~21~ Two Hour-Date

183K 4.7K 638
                                    

~21~ TWO-HOUR DATE

CHLOE'S POV

Medyo minamadali na kami ni Kelly na kumain ng late lunch kaya dumiretso na kami sa pinakamalapit na mall kung saan namin siya nakita. Nagrequest pa siya na dun nalang kami kumain sa MCDO dahil gusto raw niya ng happy meal kaya naman pinagbigyan na namin siya ni Warren.

Okay na sana eh, kaso lang ayaw niyang magpapicture sa akin. Baka hinihintay na ng Ate niya ang picture naming dalawa >___<

"Kelly, we need to take a picture together. Your sister must have been waiting for this," sabi ko habang pinapanuod siyang kumain ng Spaghetti. In fairness sa batang ito ah, may poise kumain. Dinaig pa ako -_^

"Naaaah, I don't want to."

"C'mon, Kelly... Just one picture. We have to send it to your sister sooner or later," pag-eencourage naman ni Warren sa kanya habang tinatapat sa amin ang phone ko. Sinabihan ko na kasi siyang picture-an kami gamit ang phone ko.

"Ayaw ko, okay?" Mataray na sagot ni Kelly habang nakataas pa ang kilay kay Warren. Aba, may attitude! "You're really gonna return me to my Ate, aren't you? Then, we don't need to take a picture... It's not required though. Besides, I know I'm safe with the two of you. My Ate just told you about this proof of picture to see your face Ate Chloe, so that she will get this sort of evidence if something happens to me. Understand?"

Nganga @0@

"Grabe 'tong batang 'to," narinig kong bulong ni Warren habang iniiling-iling ang ulo niya.

"I know right?" Pagsang-ayon ko habang pinapanuod ulit si Kelly na kumain. Natapos nalang kaming kumain ni Warren, pero si Kelly hindi pa rin. Masyado siyang nagutom obviously. "Nung ganyang edad ko, uto-uto pa ako eh."

Natawa naman si Warren sa sinabi ko. Nasa harapan ko siya ngayon at magkatapatan kami sa table. "Alam ko. Iba na talaga ang generation ngayon."

"Ito naman! Akala mo naman, katandaan na tayo."

"Hindi, ang ibig kong sabihin, iba siguro yung nakalakihang surroundings ni Kelly. Hindi siguro siya yung tipo ng bata na playful. Mas gusto niya sigurong nakikipag-usap sa mas matanda sa kanya kaya siya ganyan mag-isip," paliwanag ni Warren habang nakatingin lang sa akin.

Kung sabagay, tama siya. Nung ganyang edad ko, wala akong alam kundi ang maglaro. At least, naenjoy ko ang pagkabata ko =)

Medyo natagalan pa kami dun sa MCDO dahil ang bagal kumain ni Kelly. Kakatext ko lang sa Ate Jenine niya na magkita nalang kami sa 2nd floor ng Atrium. Dito kasi ang may upuan at sabi ni Kelly ay gusto niyang magpahinga muna. Mukhang napagod siya kanina sa kakalakad.

Umupo si Warren sa kaliwa ni Kelly. "Bakit ka nga ba nawala, Kelly?"

Inikot lang ni Kelly ang mata niya at tumingin sa harapan namin. "Didn't you guys hear what I told my sister on the phone awhile ago?"

"Na nawala ka kasi pinabayaan ka na naman ng yaya mo? At dahil dun, sinundan mo yung cotton candy vendor hanggang sa nakalayo ka na?" Sagot ko habang nakatingin kay Warren. Napakibit-balikat nalang sa akin si Warren.

"What is he to you, Ate Chloe?"

"Huh?"

Inirapan niya ako tapos tumingin siya kay Warren. "I said, is he your boyfriend?" Tanong niya habang nakaturo kay Warren. Nanlaki naman ang mga mata ko. Bat napunta dun ang usapan? O_O

"No, not yet." Natatawang sagot ni Warren, "And we're supposedly dating by now but you're here, so, I don't consider this a date anymore."

Okay, bahala na sila dyang mag-usap. Sumasakit ang ulo ko sa kaka-English nila -_____-

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon