Chapter 12

793 24 1
                                    

CHAPTER 12
Plano

MAAGA akong pumasok ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay traffic sa daraanan ko. Medyo napasobra yata ang dating ko kaya naman may 30 minutes pa 'ko bago magsimula ang first subject ko.

Pagkapasok ko sa room ng first subject ko, naramdaman ko agad ang pagiging out of place ko. Ewan ko ba. May ganito talaga akong nararamdaman sa tuwing wala akong kilala sa mga nakapaligid sa 'kin. Feeling ko lagi ay out of place ako.

Kaya naman para maiwas ako sa pag-iisip ng gano'n ay nilabas ko na lang ang sketchpad ko at umupo sa bandang dulo para gumihit.

Hindi pa man ako nagsisimula, alam ko na kaagad ang iguguhit ko.

'Pygmalion'

Ewan pero pagkatapos kong titigan kahapon ang statue, parang na-infatuate ako ro'n. Pati sa panaginip ko, dinalaw ako ng guwapong statue. Sa panaginip ko raw, ako ang statue at siya naman ang guwapong lalaking may gusto raw sa 'kin. Naisip ko tuloy bigla ang mga possibilities.

Kung totoo sina Daedalus at Icarus na galing sa Greek mythology... may posibilidad kayang totoo rin si Pygmalion at Galatea ro'n?

Sobrang tahimik ng loob ng room. Niwalang balak magsalita at lahat ay may kanya-kanyang ginagawa. Wala rin naman akong makausap dahil 'di pa dumarating si Shana na siyang tanging kilala ko rito.

Kahit gano'n, sobrang ingay ng utak ko. Hindi ko na tuloy namalayan na iba na pala ang ginuguhit ko.  Napatigil ako sandali at tinitigan 'yon.

Kamukhang-kamukha ng iginuhit ko ang statue sa bahay. Ang pinagkaiba lang, ang kalahati ng mukha ng drawing ko ay mukha ng totoong tao.

Dear Pygmalion,
Nagiging hopeless romantic na naman ako! Dahil 'to sa 'yo!

Mayamaya pa, napatigil kaming lahat ng nasa room nang may pumasok na isa pang estudyante. Agaw pansin ang pagkahingal niya at ang tumatagaktak niyang pawis. Naghabol muna siya sandali ng hininga bago nagsalita.

"Nakakuha na raw ng lead kung saan dinala 'yung statue ni Pygmalion, guys. Nakuhanan daw sa CCTV." Balak ko sanang ibalik ng tuon sa iginuguhit ko ngunit nakuha niya ang buong atensyon ko dahil sa ibinalita niya.

Nakakuha ng lead?! Kung saan dinala?! At ano raw?! Nakuhanan daw sa CCTV?

Literal na nahulog ang panga ko at napakurap ako dahil sa gulat. Kumalabog nang husto ang puso ko, kabado na baka malaman na nasa amin ang statue ni Pygmalion.

Papaano't may tao pala sa likod nito kung bakit napunta sa bahay namin ang statue ni Pygmalion? And worst, nakuhanan pa sa CCTV! Malamang, sa bahay namin ang sisi dahil nasa bahay namin ang statue!

Kahit na 'di ko close ang babae ay nagtanong ako.

"N-nasa'n daw?" kinakabahang tanong ko.

"Nakuhanan daw sa CCTV na dinala sa may squatter area yata 'yon," 'di siguradong sagot sa 'kin ng babae.

Dali-dali na akong tumayo dahil sa lubusang pagkaalarma.

Baka nga nalaman na nasa bahay namin 'yung statue! Baka madamay sina Nanay at Tatay!

Walang anu-ano'y mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo habang patuloy na nadaragdagan ang kaba sa puso ko. Hindi ko na inalintana pang dalhin ang mga gamit ko.

Ano'ng gagawin ko kung sakaling mapagbintangan ang pamilya namin na kumuha ng statue?! Mahirap lang kami. At 'di ko maaatim na makitang nakakulong ang isa kina Nanay at Tatay.

Nangingilid ang luha 'ko habang bumabyahe pauwi sa 'min. Hindi ako mapakali sa loob ng bus at nagpapawis na rin ang kamay ko sa sobrang kaba. Mas lalo pa 'kong kinabahan nang pagbaba ko ng bus ay nakita ko ang sasakyan ng pulis sa may tapat ng street namin at nagdire-diretso pa papasok kung saan ako nakatira.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now