~10~ SAY NO TO GAPANG
CHLOE’S POV
“Hinintay kita dun tuwing Sabado pero hindi ka na bumalik. Buti, nagkita ulit tayo… Ngayon, babawi na ako sayo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa pagkabigla ko, naitulak ko siya ng bonggang-bongga. Mukhang napalakas yata yung pagkakatulak ko sa kanya kasi muntikan na siyang matumbabels ng pak na pak. >.>
“Ang sakit nun ah…” =___= Reklamo niya habang hinahaplos ng pabilog ang tiyan niya. Dun ko kasi siya tinulak sa parteng yun.
Sinimangutan ko siya. “Duh? Sino ba namang hindi magugulat dyan sa pinagsasasabi mo?! Anong hinintay mo ko? Seriously Dustin, nagdadrugs ka ba???”
Tinitigan niya muna ako ng pagkalamig-lamig bago siya sumagot.
“Eh totoo naman yung sinasabi ko eh,” sabi niya tapos inikot niya ang katawan ko. Yung tipong inoobserbahan ang itsura ko. Luh!? Anyare sa kanya? Napakawirdo talaga! >.<
“Oy, oy! Nahihilo ako. Tigil na nga!”
He crossed his arms and then looked at me again. “Ayos ah. Magkano paretoke mo dyan?” Sabay nguso niya sa bandang mukha ko.
“Anong retokeng pinagsasasabi mo?” -__-
Ngumiti lang siya sa akin. Yung sikmura ko tuloy, biglang nagrumble. @_@
“Diba pango ka dati? Tandang-tanda ko pa na pango yang ilong mo eh,” at talagang pinisil pa ang ilong ko! Waaaah! I-wushu ko ‘to eh! (o>_>)~
“Ano ba?!?” Tinampal ko ang kamay niya. Nagulat ako nung tumawa siya ng mahina. Aba… Bakit kaya ganitong ‘tong taong ito? Tumatawa siya sa mga bagay na hindi naman nakakatawa? >.>
“Tumangos ah… Marunong ka na rin bang mag-english ngayon?”
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Malamang! Best in science yata ‘to nung highschool!” Proud na sabi ko.
“Oh? Anong connect nun sa English?” =__=
Napakamot ako sa ulo ko. Ano nga bang connect ng Science sa English? Shunga mo talaga, Chloe kahit kailan. Pahiya ako ng konti dun ah -////-
“English language yung ginagamit sa Science. Pfft! Wag ka nga!” +____+
At ayun, tumawa na naman siya. Hindi ko nalang siya tinignan kasi the more na tinitignan ko siyang tumatawa o ngumingiti, the more na bumabaligtad yung sikmura ko. Hindi naman sa sinisikmura ako ah. Parang may nagrurumble kasi sa loob ko. @_@
“Ayos ah. Nagkita ulit tayo. Kaya pala nung unang beses pa lang kita nakita, pakiramdam ko may koneksyon tayo sa isa’t-isa.” Hindi ko siya tinitignan, pero alam kong nakangiti siya sa tono pa lang ng boses niya.
Ano ‘to linya ng kuryente? MERALCO? May connection?
*dug dug dug dug dug dug*
>///////<
Nginitian ko siya ng pilit. ‘Di ko alam kung bakit pero talagang nanginginig yung lips ko! Uwaaah! Masama na ito! TT______TT I have to stop this or else I’m gonna punch myself. >.<
“K-koneksyon? Ayos ka lang? Korny mo, dre!!”
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ngumisi pa ang walangya! Aba!

YOU ARE READING
Hot And Cold [Completed]
Teen FictionX10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily? Ms. Hot or Mr. Cold? TV5's Wattpad Presents: Hot And Cold [Mini Series (May 18-22, 2015)] - Ella Cr...