Chapter 28

710 16 3
                                    

CHAPTER 28
Stealing operation

NAKARAMDAM ako bigla ng matinding konsiyensya. Sa pangalawang pagkakataon, napaiwas ako ng tingin kay Ion. Hindi ko na magawang tumingin nang diretso sa mga mata niya. 

Alam kong kailangan niyang malaman ang lahat at handa naman akong ikuwento sa kanya 'yon pero... tingin ko ay hindi ngayon ang tamang oras para do'n.

Ilang oras na lang ay magsisimula nang mag-umpisa ang klase at darami na rin ang tao. Kapag nangyari 'yon, mas lalong hihirap ang pagnanakaw sa statue.

Mukhang nabasa naman ni Ion ang laman ng isip ko dahil sa sunod niyang sinambit.

"Mamaya... ikuwento mo sa akin ang lahat, Kamahalan. Sa ngayon, tapusin muna natin ito," biglang sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tinanguan niya 'ko at hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nangilid ang luha ko at tuluyan na ngang pumatak ang isa.

Akala ko talaga, aayaw na siyang gawin ang bagay na 'to.

"Ano ang kailangan kong gawin? Kamahalan?" tanong niya at pinunasan ang luha ko. Napangiti at napatango na lang din ako.

Dear Pygmalion,
Hindi ka talaga nabibigong pamanghain ako.

"Una, kailangan mong magpalit ng damit. Maraming CCTV dito sa University. Mag-success man tayo sa pagnanakaw sa statue, 'di magiging ligtas ang identity natin." Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit ako lang ang kailangang magpalit ng damit?" tanong niya.

Iniangat ko naman ang pendant para ipakita sa kanya. "Mayro'n ako nito, Ion. Kaya kong magpalit ng itsura."

Hindi na lang siya nagsalita dahil sa sinabi ko kaya naman nagpatuloy ako sa pag-uutos sa kanya.

"Ganito. Dahil ako lang ang may kakayahang magpalit ng itsura, ako na ang bahala sa mga guards. Ikaw, maghanap ka ng pangpalit mo ng damit at pagkatapos ay hatakin mo 'tong statue papunta sa back gate," utos ko sa kanya. "Maghanap ka ng maaaring taguan do'n at hahanapin na lang kita."

Kailangan niyang magtago dahil baka bago pa man ako makapunta sa back gate ay naunahan na 'ko ng mga guards.

"Ano ang balak mo kapag naidala ko na ang statue sa back gate, Kamahalan?" tanong niya dahilan para mapaisip ako.

Oo nga 'no! Pa'no nga pala namin idadala ang statue sa bahay? Kung gagamit kami ng kotse... wala kaming kotse! At 'di rin ako marunong mag-drive, 'no!

Nasapo ko ang noo ko dahil sa dumagdag na problema namin. Pa'no na?

"Wala tayong ibang choice kun'di gumamit ng sasakyan bilang transportasyon, Kamahalan," aniya.

"Walang problema sa 'kin ang pagkuha ng kotse. Kaya kong gayahin ang itsura ng isa sa mga schoolmate ko na may-ari nitong University—"

"Iyon naman pala. Ako na ang bahala sa pagmamaneho," sagot niya na ikinagulat ko.

"Marunong ka?"

"Pinalalaro ako ni Rowen ng laro sa kanyang cellphone. Patungkol iyon sa pagmamaneho."

What the?! Dapat na ba 'kong magtiwala n'yan?

Napalunok na lang ako at dahan-dahang tumango. Wala naman na kasi kaming ibang choice.

"Okay. Basta itong kwintas ang palatandaan mo sa 'kin, ah?" Buong puso siyang tumango. "M-mag-ingat ka.

"MA'AM?!" Gulat na napatingin sa 'kin ang dalawang guard na nagbabantay sa buong University. Awkward ko naman silang nginitian.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now