~8~ Cellphone

263K 6.1K 694
                                    

~8~ CELLPHONE

CHLOE’S POV

 

--

FROM: Dustin_Weird

Let’s meet at the coffee shop near the campus. Don’t keep me waiting.

--

Kakalabas ko lang mula sa College building namin nang mareceive ko ang text mula kay Dustin. Err… Kahit dalawang araw na yung nakalipas nang mapuna niya ang red spot ko, hindi ko pa rin yun makakalimutan! Nakatatak na yun sa isip ko eh. Most embarrassing moment of my life. Buti nalang talaga, hindi ko nakita si Dustin kahapon, kundi mas lalo kong maalala ang karumal-dumal na pangyayaring iyon. TT________TT

Huminto ako sa paglalakad at nagcompose muna nang irereply ko kay Dustin. Hindi pa man ako nakakatapos sa text ko ay bigla naman akong nakareceive ng tawag mula sa kanya. Sasabihin ko sana na hindi ako pwede ngayong araw kasi… uhmm… wala lang. Excuse ko lang sa kanya yun. Ayoko lang talaga siya makita. >/////////>

Huminga muna ako ng malalim bago ko ilagay sa tenga ang phone ko. First time ko maririnig ang boses niya over the phone! Gwapo rin kaya ang boses niya? -/////////-

“Hello?”

[“Pupunta ka ba o pupunta ka?”]

Kyaaaaaahh! Ang gwapo rin ng boses... :””>

“Ehem… Bakit ba? Hindi ako pwede eh.” Be casual, Chloe.

[“Bakit? May klase ka pa?”]

“Wala… Pero uuwi na ako.”

[“O’right. Dadalhin ko nalang sa bahay niyo ang binili kong dress para sayo.”]

Napakamot ako sa bangs ko. Hindi siya pwedeng pumunta sa bahay. Baka makita siya ni Momsie~ >.<

“Dress? Para sa date natin?” Nakanaks! Dumedate na ako. >//<

[“Yeah, I don’t want you to embarrass me infront of the people. Gusto ko presentable ka kagaya ko.”]

I hissed and then rolled my eyes, “Fine… Ikaw na gwapo. Ang yabang naman…”

[“Ikaw ang nagsabi nyan. Hindi ako.”]

“Oo na… Oo na! Sige na pupunta na ako dyan. Pwede mo namang iabot yan sa akin dito sa campus, gusto mo pa sa coffee shop. Gusto mo lang ako maka-date eh.”

[“Tss… Whatever you say, it’s a date, then.”]

And then he hung up the phone leaving me dumbfounded. Haluuuuh? Anyare dun? Niloko ko lang, bumigay naman.

I flipped my bangs beautifully, “May crush din yata sa akin yun eh. Hihihihi…” :””>

 

***

Medyo nagkaroon pa ako ng aberya papunta sa car park ng E.H.U. Nakita ko na naman kasi na inaapi ang mga sissies ko ng dalawang echoseras sa hallway! Lakas makabully eh. Eh sina Kaye Anne at Gail pa naman walang lakas ng loob sa pakikipagbangayan. Hindi katulad sa akin na palaban! Laking Sitio Maligaya yata ‘to! (~~,)+

Nakakainit ng ulo kapag hinuhusgahan nila ang kaibigan ko na malalajuntay daw. Duh! Kasalanan ba ni Gail na tamaan siya sa ulo ng soccer ball kaya naman dinala siya ng isang Papable na nagngangalang Kurt sa kanilang private room dito sa E.H.U kahapon? Tinulungan ko kasi sila kahapon. Nawalan ng malay eh… At dahil dun, mukhang nagka-haters ang aking kaibigan. Mukhang maraming fans yung papable eh. Ke-gwapo gwapo naman din kasi nung Kurt! Ang yummy! *Q*

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now