Chapter 16

797 25 1
                                    

CHAPTER 16
Bisto

"SAAN ka ba nanggaling, Thea? Iniwan mo pa 'tong bag mo. Buti natandaan ko na sa 'yo 'yan," bungad sa akin ni Shana pagkarating ko sa room namin. Gumaan naman ang pakiramdam ko.

Buti na lang at hindi niya pinabayaan ang bag ko!

"Heck! Salamat, Shana, ah? 'Di ko na kasi naisip pa 'yong bag ko. May emergency lang kasing nangyari sa bahay kaya umuwi ako," sagot ko at kinuha ang bag ko sa kanya.

"May pinagawa na ba sa inyo? Nasa'n na ang Prof?" tanong ko sa kanya.

"Ito. Pinagawa kami ng blind contour drawing."

Dinungaw ko ang gawa niya. Sinimulan niya ring i-explain sa 'kin ang gagawin kaya naman talagang pinakinggan ko siya.

Aniya, kailangan ko raw i-drawing ang contour ng object na nasa pinakagitna ng classroom namin ngayon. Kaso, dapat hindi kami tumingin sa papel namin habang ginagawa 'yon.

"May ini-explain din ang Prof kanina about sa kung sino ang nag-introduced nito pero nai-note ko naman. Kung gusto mo, kopyahin mo na lang sa 'kin," sambit niya habang nasa kalagitnaan na 'ko ng ginagawa ko.

"Naku thank you talaga, Shana. Pa'no na lang kung hindi tayo magkaklase-" Napatigil ako sa pagsasalita nang may kumalabit sa kaibigan ko. Sabay kaming napalingon ni Shana dahil do'n.

"Shan, nandito ka pa pala," si Vernn. Natigilan naman ako sa pagdating niya.

Hindi ko maipagkakaila, guwapo pa rin siya. Kulot ang buhok at matangkad. Moreno at lalaking-lalaki ang boses. Maangas na nga ang dating, mas nakadagdag pa ang way ng pagbitbit niya ng kanyang bag.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin noong napatingin siya sa akin. Heck! Siguro napansin niya 'yung pagtitig ko! Ang awkward!

Nagkunwari na lang akong nag-focus sa iginuguhit ko kahit na ang atensyon ko'y nasa kanilang dalawa pa rin.

"Tapos ka na? Lunch tayo," aya ni Vernn kay Shana. Napalunok naman ako dahil do'n at mas lalong nailang.

Kahit na kasi wala na 'kong gusto kay Vernn, ang awkward pa rin. Lalo na't feeling ko, tingin ni Shana ay may gusto pa 'ko ro'n.

"Tinuturuan ko pa si Thea-"

"Hindi! Okay lang, Shana. Alam ko na," agap ko sa idadahilan ng kaibigan. Nilingon ko naman siya at nginitian.

Mabuti na lang at mas pinilit pa siya ni Vernn kaya naman sumama rin siya kinalaunan. Mas okay ako ro'n dahil hindi ko maiwasang hindi ma-awkward-an. Ayaw ko namang mapansin 'yon ng kaibigan ko at ma-issue pa. Nag-focus na lang ako sa model na ginuguhit ko.

Bumalik ang Prof namin at ni-check-an ang mga gawa. Mabuti't maayos naman ang gawa ko. kuha naman ang model kahit na hindi ko tinitingnan ang papel ko.

NOONG dumating ang uwian ay bumalik ang kaba ko sa kung ano nang nangyari kay Ion. Kung sinunod niya ba ang utos ko o hindi. Grabe ang kaba ko habang pauwi. Panigurado kasing mapapatay ako ng tatay ko kapag nalaman niyang nagdala ako ng lalaki sa bahay. O baka mapagkamalan ni Nanay na rapist ang isang 'yon dahil sa lawak ng imahenasyon ng niya.

Lahat ng tanong ko, nasagot pagkakita ko pa lang ng bintana ng bahay namin. Literal na tumigil ang mundo ko nang makita si Nanay at Tatay na kausap si Ion. Paktay na!

Nakaupo silang tatlo sa may gilid ng lamesa namin. Magkatabi sina Nanay at Tatay sa upuan kaharap si Ion na nakaharap sa direksyon kung nasaan ako. Ang masama pa ay noong nagtama ang mata namin ni Ion ay tumayo siya sabay turo sa direksyon ko!

Patay kang bata ka! Heck!

Dear Pygmalion,
Kahit naging tao ka na, 'di pa rin nagbago ang dulot mong kamalasan sa buhay ko!

Dear PygmalionOnde histórias criam vida. Descubra agora