Chapter 29

727 13 0
                                    

CHAPTER 29
Ayaw ko

WALA nang nagawa si Ion kun'di itigil ang sinasakyan namin. Hindi kasi kasya kung ipapasok namin 'to sa loob. Na-trap tuloy kami rito sa gitna.

"Ano nang gagawin natin, Kamahalan?" tanong sa 'kin ni Ion. Ramdam ko ang paglingon niya sa 'kin pero 'di ko na siya tiningnan pabalik. 

Yumuko ako para makapag-isip ng paraan. Ang kaso ay wala na talagang paraan! Kahit eroplano pa yata ang gamitin, 'di pa rin p'wede. Mapapansin at mapapansin kami ng mga tao sa gagawin namin. Milagro na lang siguro ang pag-asa—

Tama! Thank You, Lord!

Mabilis akong nag-angat ng tingin at tumingin kay Ion.

"Sumunod ka sa 'kin," utos ko sa kanya bago naunang lumabas ng sasakyan. Nakayuko akong naglakad papunta sa likuran kung saan naro'n ang statue. Nakabalik na kasi ako sa dati kong anyo.

Sumunod si Ion sa 'kin nang nakayuko rin. Pagkatapos niyang makapasok sa likuran ay sinara ko ang pinto. 

"Ano'ng gagawin mo, Kamahalan?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka. 

"Kumapit ka sa 'kin at hawakan mo ang statue. Ita-try natin 'yung nangyari kanina," sagot ko at pagkatapos ay inabot sa kanya ang kaliwang kamay ko. Hinawakan ko naman ang pendant gamit ang kabila kong kamay.

Sana gumana. Ito na lang talaga ang pag-asa namin.

Ipinikit ko ang mata ko at in-imagine na mapunta sa kwarto ko. Mayamaya pa, naramdaman ko na ang pag-init ng pendant.

Yes!

Mas diniinan ko ang pagpikit at ang pagkahawak ko kay Ion dahil do'n hanggang sa nagliwanag na nga ang paligid.

No'ng nawala ang ay kaagad kong tiningnan ang kamay ni Ion kung nasama niya ang statue. Sisigaw na sana ako sa tuwa nang may narinig akong paggalaw sa likuran ko. Dahan-dahan kong nilingon 'yon at nakita ang sarili na nakatalikod sa amin ni Ion habang naghahanda ng gamit.

Oh heck! Ito na siguro 'yung sinasabi ni Mikaia na hindi rin ako p'wedeng makita ng dati kong sarili!

Abot tahip ang kaba ko na baka lumingon siya sa direksyon namin ni Ion at makita niya kami. For sure, masisira ang buong pinaghirapan namin.

Tinakpan ko ang sariling bibig, takot na makagawa ng kahit anong ingay na p'wedeng magpalingon sa sarili ko. Pati paghinga ko, pinigilan ko na rin.

Labas na. Labas na please!

Nakahinga ako nang maluwag ng hindi na siya lumingon pa sa direksyon namin at lumabas na ng kwarto. Akala ko, mahuhuli pa kami eh.

"Success ang stealing operation," bulong ko kay Ion.

"NGAYON, maaari mo na bang ikuwento sa 'kin ang lahat?" tanong sa 'kin ni Ion nang tuluyan kaming nakauwi sa oras namin.

Dahil hapon palang dito, wala pa sina Nanay at Tatay kaya naman nandito kami ni Ion sa sala para pag-usapan ang tungkol sa kanya.

Tumikhim muna ako bago magsimulang sabihin sa kanya ang lahat.

"Isa akong matchmaker. May tatlong pares na ibibigay ang pendant na 'to na kailangan kong maipag-match nang manu-mano. Sa ngayon, isang pares na lang ang kailangan kong ipag-match," pag-uumpisa ko at ipinakita sa kanya ang pendant ng suot kong kwintas.

"Kada isang pares na maipagma-match ko, matutupad ang isang hiling ko. Pagkatapos kong matapos ang unang mission, hiniling ko na makapasok ako sa Aistone University. 'Yung pangalawang hiniling ko naman..." Hindi ko kaagad natuloy ang sasabihin.

Dear PygmalionWhere stories live. Discover now