Epilogue

851 40 80
                                    

EPILOGUE
Pygmalion

Dear Pygmalion,
Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may kinalaman ang kwintas sa pagkawala mo.

Dear Pygmalion,
Akalain mong partner pala kita sa isang Greek myth.

Dear Pygmalion,
Ano ba'ng mayro'n sa 'yo at mukhang pinepeste mo yata ang buhay ko? Ang guwapo mo pa naman sana.

Dear Pygmalion,
Paano kaya kung tao ka? Maging gaya kaya ng love story nina Pygmalion at Galatea ang love story nating dalawa? Hmm...

Hindi pa man ako nagkakatawang tao, parati ko nang naririnig ang mumunting boses ng isang binibini. Hindi ko alam kung paano 'yon nangyari. Basta't nang mamulat ako, boses na niya ang sunod-sunod kong narinig. 'Yon lang ang tanging alam ko noong tuluyan akong magkatawang tao.

Humugot ako ng malalim na hininga matapos mawala ang mistulang matigas na bagay na nagkulong sa 'kin. Sunod kong naramdaman ay ang malambot na kung anong nahulog mula sa 'kin. Nang lingunin ko 'yon, napansin ko ang isang puting seda na nilipad ng hangin mula sa kinatatayuan ko.

Nasaan ako?

Hindi ko pa man nalilibot ang tingin sa paligid, nagkaroon na ng liwanag ang maliit na silid na kinaroroonan ko nang magbukas ang pinto. Roon ay niluwa ang isang lalaking mukhang gulat habang nakatingin sa 'kin.

Sino siya?

Tangkang tatanungin ko ang binata ngunit kaagad na itong umalis ng kwarto. Nangunot ang noo ko ro'n.

Sa ilang sandali, nanatili lang ako sa kinatatayuan ako, ni hindi ako nagtangkang pulutin ang puting seda na mula sa 'kin. Hindi ko gustong umalis man lang sa kinatatayuan ko dahil palagay ko'y hindi ko pa 'yon nagawa mula pa noon.

Mabuti na lamang, may pumasok ulit na isang binibini sa loob ng silid kung nasaan ako. Umasa ako na may mapagtanungan na nga ng mga nangyayari ngayon.

Pikit-mata siyang pumasok sa silid. Nakapikit din siya noong isinara niya ang pinto. Pinanood ko lang siya, nagtataka kung bakit nakasara ang kanyang mga mata. Nang dumilat siya, kaagad na nahulog ang kanyang panga, animo'y gulat habang nakatingin sa 'kin. Kinusot niya pa ang kanyang mga mata habang ako'y napakurap na lang.

Bakas ang pagkabalisa ng dalaga. Napaatras pa nga siya at napatakip ng mukha. Nang tinalikuran niya 'ko, ro'n na 'ko nagkaroon ng dahilan na maglakad patungo sa kanya. Baka kasi mawala na naman ang tyansa kong makapagtanong.

Hinaplos ko ang likod niya pero ikinasinghap niya 'yon.

"A-ano ba?!" mahinang singhal niya sa 'kin. Natigilan naman ako nang mahimigan ang boses niya.

Ang boses na iyon... kapareho ng boses na naririnig ko mula pa noon.

Kahit sobrang gusto ko nang malaman ang katotohanan, minabuti kong tanungin ang kanyang kalagayan.

"Ayos ka lang ba, binibini?" tanong ko dahil bakas ang pamumula ng kanyang mukha. Kaso'y mas lalo pang namula ang mukha niya nang dahil sa itinanong ko.

May isang ideya lang talaga ang nasa puso ko nang mamulat ako. 'Yon ay ang para ako sa isang binibining nagngangalang Galatea. Ngayon, nais kong hanapin siya at itong binibini na ito ang natagpuan ko. Mukhang siya ang hinahanap ko.

"Galatea... masaya akong makita ka ulit, aking kamahalan," sambit ko sa kanya. Hinintay kong magsalita siya pero hindi niya ginawa. Kahit gano'n, narinig ko pa rin ang tinig niya sa isip ko.

Dear Pygmalion,
Am I really your Galatea?

Nangunot ang noo ko ro'n.

Sa sobrang tahimik naming dalawa, nagawa kong marinig ang isang tinig mula sa malayo.

Dear PygmalionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon