Chapter 36

691 13 1
                                    

CHAPTER 36
Panoorin na mahulog

PARANG pinipiga ang puso ko. Kung may p'wede lang saktan at sisihin dito, ginawa ko na. Gusto kong magmura sa sakit.

Bakit ganito? Bakit naman ginanito ako? Parusa ba 'to?

Kung kailan bumigay na 'ko, 'tsaka pa nagkaganito! Kung kailan pinayagan ko na ang sarili ko na magustuhan din pabalik si Ion, 'tsaka pa nagkaganito! Kung kailan ginawa ko na ang lahat para tuluyan na siyang maging malaya! Para 'di ko na siya kailangang ibalik sa pagiging statue. Tapos naging ganito?! Nakakagago!

Ang masaklap pa, sa kaibigan ko pa talaga! Sa kaibigan ko pa! Kay Shana pa! Kay Shana na laging nagugustuhan ng mga crush ko simula pa dati. Sa kanya na lang lagi! Okay na eh. Tanggap ko na na maganda talaga siya. Dahil din kay Ion, kaya nawala ang pagkainggit ko sa kanya pero ganito naman ang nangyari!

Sa huli, mapupunta pa rin sa kanya ang sa 'kin. Sa huli, mawawalan pa rin ako. Sa huli, ako pa rin pala ang mag-a-adjust.

Hindi kaagad ako nagpasyang lumabas ng cubicle. Nando'n lang ako sa loob ng comfort room at nakaupo sa bowl habang iniiyak ang lahat at pinag-iisipan din ang dapat gawin.

Sino'ng mag-aakalang may mas naka-s-stress pa palang mangyayari sa 'kin bukod sa kanina?

Sa sobrang iyak ko, 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na medyo madilim na ang paligid. Hindi na 'ko nag-ayos pa at kaagad nang lumabas ng comfort room.

Halos wala nang estudyanteng naglalakad, paglabas ko. Wala naman akong pakialam dahil sa totoo lang ay mas ayos 'yon. Sure kasi ako na namumugto ngayon ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang lalaki na nakaabang sa gate habang nakatingin sa cellphone niya. Nang siguro ay napansin niya ang pagtitig ko ay napatingin din siya sa direksyon ko. Mabilis naman siyang napatayo nang tuwid habang ako, namuo ulit ang mga panibagong luha.

Hinintay niya 'ko? Hinintay pa rin ako ni Ion.

Pinagmasdan ko si Ion at hindi na humakbang pa. Siya na lang ang naglakad palapit sa 'kin.

Sa isang iglap, parang ang daming nagbago. Sa isang balita, parang naging sobrang layo na niya sa 'kin.

Totoo ba talaga? 'Tong lalaking 'to... hindi ba talaga siya para sa 'kin?

"Akala ko ay hindi mo na ako hinintay, Kamahalan. Kanina pa kita tinatawagan at tine-text—" Napatigil siya sa pagsasalita at mabilis na tumakbo patungo sa 'kin nang hindi ko na mapigilang humagulhol.

Ang sakit. Parang 'di ko talaga kaya. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing iniisip ko pa lang na panoorin silang dalawa ni Shana na mahulog sa isa't isa. 

"Ano'ng nangyari? Bakit ka imiiyak?" natatarantang tanong niya habang tinatakpan ko naman ang mukha ko gamit ang dalawang palad. Dahil sa tinanong niya, mas lalong napalakas ang pag-iyak ko.

Dear Pygmalion,
Tama na please. 'Wag kang gan'yan. Tama na sa pag-aalala sa 'kin.

After ng lahat, hindi ko talaga inasahan 'to. Kaya naman biglang-bigla ako ngayon. Wala man lang pasabi.

Ano na nga ba'ng pipiliin ko? Kapag 'di ko tinuloy ang mission, mamamatay ako pero wala rin naman 'yong pinagkaiba kapag itinuloy ko nga 'to. Ikamamatay ko rin naman yata ang sakit. May choice ba talaga ako? Pareho lang naman ang kahihinatnan ng dalawa?

"Ano ba ang nangyari, Kamahalan? Sabihin mo sa akin. Hindi ba tinanggap ang proyekto mo?" pagpupumilit ni Ion na hindi ko naman magawang sagutin dahil sa paghagulhol ko. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit, mahigpit na parang ito na ang huli.

Dear PygmalionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon