Chapter 19

780 25 2
                                    

CHAPTER 19
Kamahalan

NAG-IINIT ang gIlid ng mata ko dahil sa inis. Ganito talaga ako kapag sobrang inis na at wala nang magawa para mabawasan ang nararamdaman, minsan naiiyak. Pero hindi ako iiyak ngayon. Wala akong balak umiyak. Bakit ko iiyakan 'yung statue na 'yon?

Kulang na lang ay tumakbo ako sa bilis kong maglakad.

Dear Pygmalion,
Kapag nawala ako sa paningin mong statue ka, ewan ko lang kung makauwi ka pa sa bahay. Akala mo ah! Magpakupkop ka na lang sa mga babeng nagkakagusto sa 'yo. Tutal 'di naman na sila mabilang. 'Di ka pa magtitiis matulog sa sofa na walang poem. Tsk!

Noong makakita ako ng isang food stall sa may kanto, patakbo ko na 'yong tinungo para talaga taguan si Ion.

Nagkunwari pa 'kong tumitingin ng pagkain noong marating ko 'yon at humalo sa iba pang bumibili.

"Magkano po rito?" pakunwaring tanong ko sabay turo kunwari kahit na ang atensyon ko'y nasa kay Ion pa rin.

Ilang beses kong nilingon-lingon ang kinaroroonan ni Ion pero nainis lang ako nang makitang mukhang hindi niya pa rin nahahalata na wala na 'ko.

Kainis talaga! Kapag siya lang talaga, nawala! Bahala siya!

"Hindi 'yan nabibilis, Miss." Napabaling ako sa katabi ko nang bigla siyang magsalita. Ang lalim kasi ng boses kaya nakuha ang atensyon ko.

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking katabi habang nakakunot ng noo. Sakto namang nagtama ang tingin namin dahil nakatingin siya sa 'kin.

"Huh?" takang tanong ko.

Ano'ng sinasabi nito ni Kuya? Parang tae lang.

"'Yang tinuturo mo, I mean. Hindi nabibili," nakangiting aniya dahilan para mabilis akong mapatingin sa tinuturo ko. Kaagad namang namula ang mukha ko nang makitang nakaturo pala ang kamay ko sa braso siya.

"Ay! Sorry po, Kuya!" nahihiyang paghingi ko ng paumanhin. Si Ion kasi eh!

Narinig ko naman ang pagngisi ng katabi ko.

"Okay na sana eh. Kaso tinawag mo na naman akong 'kuya'," biro niya na ikinatigil ko.

Wait... familiar 'yong line—

Sa muli kong pag-aangat ng tingin sa katabi kong lalaki, nag-sink in na sa utak ko kung sino siya.

Siya 'yong pulis! 'Yong guwapong pulis!

"Lyon." Bigla niya na lang sinabi ang pangalan niya at naglahad ng kamay. Nahihiya ko namang tinanggap ang kamay niya.

"Thea," pagpapakilala ko rin.

Nakakahiya! Siya pa naman 'yong unang nakakita kay Ion noong naging tao ang isang 'yon! Take note, nakahubo pa 'yon! Ano naman na kaya ang tingin nitong si Lyon sa 'kin?

"Kuyang pogi sandali lang!" dinig kong sigaw ng isang babae kaya naman napalingon ako sa likuran.

Kumalabog ang traydor kong puso nang makitang nakatingin na pala sa 'kin si Ion at papalapit na sa direksyon ko. Sa taranta ko, napatakbo muli ako palayo.

"S-sige. Bye na, Lyon," nagmamadaling paalam ko sa kausap kong lalaki bago kumaripas ng takbo.

"Wait—" dinig kong pigil ni Lyon pero wala na talagang makakapigil sa 'kin.

"Kamahalan!" Mas napabilis naman ang pagtakbo ko nang marinig ang paghabol sa 'kin ng paniguradong si Ion.

Feeling ko, isang serial killer ang humahabol sa 'kin na siyang nagpasigaw sa 'kin nang may humawak na nga sa braso ko. Kadayaan nga naman, oo. Mahaba kasi ang biyas nitong si Ion kaya mabilis niya 'kong nahabol.

Dear PygmalionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon