang guwapo ng itsura ngayon ni Ion. Nakasuot siya ng black na biker jacket at white na shirt. Nakaitim din siyang pantalon na pinaresan ng itim na boots. Idagdag pa ang nakasukbit na itim na aviators sa damit niya ngayon at ang simpleng paggalaw ng buhok niya dahil sa hangin.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now