~28~ BACK OFF, FAN GIRLS
CHLOE’S POV
Ang bilis ng panahon. November na. Akalain niyo yun, four months na pala kami ni Dustin? Kinaya ko yung personality niya? Bwahaha! Ako na ang feelingera. Siya pa nga itong nag-aadjust sa ugali ko. >__>
Wala pa rin namang pagbabago sa relationship namin. We’re still into each other. Naks! Gumaganun na ako. Ah, basta. Kung anong meron sa amin nung sinagot ko siya ng July, ganun pa rin naman ngayon. Oo, wala talagang nagbago. Hindi kami lumelevel-up. >__>
So, what do we have here right now?
Kasalukuyan ko lang naman pinapanuod ang performance ng mhine ko. Kapag may time ako, pumupuslit ako sa bahay para panuorin si Dustin. Kagaya nalang ngayon, sem-break naman kaya free ako. In fairness, ang ganda ng boses niya. Versatile kumbaga! Pwedeng rock, mellow, RNB, etc.
I hate your phone calls
In the middle of the day
Cause all you do is remind that my baby is so far away
It drives me crazy
Cause I need you with me
I know its time for you to understand when I say that
Oha! Kahit pang-brokenhearted yung kinakanta niya ngayon, nakekeri niya pa rin. Ang dami ngang tumitili na mga ingratang hitad na talanders eh! Geez!! Naiirita talaga ako tuwing bababa si Dustin mula sa stage na yan. Sinasalubong agad siya ng halik at yakap nung mga babae. Well, hindi lang naman siya. Pati na rin sina Wayne, Jake, at si Toffer. Eh ke-gagwapo ba naman eh. >.>
I hate goodbyes
I hate these tears in my eyes
I hate myself for the way I feel about you everytime
I’ve had enough
I’m sick of wishing she was around me every day, every night
its way too much
I hate love yeahhyeahhh
Nung matapos na yung last song nila, hinuli ko yung paningin ni Dustin mula sa pwesto ko dito sa likod. Kahit maraming mga tao sa harapan, nakita naman ako ni Dustin. Alam naman niyang dito ang paborito kong table kaya niya ako nahanap agad. Sinenyasan ko lang siya sa labas na ako maghihintay tapos tumango na siya. Here goes her fangirls again. Ang sakit sa mata! Makalabas na nga. =_______=Sa labas ko na hinintay si Dustin. Siguro after five minutes, dun ko lang nakita si Dustin na lumabas sa exit. Lalapitan ko na sana siya nang makita kong may humarang sa kanyang babae at take note, niyakap pa siya. Wait, be calm, Chloe. Huwag mong paandarin ang init ng ulo mo.
P-pero bakit niya kiniss si Dustin sa cheek?!?
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nilapitan ko na sila. Nung makita ako ni Dustin, bigla siyang tumabi sa akin. Tinaasan naman ako ng kilay ni girl.
“Excuse me, boyfriend ko ‘to, Miss.”
“Mhine… Tara na.”
Pinandilatan ko lang si Dustin sa tabi ko tapos tinignan ko ng masama ang babaeng nakangisi sa harapan ko. Nakanang! Argh! Nakakainis! Burahin ko yang smokey eyes niya eh.

YOU ARE READING
Hot And Cold [Completed]
Teen FictionX10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily? Ms. Hot or Mr. Cold? TV5's Wattpad Presents: Hot And Cold [Mini Series (May 18-22, 2015)] - Ella Cr...