Chapter 4

1.3K 53 24
                                    

CHAPTER 4
Date

AFTER ng kahihiyan ko sa pagtawag kay Raeyoo, kinailangan ko kaagad na umalis at lumayo sa maraming tao. Kaagad ko kasing naramdaman ang pag-ilaw ng kwintas. Advantage naman 'yon para hindi masapak ni Xander kung sakali.

Nagtago ako sa isang comfort room at pagkapasok ko sa isang cubicle, saktong lumakas ang pagliliwanag ng kwintas. Napapikit ako dahil do'n.

Nakakahiya 'yong ginawa ko kanina! Mabuti at parang effective dahil tuluyan akong dinala ng kwintas siguro pauwi sa pinanggalingan ko kanina.

Medyo mahirap nga talaga ang pagiging matchmaker. Yet, unti-unti ko na siyang nagugustuhan. Ang saya palang magmistulang Kupido para sa dalawang tao.

Pagkawalang-pagkawala ng liwanag ay mabilis akong dumilat. Napadpad ako sa kwarto ko ulit. Mabilis naman akong tumingin sa wall clock at nakitang wala halos isa't kalahating oras ang itinagal ng pag-alis ko.

Sunod na napadako ang tingin ko sa pendant na hawak ko pa rin. Nadagdagan na ang pink na liquid no'n at halos kalahati na lang ang kulang! Ang saya!

Pagkatapos kong tawagin si Raeyoo kanina, wala nang nagawa pa si Xander kun'di ang lumapit at makipag-usap sa kanya. Hindi ko naman na nasundan ang sunod na nangyari dahil kinailangan ko nang umalis.

Mabilis kong kinuha ang cellphone kong basag na ang screen sa ibabaw ng damitan ko para pumunta ulit sa website ng CupidsDatingAgency.com. Gaya ng parating nangyayari, pagka-enter ko ay nagliwanag kaagad ang buo kong kwarto at sumulpot muli si Mikaia.

"Bakit?" bungad niya sa 'kin habang ako naman ay biglang may naisip.

Una kong ginawa ay tiningnan ang suot niya. Iba 'yon sa suot ko kanina noong napadpad ako sa katawan niya. So... siguro nga ay future ang napuntahan ko? Anyways, may kailangan pa 'kong malaman.

"Hmm... bigla ko lang naisip. Kapag pumupunta ako sa website ng Cupid's Dating Agency ay nasa-summon ka 'di ba?" tanong ko na tinanguan niya lang. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka.

"So... paano naman kapag may importante kang ginagawa pero ini-summon kita?" dagdag kong tanong dahilan para mapabuntong hininga siya.

"Ganito 'yon. Kapag nakompleto mo na kasi ang tatlong mission, bibigyan ka ng isang bracelet. Tingnan mo 'to." Iminuestra niya sa 'kin ang kanyang suot na bracelet.

Kapareho ng pendant ng kwintas ang palawit ng bracelet niya. Ang pinagkaiba lang ay red na ang liquid nito sa loob ng glass na bow at puno na 'yon.

"Umiilaw 'to sa t'wing tatawagin mo 'ko. S'yempre, bago ako pumunta kapag tinawag mo 'ko, kakailanganin ko munang isan'tabi ang mga ginagawa ko. Hindi naman p'wedeng kaagad akong mawala sa mga kaharap ko, 'no!" paliwanag niya. Napatango na lang ako.

So gano'n pala 'yon.

"'Yon lang ba ang dahilan kaya ini-summon mo 'ko?" mahinahong tanong niya. Dahil do'n ay natauhan ako.

"Hindi!" mabilis kong tugon at pagkatapos ay tumingin sa wall clock. Malapit nang magtanghali!

"Itatanong ko lang kung p'wede bang ngayon ko na tapusin ang first mission. Kailangan ko na kasi ngayon ang wish ko," nagmamadaling sabi ko.

Panandalian siyang nag-isip.

"Hmm... p'wede naman siguro. Try mo kung gagana ulit 'yung ginawa mo kanina. Kapag 'di gumana, ibig sabihin, 'di p'wede," kibit balikat niyang sagot dahilan para mapangiwi ako. 'Di rin pala niya sure. Tsk.

"E ano'ng magagawa ko kung 'di ko naman kasi ginawa 'yan!" defensive niyang sabi, siguro ay nahulaan niya ang iniisip ko.

"Oo na. Sige na. 'Yon lang naman sana ang itatanong ko," walang gana kong sagot.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now