~31~ Debut

203K 5.5K 253
                                    

~31~ DEBUT

 

CHLOE’S POV

 

Mabilis lumipas ang buwan, actually, March na ngayon. Ang bilis noh? Parang kailan lang, nag-aadjust pa ako nung first day ko sa pagiging freshman sa College tapos ngayon, malapit ng magtapos ang semester. Kasabay ng paglipas ng mga buwan, marami na ang nagbago. Well, hindi naman sa akin kundi sa mga sissies ko. May mga problema kasi silang kinakaharap ngayon :(

Anyway, simula nung Concert For A Cause, which is four months ago, nagkaroon ng great changes sa treatment ni Dustin sa akin. Ugh, sabihin na nating naging triple na yung pagkaclingy niya sa akin. Oo, clingy na siya. Although, hindi pa rin nagbago ang pananaw niya sa PDA, sumobra naman yata ang pagkaclingy niya kapag kami lang dalawa ang magkasama.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na may boyfriend na ako. I mean, oo, sanay naman na ako ng slight. Pero nanibago ako nung Christmas, New Year at lalong-lalo na nung Valentines Day. Dati naman, ang iniisip ko lang sa mga okasyon na yan ang friends at family ko, pero simula nung naging boyfriend ko si Dustin, mas naging extra-ordinary ang pagcecelebrate ko. ^^

Kagaya nalang ngayon, today is my birthday. At akalain niyo nga naman, kasabay ko rin pala magbirthday ang biological mom ni Dustin? Isn’t it what you called destiny? Chos! :P

“Saan ba tayo pupunta, Dustin?”

“Basta. Malapit na tayo.” =___=

Sa totoo lang, one hour na siyang nagdadrive dyan pero hindi man lang niya sinasabi kung saan kami pupunta. Hindi naman ako shunga para hindi mapansin na medyo lumayo na kami sa siyudad. Masyado na itong probinsya. Hala, hindi kaya tinatanan na ako ni Dustin? Debut ko pa naman ngayon. :3

“Dustin, tama ba na hindi ako nagpa-party ngayong birthday ko? Debut ko pa naman.”

Nagkibit-balikat lang siya. “It’s your choice, isn’t it? You said that you don’t like parties.”

“Tama ka,” malungkot na sabi ko.

Actually, hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng debut party ngayon. It’s just that it’s not appropriate to have fun while everyone’s not fine. Katulad nalang ng X10, may problema sila sa Master nila which is Kurt. Sina Gail at Kaye Anne naman, may conflict sa isa’t-isa. Sila na nga lang itong mga kaibigan ko na iimbitahan ko supposedly, hindi naman tamang yayain sila na mag-enjoy. Kaya eto ako ngayon, nagjojoyride with Dustin. :3

***

“Mhine…”

“Hmm?”

“Nandito na tayo. Get up…”

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una ko kaagad na tinignan ang paligid. Nakahinto kami ngayon sa isang… wow, garden ba ito? Bakit puro mga halaman at bulaklak lang ang nakikita ko?

“Nasaan tayo, mhine?”

Bahagya niyang inayos ang buhok ko at saka niya hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko namula ang mga pisngi ko sa gesture niya na yun. Uh, ‘di na ako nasanay sa kanya. >//<

“Alam mo, mukha kang anghel kapag bagong gising ka.”

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti. Wow, ako? Mukhang anghel? “Talaga? Baka echos lang yan ah?”

He laughed a bit. “Nah, I’m saying the truth. Naalala mo nung nakitulog ako sa kwarto mo noon? Yung magkatabi tayo sa kama?”

I smiled at the memory. “Oo naman. Yung parang ninja ka na nag-ala-akyat bahay gang?”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon