~17~ Loner

208K 5.3K 494
                                    

~17~ LONER

 

***3 WEEKS LATER***

 

CHLOE’S POV

“Hey.”

“Ewan ko sayo!”

“Chloe.”

“Aish! Ano ba!”

“I was just kidding, you know. Don’t take it seriously.”

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakaharang sa dadaanan ko. Sino pa nga ba ang lalaking yun? Syempre, walang iba kundi si Dustin. Three weeks na ang nakalipas simula nung malaman ko ang dahilan kung bakit cold siya. Since then, mas lalo siyang naging persistent sa pagsunod-sunod sa akin. Katulad nalang ngayon. Argh!

“May klase pa ako, Dustin. Kaya please shoo away na,” tinulak ko pa siya ng mahina sa braso niya.

“Galit ka?” =___=

Automatic na inirapan ko siya. Ako? Galit? Ha-ha-ha! Sino ba namang hindi maiinis dun sa sinabi niya kanina sa harapan ng mga kaibigan ko at gangmates niya?

 

 

***FLASHBACK***

 

Nagulantang ako ng bonggang-bongga sa kumakalat na chismis sa buong campus. Ansabe naman ng issue na may nangyaring public confession sa pagitan ng sissy Gail ko at ang kinamumuhian niyang si Kurt? At eto pa ah! Sila na raw. As in agad-agad!

Ako naman itong si curious, tinawagan si Kaye Anne. Timing naman na walang klase si sissy kaya nag-meet kami sa tapat ng building nila. At ayun, kinumpirma niya sa akin na totoo raw ang chismis. Sakto naman na nakita kami ng mga kaibigan o should I say gangmates ni Kurt, including Dustin of course. Niyaya nila kami na hanapin ang dalawang lovebirds… and we ended up at the building’s rooftop. Nandun nga ang dalawa. Nag-aalone time. OMG. Brineak na nga ni Gail ang golden rule namin >_____<

“Ikaw, Chloe? Kailan mong balak buwagin ang golden rule natin?”

Nagulat ako sa tanong ni Kaye Anne kaya napa-- “Huh?” ako.

“Tonight.” =___=

Sinamaan ko ng tingin si Dustin. Anong tonight ka dyan!?! Argh!

“Yown oh~!!!” They all teased.

“Lul.” =___=

***END OF FLASHBACK***

At ayun ang dahilan kung bakit ako naiinis kay Dustin. Kaloka! >.<

“Ikaw naman kasi,” tinuro ko pa siya habang nakasimangot ako. “Anong tonight yang pinagsasabi mo dun sa taas?”

Tumaas ang kabilang sulok ng labi niya. Napatingin tuloy ako sa paligid ko. Coast is clear. Walang tao. Kaya pala ngumingisi ang loko -___-

“Binuwag na ng kaibigan mo ang golden rule ninyo. Ikaw kaya, kailan?”

I rolled my eyes on him, “Inulit mo lang yung tanong ni Kaye Anne eh!”

“Kasi gusto kong malaman ang sagot mo. Simple as that.”

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko sabay taas pa ng kilay sa kanya. “Hindi dahil sinagot na ni Gail ang kaibigan mo, ibig sabihin nun ay sasagutin na rin kita. Malay ko bang pinagtitripan mo lang ako?” Tinuro ko ang sentido ko. “Wise to, dre. ‘Di ako basta-basta.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon