~20~ Missing In Action

193K 5.2K 942
                                    

~20~ MISSING IN ACTION

 

CHLOE’S POV

Naloloka ako sa nangyayari ngayon. Una, nanliligaw na sa akin ang kababata kong si Warren. Pangalawa, bumalik na si Momsie at pangatlo, nalaman na ni Momsie ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Warren. At ang nakakaloka pa, pinupush pa ako ng sarili kong Momsie na sagutin ko si Warren. WAAAAHH! Kaloka talaga. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko pang magpaligaw. >.<

“Cha-cha, kung ako sayo, huwag mo nang pahirapan si Warren.”

Hindi na ako sumagot pa kay Momsie. Hinayaan ko lang siyang mag-busy-busyhan sa paghahanda ng breakfast namin. Medyo naimmune na ang tenga ko sa kakacompliment niya kay Warren sa akin kagabi pa. Na kesyo raw mabait si Warren, maasahan, mapagkakatiwalaan, nasubaybayan din niya kung paano siya pinalaki ng parents nito etc. Blah blah blah… +____+

“Sa tingin ko naman, seryoso si Warren sayo, Cha. Aba, sa akin siya mismo nagpaalam na liligawan ka niya eh.” Nilapag niya ang tinoast na pizza pandesal sa lamesa at saka siya umupo sa harapan ko.

“Momsie, mas nauna siyang nanligaw sa akin bago siya nagpaalam sayo.”

Ngumiti naman siya sa akin na parang nagpipiit ng kilig. Hala~ >.>

“Wow, that only shows that he really likes you so much. Nagkataon lang siguro na wala ako dito sa Pinas kaya hindi muna siya nakapagpaalam sa akin bago ka niya ligawan.”

Hindi nalang ako sumagot. Nag-start nalang akong kumain, kesa ang makipagchikahan kay Momsie tungkol sa bagay na ito. Urgh! Ano bang pinakain ni Warren kay Momsie para maging boto sa kanya ng ganito?

“Anyway, magdedate daw kayo ni Warren this coming Saturday. Umayos ka, Cha-Cha ha? Huwag mong malditahan si Warren.”

Automatic na napasimangot ako sa sinabi ni Momsie. Examination week namin next week, at okay, inaamin ko na ayoko talagang makipagdate sa kanya. @_@

“Momsie, hindi ako pwede. Exam na namin next week.”

“Oh,” medyo nasurprise siya pero bumalik din ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. “Okay then, you can manage it anyway. Magdate kayo pero umuwi rin kayo agad ng 4PM. Is that okay with you?”

O__O

“Momsie!”

Tinaasan niya ako ng kilay. Uh oh, kapag nakataas ang kilay ni Momsie, tumatayo na ang balahibo ko sa batok. :3

“N-Nothing,” tumungo ako at kumagat sa pizza pandesal ko. After a few bites, may naalala ako. Paano si Dustin? Tutal naman, alam na ni Momsie na may nanliligaw sa akin, why not tell her about my first ever suitor?

Ang unfair naman kay Dustin kung si Warren lang ang kilala ni Momsie when in fact siya itong unang nanligaw sa akin. More than a month na rin yata simula nang manligaw siya, unlike Warren na kahapon lang nagsimulang manligaw. -___-++

Uminom muna ako sa juice ko bago tignan ulit si Momsie.

“Momsie, honestly, hindi lang naman si Warren ang nanliligaw sa akin.” Huminto ako saglit. Nandidiri ako sa salitang ‘nanliligaw’. Hindi ako sanay! Huhuhu. “Meron po akong isang suitor na more than a month nang nanliligaw sa akin.”

Sa tingin sa akin ni Momsie, parang feeling ko, ini-scrutinize niya ako. Eye-to-eye contact kami eh. Aba, kahit titigan ako ni Momsie ng matagal, mapapatunayan ko namang totoo ang sinasabi ko. :3

 “Is that so?” Tanong niya at tumango naman ako. “Who is he then?”

I smiled proudly. “Siya po si Dustin Jimenez. Consistent po siyang manligaw, Momsie. Lagi niya akong hinahatid-sundo, at napakatrustworthy pa.”

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now