Chapter 10

831 29 14
                                    

CHAPTER 10
Sireah

BAGO pa 'ko tuluyang lamunin ng tubig dagat ay narinig ko ang mga sigawan ng mga humahabol kanila Icarus. Siguro'y ngayon lang nila ako napansin.

Marami akong ini-expect bago mag-landing sa tubig. Akala ko'y mapupuwing ng mata ko dahil sa alat ng tubig, aabutin ako ng ilang taon bago malangoy ang kinaroroonan ni Icarus at akala ko'y madali akong malulunod dahil nga 'di naman ako magaling lumangoy. Pero hindi. Wala sa mga pagpipilian ang nangyari sa 'kin.

Pagka-landing ko sa tubig ay dire-diretso akong nakalangoy sa direksyon kung saan ko nakitang nahulog si Icarus. Ang nakagugulat pa'y 'di nasasaktan ang mga mata ko habang nakadilat sa tubig. Nakaalis din ako sa puwesto ko, 'di gaya ng nangyayari sa 'kin sa tuwing nagswi-swimming ako sa dagat sa probinsya namin na akala ko'y ang layo na ng narating ko. 'Yon pala'y 'di pa 'ko nakaaalis sa puwesto.

Kalaunan, napag-isip-isip ko ang lahat.

Kaya siguro hindi gumana ang relo ni Mikaia dahil mukhang nasa ibang mundo ako. Napakahirap paniwalaan pero ito na oh. Wala nang dahilan pa para hindi maniwala dahil nangyari na nga.

Kaya pala nakalipad 'yung dalawa kanina gamit lang ang artificial na pakpak. Kaya rin siguro nakalalangoy ako ngayon na animo'y ang galing-galing ko.

Kaya pala. Siguro'y dahil nasa ibang mundo nga 'ko.

Nagpatuloy ako sa paglangoy, pursigidong mailigtas si Icarus. Sagabal naman sa paningin ko ang mga bula sa tubig gawa ng sunod-sunod na pag-alon.

Umahon ako sandali para kumuha ng hangin at para na rin makita kung nasaan ang kasama ni Icarus.

Nakita ko ang kasama niya na nakalingon pa sa tubig at hindi umaalis sa kinaroroonan. Siguro'y nag-aalala para kay Icarus. Ilang metro na lang ang layo ko rito.

Nakaramdam ako ng kaba para kay Icarus.

Baka malunod siya! Kailangan kong magmadali!

Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras at nilangoy na nga ang hinulugan ni Icarus. Halos maibuga ko pa ang hanging kinuha ko kanina nang makitang sa malalim na parte pala nahulog si Icarus. Mas binilisan ko ang paglangoy dahil do'n.

Sinisid ko ang malalim at madilim na parte nitong dagat. Mabuti't sa mababaw pa lang ay nakita ko na ang katawan ni Icarus na patuloy na bumababa. Kaagad 'kong pinuntahan 'yon at hinatak paangat.

Halos mawalan pa nga ako ng pag-asa nang makitang 'di na siya gumagalaw.

Hindi p'wede 'to!

Lalo ko na lang binilisan ang paglangoy ko para makahinga kaagad si Icarus.

Nabuhayan ako ng loob nang tuluyan ko siyang naianhon pero kaagad ding namatay 'yon nang makita ang mga humahabol sa kanila ay tumalon na rin sa tubig. At ang mas malala pa ay nakita nila ako na hawak-hawak ang katawan ni Icarus!

Yari na! Heck!

Itinuro ako ng nakakita sa 'kin dahilan para mapalingon ang lahat ng kasamahan nila sa direksyon ko at ni Icarus. Sa sobrang taranta ko ay sumisid na lang ulit ako at mabilis na lumangoy papuntang kawalan.

Bahala na kung saan kami mapunta. Ang mahalaga, mabigyan ko na ng hangin si Icarus at magising siya. Hindi ko maisasakatuparan ang second mission ko kung mamamatay siya!

Naiiyak na 'ko sa sobrang taranta ko at nagpa-panic na rin ako. Baka kasi hindi na magising pa si Icarus. 'Yon ang 'di dapat mangyari!

Sa gitna ng pagpa-panic ko at pagkataranta ay himalang nakarinig ako ng napakagandang boses. 'Di ko alam kung paano ko 'yon narinig samantalang nasa may malalim na parte ako ng dagat. Pero may kung ano sa boses na 'yon na nag-udyok sa 'king lumangoy sa pinanggagalingan no'n.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now