Chapter 38

637 15 1
                                    

CHAPTER 38
Hanggang kailan

"GUSTO mong tumulong? Sige. Tulungan mo 'kong kalimutan ka."

Mula sa gulat, naging walang emosyon ang kanyang mukha pero nakita ko ang pagtulo ang kanyang luha. Kita ko rin kung paano gumalaw ang kanyang panga. Kahit gano'n, nanatili akong nakatayo nang tuwid, pilit na pinakikitang malakas ako.

Isa 'to sa hinahangaan ko sa mga lalaki. Kalmado lang kahit nasasaktan na sa loob. Pinapakita pa rin nilang malakas sila kahit hinang-hina na.

"Iyon ba talaga ang makatutulong sa iyo, Kamahalan?" tanong niya na siyang bumasag sa pagiging malamig ng tingin ko. Kinakabahan ako sa kung ano'ng naiisip niya ngayon kaya hindi ko nagawang sagutin ang tanong niya at napaawang lang ang aking labi.

Napaatras ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napatakip ako ng bibig sa gulat.

A-ano'ng....

"Hayaan mong umpisahan ko rito," pag-uumpisa niya habang nakatingala sa 'kin at nasundan pa ang pagpatak ng luha niya. "Bigyan mo ako ng pahintulot na makalaya sa iyo... sa pagiging alipin mo."

Napalakas ang hagulhol ko dahil do'n. Napansin ko rin na kanina ko pa pala pinipigil ang hininga ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili. Kanina, ako mismo ang nagpupumilit na tumigil na siya sa pagpapaalipin sa 'kin pero ngayong siya na mismo ang nagkusa, parang hindi ko yata kaya.

Ayoko pala. Kahit 'yon na lang ang matirang koneksyon naming dalawa. Kahit 'yon na lang ang panghawakan ko, ayos na.

Lumuhod din ako sa harap niya para magpantay ang tingin naming dalawa. Pagkatapos, mahigpit ko siyang niyakap.

Hindi ko talaga kaya.

Maingay akong umiyak sa balikat niya na siyang kabaliktaran ng ginagawa niya. Ikinulong niya rin ako sa kanyang bisig na kasing higpit ng pagkakayakap ko.

"Ion, 'di ko na alam kung a-ano ba ang tamang gawin," pag-amin ko at nabasag ang boses. "Parang wala rin naman kasing pinagkaiba ang choice na mayro'n ako. Pareho lang dulo. Parehong m-masakit."

Habang unti-unti kong sinasabi ang nararamdaman, parang unti-unti ring nababawasan ang sakit. Kung sana nalaman ko 'to nang mas maaga, e 'di sana ay 'di ganito kabigat ang nararamdaman ko. Minsan pala, kahit may makinig lang sa mga problema mo, malaking tulong na.

"Ayokong m-mawala ka sa 'kin." Hindi ko na naiwasang pumiyok. Pagkasabi ko naman no'n, mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa 'kin. Mahigpit pero punong-puno ng pag-iingat.

Basang-basa na ang likod ng gray na polo niya dahil sa mga luha kong hindi maubos-ubos. Mukhang gano'n din naman ang suot kong coat na uniform dahil sa luha niya.

"Hindi ako mawawala sa iyo. Sa 'yo lang ako," matigas niyang sabi dahilan para mapangiti ako nang mapait.

"Hindi ka para s-sa 'kin, Ion."

HINARANG ko si Shana bago siya makalabas ng pintuan ng room namin. Napaatras naman siya sandali sa gulat pero kaagad ding nag-iwas ng tingin.

"Excuse me—" Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.

"P'wede ba kitang makausap, Shana?" tanong ko habang sinusukat ang magiging reaksyon niya. Tinitigan niya muna ako sandali pero sa huli, pumayag din siya.

Pumunta kami sa may garden ng school para do'n mag-usap. Break naman namin ngayon kaya walang madaraanang klase.

"Sorry," pag-uumpisa ko habang nakaupo kami sa isang bench. Hindi naman siya umimik kaya nagsalita ulit ako. "Marami lang talaga akong pinagdadaanan nitong mga nakaraang araw kaya gano'n ang reaksyon ko sa lahat."

Dear PygmalionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum