Chapter 30

715 18 8
                                    

CHAPTER 30
Tingin

"TALAGA ba?" bungad na tanong sa 'kin ni Tita Mhie pagkasara niya ng pinto ng kwarto ko.

"A-ang alin?" kinakabahang tanong ko pabalik kay Tita.

"Talaga bang nawalan lang ng alaala 'yong si guwapo? O jowa mo 'yon?" Tiningnan ako ni Tita gamit ang mapanghusgang tingin. "Alam mo, Thea. Hindi ako funny gaya ng nanay mo kaya 'wag ka nang magbalak na magtago sa 'kin."

Nangunot naman ang noo ko dahil sa biglang sinabi ni Tita. Funny? Ano namang connect ng pagiging funny?

Bago pa man ako mapatanong ay mukhang nabasa na ni Tita ang tanong sa isip ko.

"'Di ako funnywalain. Bagal p-um-ick up ah!" aniya nang hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi. Pilit na lang akong tumawa.

"Pero totoo po na nawalan siya ng alaala, Tita." Humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Pero jowa mo?" tanong niya na nagpapula ng mukha ko. Mabilis kong inilingan 'yon.

"Hindi po! Promise! Mamatay man." Umakto pa 'ko na parang nangangako para lang mapaniwala si Tita.

"Pero gusto mo siya? Imposibleng 'di mo magustuhan 'yon, Thea. Sa guwapo ba naman no'n." Hindi kaagad ako nakasagot sa biglang tinanong ni Tita. Kamuntikan pa nga akong masamid dahil sa tanong niya.

Sa totoo lang kasi, hindi ko rin alam. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na crush ko si Lyon pero mukhang mas matindi naman ang epekto ni Ion sa 'kin. 

"Uy, 'di kaagad nakasagot! Gusto mo 'no? Gusto mo!" Umiiling-iling pa 'ko no'ng una hanggang sa natawa na lang ako dahil sa panunukso ni Tita na parang teenager.

Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko kaya naman 'di ko na matanggal ang ngiti ko.

"Gusto ka rin ba niya? Dapat gusto ka rin niya! Batukan ko siya. Ang ganda-ganda ng pamangkin ko eh," ani Tita dahilan para mapatawa pa 'ko lalo.

"Maraming nagkakagusto ro'n, Tita. Magaganda pa," sabi ko na lang. Totoo naman talaga eh. 'Yong iba, mayaman pa.

"S'yempre, 'wag kang papatalo. Ikaw ang mas may chance oh!" biro niya. "Ano? Gusto ka rin ba niya?"

"H-hindi ko alam, 'Ta. Wala 'kong balak na tanungin siya."

Isa pa... hindi ko siya p'wedeng magustuhan kasi kailangan ko pa siyang ibalik sa dati.

Nakaramdam ako ng kapaitan dahil sa naisip.

Ang isiping mawawala si Ion at kakailanganin niyang bumalik sa pagiging statue ay sobrang nakalulungkot. Baka kapag dumating na nga ang araw na 'yon, humagulhol na lang ako.

"Hmm. Tutulungan kita r'yan. Lalagyan ko ng twist ang plano ko ngayong gabi," biglang sabi ni Tita at patapos ay humagikhik. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.

Plano? Ngayong gabi?

"Isuot mo na 'yung dala kong damit para sa 'yo. Sasama ka sa 'kin," anunsyo ni Tita at inihagis sa 'kin ang kanina niya pang dala na paper bag. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

"Sa'n tayo pupunta, 'Ta?" tanong ko.

"Mamamasyal tayo. Isasama ko na rin si Guwapo. Magbihis ka na r'yan at ipapaalam ko muna kayo kay Ate," aniya. Magtatanong pa sana ako pero tuluyan niya na 'kong iniwan dito sa kwarto.

"CELLPHONE?" tanong din ni Tita sa 'kin. Iniabot ko naman ang phone ko bago lumabas ng van. Si Ion ang huling bumaba.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Punong-puno ng ilaw rito! Malamig din dahil gabi na. Maraming tao at karamihan ay kaedaran namin.

Dear PygmalionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon